Ilusyon

23 4 8
                                    

Bakit?
Bakit mo ginawa ang bagay nayon?
Tila walang katapusang tanong
Ang Paulit-ulit na naglalaro
Naglalaro sa aking isipan
Naghahanap ng kasagutan

Kasagutan, Sa iyong Mahigpit na yakap
Yakap
Yakap na siyang hindi ko maintindihan
Na sa mapag hanggang ngayon dama ko parin

Ramdam ko parin ang iyong mga kamay
Na siyang nakapalibot sa akin
Na siyang dahilan kung bakit nagwawala
Ang sistema ng aking katawan

Nang mga sandaling yon gusto kong ihinto ang oras
Ang takbo ng minuto
Patigilin ang patak ng segundo
Tumigil ang pag-ikot ng mundo

Ayokong sangayin ang oras na yon, ang pagkakataon

Pagkakataon na memoryahin ang bawat detalye ng iyong mukha
Ang mga nangungusap mong mga mata
Ang buhok mong umaalon dulot ng malakas na hangin
Kamay mong gusto kong hawakan, na hindi ko nanaiising bitawan

Gusto kong manatili sa iyong mga yakap

Pero

Mali, Pero Hindi, Hindi Pwede

Mali ang manatili sa yakap mo

Pero Hindi. Hindi tumigil ang oras gaya ng inaasam ko
Hindi ko nasilayan ang iyong mukha
Hindi ko nahawakan ang iyong mga kamay

Dahil Hindi Pwede
Hindi pwedeng ipilit ang hindi
Hindi pwedeng yakapin rin kita pabalik
Dahil alam kong hindi pwede, baka masira lang lahat

Hindi mo inaasahan ang nangyari
Ginawa ko lahat para makawala sayo

Hindi kita nilingon at wala rin akong balak lingonin ka
Para saan?
Para saan pa?

Pero di ko inaasahan ang sumunod na nangyari

Nagsimula kang magtanong, Nagsimula karing humakbang
Kung anong nangyayari sakin, kung may problema ba tayo?
Kusang tumigil ang aking mga paa at ngumiti ng mapakla
Wala, Walang nangyayari sakin
Tayo?  Gusto kong tumawa wala palang tayo kaya walang problema
Walang dapat ipangamba
Sadyang Ako lang
Ako lang ang may problema Sayo
Ako lang ang umasa Sayo
Ako lang  ang nasasakatan at hindi Ikaw
At sa huli Ako lang, Ako lang din ang talo

Ang dami kong gustong sabihin sayo
Pero tatahimik nalang ako
Gusto ko nang matapos ang kahibangan
Ang kahibangan Nang istoryang to

At Sadyang ako lang ang hibang

Ako lang tong pilit na may pinaglalaban
Kahit alam kong wala
Walang Patutunguhan

Ano nga bang pinaglalaban ko?
Ano nga ba ako sayo?

Sino? Ano?

Sino ba ako sayo....

Akala ko tapos na
Pero bigla mo kong hinigit papaharap sayo
At Niyakap ng mahigpit
"Huwag kanang umiyak, Nandito ako hindi lalayo sayo"

Ang mga katagang iyong binitawan
Na siyang nagpahina sa aking katawan

Ayaw  kong maniwala

Kaya sa pangalawang pagkakataon
Ginamit ko ang natitirang lakas
Makawala sa bisig mo
At tumakbo palayo sayo

Dahil alam ko
Ayaw ko mang aminin

Napaniwala nanaman ako sa Bitag mo...


****
Pasensya na po kung Lame..
Salamat narin po sa nag basa☺☺

IamCodexGray.

KAGE









IllusionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon