Prologue

12 0 0
                                    

"What do you want to have for dinner sweetie?"

"Ikaw."

"Huh? Ano sabi mo sweetie?"

"Ha? A-e sabi ko ikaw. Kung ano gusto mo yun na ang iluto mo." nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ang sweet mo talaga sweetie. Kaya lalo kitang minamahal eh. Pakiss nga. Mmmm."sabi niya nang nakapikit at nakanguso.

"Hehehehe"

Niyakap niya ako. I can feel his hard and sexy body. Napakaswerte ko talaga sa lalaking ito.

Mabait,maalaga,sweet,macho,gwapo,matangkad at lahat ng gusto ko walang pag aalinlangang sinusunod niya.

Kaya lang.....

Hindi siya tao.

Isa siyang robot.

Robot na ginawa para sa mga babaeng hindi magkaboyfriend. O kaya sa mga babaeng laging naleleft behind like me.

Ginawa para sa mga taong sawa nang masaktan.

Sana naging tao na lang siya.
Mayroon kayang totoong tao kagaya niya? Hays.

Alam ko wala. Wala namang perfect sa mundo.

Ako si El Reymundo. 22 years old.
Pangit ba ko? Sabi nila hindi naman. Pero lagi akong naiiwan ng mga past boyfriends ko.

Wait....

Boyfriends? O boyfriend? Ay mali. Oo boyfriend lang. Dahil isa lang naman ang nanligaw sa'kin sa tanang buhay ko. Worst, iniwan at niloko pa ko.

Masakit pala. Ngayon ko lang naramdaman ang masaktan sa larangan ng pag-ibig.

Kaya eto ako ngayon.

Siguro kung hindi ako iniwan at niloko ng taong 'yon, hindi ko makikilala ang tao? Robot? Basta para sa'kin tao siya. Hindi ko makikilala ang taong kasama ko ngayon.

Si Blue. Ako mismo ang nagpangalan n'yan sa kanya. Cute di'ba?

"Sweetie gusto mo masahihin kita? Mukhang napagod ka sa trabaho eh." Sabi niya nang nakangiti at parang nagpapacute.

"Hindi okay lang ako. Magluto ka na lang dyan baka ikaw ang mapagod eh." sabi ko.

Hindi ko kasi alam ang mangyayari kung mapagod siya. Baka mamaya mawala siya sa'kin. Syempre robot siya. Para rin siyang appliances na kapag na overused ay baka masira.

Ayoko...

Ayokong mangyari sa kanya 'yon.

Mahal ko na siya.

Oo mahal ko siya. Kahit robot lang siya. Ibinigay niya sakin yung ligaya na kahit kanino hindi ko naramdaman.

Yung pag-aalaga at pag-aaruga. Yung mga masasayang alaala na dapat kong itreasure. Yung pagtatanggol niya sa'kin.

"Ahhhhhh!"

Boogsh.

"Blue!"
naiiyak ako.

Nakita ko siyang bumagsak sa sahig. Shit! Eto na nga ba sinasabi ko eh.

Wag... Ayoko

Hindi ko kaya.

"Blue! Blue! Gumising ka! Ano'ng nangyayari sa'yo? Wag muna please? Hindi ko kaya." Naiiyak kong sabi.

Lahat may hangganan....

Sabi nga nila walang forever. Si God lang ang forever.

Siguro nga napakasama kong tao. Dahil maski ang Diyos kinukwestyon ko. Bakit? Bakit pati si blue na kaisa isang kakampi ko ay kukunin pa niya?

Pero hindi... Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ko hahayaang mawala sa'kin si blue. Siya na lang ang kakampi ko dito sa magulong mundo.

Kung maaari lang gawin kitang tao ginawa ko na.

Blue wag mo 'kong iiwan please?

My Robot ManWhere stories live. Discover now