CRAZY 4 YOU: Tagalog Four-Shots Love Story

1.4K 21 6
                                    

Mr. Author’s Note:

This is the first story for Crazy 4 You! Enjoy reading and I hope you get something out of my story. A moral lesson maybe. ;)

FIRST STORY: THE ONE THAT GOT AWAY

“Thanks for coming! Balik po ulit sila!”

Magalang na pagbati ni Cloud sa papaalis na customer. Siya si Claudine “Cloud” Mendoza. Third year college sa isang state university sa Laguna. Wala na siyang mga magulang at nang mamatay ang lola niya na tanging kumukupkop sa kanya ay napilitan siyang lumuwas ng Laguna upang ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo at maghanap ng trabaho pangtustos sa pang-araw-araw niyang pangangailangan. Sa kasalukuyan ay nakatira siya sa isang apartment na medyo may kalayuan sa kanyang pinapasukan na trabaho at eskwelahan.

“Oh, Cloud. Pumasok ka pala ngayon. Akala ko ako lang mag-isa ang tatao ngayon sa shop eh,” sabi ni Czari nang makita si Cloud pagkapasok na pagkapasok sa loob ng shop.

Si Czari ay ang itinuturing na matalik na kaibigan ni Cloud. Isa rin siyang working student. Matagal na silang magkatrabaho dito sa isang cake shop malapit sa isang exclusive university.

“Oo, Czari. Sayang din kasi eh. Double pay din ‘to,” sagot naman ni Cloud. Holiday kasi ngayon pero pumasok parin siya dahil sayang ang kikitain niya sa araw na ito.

“Oo nga eh. Yun din ang naisip ko. Marami pa naman din kaming babayaran ngayong sem,” pagsang-ayon ni Czari sa sinabi nito.

**********

Samantala, sa mansyon ng Montreal.

“Hey, Bro. What’s up?”

Pagtawag ni Stone sa kanyang kaibigan sa cellphone. Siya si Stevenson “Stone” Montreal. Anak ng isang mayamang pamilya. Parehong doktor ang kanyang mga magulang at nagmamay-ari ng isang pribadong ospital sa Laguna. Third year college na siya sa isang exclusive university. Bagama’t nasa kanya na ang lahat pagdating sa mga materyal na bagay. Nakukulangan pa rin siya sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng kanyang mga magulang dahil sa madalas ang mga itong nasa trabaho.

“We’ll I’m just wondering if you’re free today. We can go to country club this afternoon. Bored na bored na ko dito sa bahay. Puro katulong lang ang kasama ko ngayon dito,” paliwanag ni Stone sa kabilang linya.

“Where are Tito and Tita?”

“As usual, they’re working. Wala naman sa vocabulary ng parents ko ang salitang holiday eh. So ano? Are you in?” tanong pa ni Stone sa kaibigan.

“Yeah, sure.”

“Nice, Bro. Okay, I’ll call the others. Bye,” pagtatapos ni Stone sa pagtawag.

Napabuntong-hininga na lamang siya matapos niyang tawagan ang kanyang kaibigan. Naisip niya kasi na half of his life ay laging mga kaibigan lang niya kanyang kasa-kasama. Kailan nga ba niya huling nakasama ang kanyang mga magulang? Kaysa mag-isip ay minabuti na lamang niyang tawagan ang iba pa niyang mga kaibigan upang sumama mamaya.

**********

Kinabukasan sa state university kung saan nag-aaral si Cloud.

“Cloud, tara lunch na tayo,” pagyaya ng isa niyang kaklase.

“Ah... eh… Sige, mauna na kayo. Susunod na lang ako,” sagot ni Cloud dito.

“O sige, hintayin ka namin sa kainan ha?”

Tumango na lamang ito.

Nang maiwan si Cloud sa loob ng classroom ay tiningnan niya ang laman ng kanyang wallet. Five hundred pesos na lamang ang natitira sa kanya. Naisip naman niya ang bayarin para sa renta ng apartment na kanyang tinutuluyan, pamasahe papunta sa kanyang trabaho at araw-araw rin niyang pagkain. Naku, paano na ito? Sa katapusan pa ko susweldo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CRAZY 4 YOU: Tagalog Four-Shots Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon