Hindi Sinasadya?

66 2 2
                                    

Pumunta ulit ako kay lola fina.

-tok tok-

May nagbukas ng pinto at sakto si lola fina :D

''hello po!'' bungad ko kay lola fina.

''bumalik ka. Oh ano na?''

''lola fina ang daya niyo po. Maraming lalaki ang nakasuot ng blue kanina eh.'' sabi ko kay lola habang nakapout ako.

''sige. Mas gandahan natin. Bukas kung may hindi sinasadyang pangyayari. Yun!'' sabi ni lola.

''huh? Di ko po kayo gets'' sabi ko kasi di ko naman talaga gets eh.ang gulo.

Ngumiti lang sakin si lola fina.

Habang naglalakad ako papasok,iniisip ko yung sabi ni lola fina kahapon. Naiistress ako kasi di ko talaga gets ang sinabi niya. Nuba ibig sabihin non?

''ARAY!'' napasigaw ako kasi bigla nalang may bumunggo sakin.

''sorry,hindi ko sinasadya. Sorry talaga.''

HINDI SINASADYA!? yun ba yung narinig ko? Tama! Sabi ni lola fina sakin kahapon yan.

May nagabot ng kamay sakin. Agad ko namang hinawakan,tinulungan nya akong makatayo. And.......

.

.

.

.

.

SI LUHAN!

''sorry talaga. Ricia! Ikaw pala,sorry ha?''

Nakatulala lang ako kay luhan. Di kasi ako makapaniwala. Naka 2points na mula kay luhan :D baka siya na nga ang lalaki for me.

''HOY! Ricia! Are you okay?''

''huh. Ah eh. Okay lang :)''

''sorry ha. Btw nagmamadali kasi ako eh. Time na.''

''okay lang.''

'' uy! Naalala ko. Kaklase kaya kita,late na tayo! Lika na!'' oo nga pala. Haha parehas kaming late xD

Pagpasok sa room

-BOOM!-

Hampas ni mam ng libro sa table.

'' kahapon late ka luhan tapos ngayon late ka nanaman at ikaw rin ricia,nahawa ka ata kay luhan.'' sabi ni mam samin habang nakataas ang isa nyang kilay.

''sorry po'' sabay na sabi namin ni luhan kay mam.

''panu bayan,you need to go outside again.'' sabi ni mam samin.

Okay pinalabas ulit kami.

''luhan! Sorry ulit.'' sabi ko kay luhan.

'' eto ka nanaman. Nagsosorry ka ulit ng walang dahilan''

''di ka naman kasi mapapalabas kung di ako naginarte kanina.''

''okay lang. Lagi naman kasi akong late gumising eh.yan tuloy lagi kong hinahabol yung oras''

Ang pogi niya panu habang sinasabi niya yan ay kamot kamot niya ang ulo niya. Ewan ko ba,ang HOT kasi para sakin eh. :''>

''ricia! Halika'' hinablot ni luhan ang kamay ko sabay takbo.

''uy!san ba tayo pupunta?'' tanong ko sa kanya.

''kung saan saan.''

Huminto kami sa may park. Ang tahitahimik.

''kapagod'' sabi ni luhan.

Ang HOT talaga!

''uy! Di ka nagsasalita diyan''

'' wala naman akong saaabihin eh''

''wala ka bang bf?''

Napanganga ako sa tanong ni luhan.

''masyado pa ata akong bata para diyan eh.''

''huh? I mean wala ka bang best friend?''

Aruy!! Sino bang nakakahiya samin? Ako na akala ko boyfriend ang tinatanong niya dahil BF ang gamit niyang word or siya na di alam kung ano talaga ang word na BF?

Tinakpan ko nalang ang muka ko dahil ewan ako yung nahiya sa kanya eh.

''uy! Bakit? Haha,oo na boyfriend ang tinatanong ko. Kaya wag ka ng mahiya''

Hinampas ko siya xD FC ako eh bakit? ''anuba? Akala ko naman napahiya ako! Kasi ikaw eh''

''wala'' dagdag kong sabi sakanya.

''di nga? Sa ganda mong yan?''

-blush hard-

At the same time -speechless-

''uy!'' sigaw niya sa tenga ko

''aray! Ang sakit!'' biglang tumakbo si luhan at nagahahmon ata ng habulan. XD hinabol ko naman.

After 2 hours ng usapan at habulan namin. Nagyaya na kami umuwi.

''san ba bahay niyo? Hatid na kita'' tanong ni luhan at siyempre eto nanaman si kilig.

''wag na,may pupuntahan pa kasi ako eh'' sabi ko.bigla ko kasing naalala na dadaan ako kay lola fina.

''sa may kanto nalang pala''

''sige''

Paghatid sakin ni luhan sa may kanto ay nagpaalam na rin siya at umuwi.

Tumakbo ako ng mabilis sa may bahay ni lola fina.

-tok tok-

''lola fina!'' sigaw ko,masaya kasi ako eh.

Binuksan naman agad ni lola fina. Pagbukas niya ay niyakap ko siya.

''masaya ka ata ngayon ricia.''

''opo,sobra. Feeling ko kasi alam ko na kung sino yun lalaki eh''

''magandang balita yan. Eh sino nga ba?''

''si luhan po :)'' masaya kong sabi kay lola fina .

''sana ay siya nga.'' sabi ni lola.

May napapansin ako. Di kasi masyadong masaya at magana si lola ngayon.

''lola may problema po ba?'' tanong ko.

''may hula kasi ako sa iyo.''

Kinakabahan ako ahh... Parang badnews ata.

''iha,bukas ay hihingi ng tawad sayo ang lalaking para sayo. ''

''ho? Bakit naman?'' tanong ko

''malalaman mo rin yan iha.'' sabi ni lola saki  sabay yakap at halik sa noo ko.

Gusto Mo Hulaan Kita?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon