Chapter 1.

13 0 0
                                    

First day nanaman ng pasukan. Parang kailan lang yun, 4th year high school ako. Panibagong yugto nanaman 'to ng buhay ko ang pagiging college student. Sana kayanin ko. Kaya ko 'to! Ajaaaa! 

"Aray ko! Ano ba! Wag ka ngang tatanga-tanga jan sa daan!"

"Hala, sorry po! Sorry!"

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo!"

"Sorry po talaga miss."

Hay, unang araw pa lang hindi na maganda ang simula. Pero okay lang. Mahaba pa naman ang araw eh. Onga pala, nagpakilala na ba 'ko? Hindi pa yata. Hihi. I'm Maria Julia Mercedes. Uy, hindi ako yung sa tv ha? Baka akalain niyo ako yun. Charot! Anyways, ayun, nasa room na 'ko. Umupo ako sa unahan kasi mas maganda at maririnig ko si ma'am.

"Okay, class. This is your Psychology 1 subject. I'm Mr. Freddo Aguilar, your professor for the semester. Please pass your RF's (Registration forms) and fill this up. This will be your seat plan."

Ay, sir pala. Hindi ma'am. Peace tayo sir!

Nagsimula na ang klase ng biglang...

"I'm sorry sir. I'm late."

"And you are?"

"Carl Josh Villegas, sir."

"Maupo ka dito sa tabi ni, uhm, miss Mercedes."

Nagsimula na ulit sa pag-discuss si sir tungkol sa grading system. Ewan ko ba, hindi ako mapakali sa upuan ko. Ano kasi... Ano... Sige na nga! Ang pogi naman kasi ng katabi ko. Ang guwapo ng seatmate ko. Ang guwapo ni CJ. Wow, CJ! Agad, agad. Close kami teh?

*KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGG!*

Hay, buti na lang tumunog na ang bell.

[ Carl's Point of view. ]

Late nanaman ako. As usual. Palagi naman, kahit nung high school ako. Pero maaga ako nagising, na-late ako kasi sumali ako sa photography club ng school namin, ang dami ko pang inasikaso. Matagal ko ng gusto sumali sa mga ganitong klaseng org. buti na lang may ganito sa school kung nasan ako ngayon.

"Class, what is blah, blah, blah, blah, blah?"

Hala! Nag-klase na si sir. Lagot ako. Pero siguro okay lang. Unang araw pa lang naman. Pumasok na 'ko.

"I'm sorry sir. I'm late."

"And you are?"

"Carl Josh Villegas, sir."

Naupo na 'ko sa harap. Katabi ko yung, sino ba yun? Mercedes? Tumingin ako sa katabi ko. Ang cute niya. Tutok na tutok siya kay sir. Gusto ko sana makipag-kilala kaya lang nahihiya ako baka ano isipin niya. Hay, ang cute talaga!

*KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGG!*

Natapos nanaman ang isang oras. Anong oras na ba? Nagugutom na 'ko. Saan kaya pwede kumain? Bili na lang siguro ako ng shawarma, sisimula ko na rin siguro yung pinapagawa sa'king ng org. yung iaa sa mga requirement para maging official member ako.

*Click, click.*

Sinimulan ko na yung pagkuha ng patago. Grabe, nag-a-ala ninja ako dito para di ako makita. Kailangan kasi stolen yung makuha ko para mas real expressions ng mukha yung makuha ko. I-a-upload daw to pagkatapos sa fanpage ng school namin na puro stolen shots din yung nakalagay. Makapunta nga sa gazebo. Mas okay yung view dun, mahangin pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stolen Shot.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon