"Ahhh ang sakit."
Nakakapagod magtrabaho. Sumasakit na yung batok ko. Tapos yung boss ko pinagmamadali kami. Madami daw pending na paperworks.
Hays. Kaya ko to. Aja!"Para sa future namin ni Aaron." Hihihihi para na kong baliw dito nakangiti mag-isa.
"Huy El! Anyare sa'yo? Ano nabuang na kakatrabaho?" sabi sa'kin ni Marie. Katrabaho ko slash bestfriend ko na rin.
"Ha? Hehe naisip ko lang kasi si Aaron. Kailan kaya siya magpopropose sa'kin?" sabi ko na kinikilig.
"What?! Propose propose ka jan e isang linggo pa lang kayo. Manahimik ka nga jan. Palibhasa bago pa lang kayo kaya kinikilig ka jan. Naku tignan mo pag tumagal?....." lumapit siya sakin at nilapit niya yung bibig sa tainga ko. "Ibebreak ka rin nyan."
Tinulak ko siya.
"Alam mo ikaw? Napakasupportive na kaibigan mo talaga noh! Ano naman kung isang linggo pa lang kami? Hindi naman sa tagal ng pagiging kayo nyan! Basta naniniwala akong siya na forever ko hihihihihi"
"Haynako bahala ka sa buhay mo! Sa tingin ko pa lang jan sa Aaron mo mukhang hindi na seryoso.Nakita nga ....." bigla nyang pinutol sinasabi niya.
"Ano yun? Nakita ang alin?"
"Wala pala. Nevermind. Tsaka na lang pag naconfirm ko. Basta sinasabi ko lang na wag ka agad agad bibigay. Parang awa mo na El! Bestfriend kita kaya concern ako sa'yo. And this time sana makinig ka sakin." sabi niya nang seryoso.
Kinakabahan naman ako sa kanya.
Brzzk
Brzzk
Brzzk"May tumatawag sa'yo"
Tinignan ko cellphone ko.
~Babe calling~
"Si Aaron! Shhh." sabi ko kay marie. Baka mamaya kung ano sabihin niya magalit pa si Aaron.
"Whatever." sabay tirik ng mata.
Napakataray talaga.
Sinagot ko na yung tawag.
"Hello babe!" masiglang bungad ko.
"Hello din babe."
halos mahulog na 'ko dito sa kinauupuan ko sa ganda ng boses ng mahal ko. Ang swerte ko talaga. Gwapo na at mabait ang naging first boyfriend ko."Kumain ka na ba? Wag kang magpapagutom ah." malambing na sabi pa n'ya.
"Yes naman babe. Para sa'yo hindi ako magpapagutom." nakangiting sabi ko. "Bakit ka nga pala napatawag babe?" dagdag ko pa.
"Let's have a date. N-namiss na kita eh. M-magkita tayo sa lugar kung saan una tayong nagkita at n-nagkakilala." sabi n'ya nang nauutal?
Ano kayang problema?
Kaya ba siya kinakabahan ay dahil magpopropose na siya?!
Omg! Wait.... Easy ka lang El dapat hindi mo ipahalatang alam mo na. Dapat normal lang.
Tama 'yan. Act normal.
"Ah sige ba babe. I miss you too. Kita tayo mamayang labasan ko."
"Okay babe. Bye."
Toot
Toot
Toot
Toot
Toot"Bye. I Love You."
nakangiti kong sabi kahit na wala na siya sa kabilang linya.
YOU ARE READING
My Robot Man
RomanceDo you want to have a boyfriend? A boyfriend of everything? Who can do what you want? Or a perfect boyfriend that you can customize? Choose your choice! Instant boyfriend available here.