Chapter 2

244 4 1
                                    

"Ui. Gov, okay ka lang?" Tanong sakin ni Trisha habang inaalalayan ako na tumayo.

"Sa tingin mo, ikaw malaglag sa sofa? Magiging okay ka?" Malumanay na may konting taray kong sabi sa kanya.

"Hehe. Sorry na Gov. Namiss lang po kita." At umupo. A sya sa mga upuan habang nagsasalita. "Syempre lagi tayong magkakasama nung campaign tas nagbakasyon pa so ayun namiss kita." Sabi nya sabay ngiti nang nakakagago.

FYI. Trisha Hazel Alacasabas is my Vice Governor. Currently a 4th Year Medtech Student. She is also 19 years old. Sweet, charming, and a "wild" girl pero mukang sakin lang sya ganun kasi pag ibang lalake na kaharap nya, abay napakataray at suplada po nya. Pero okay lang naman yun at maganda naman kasi sya. Sya ang current Ms. College of Medicine at Miss Campus Queen, kaya naman maraming nagkakandarapa sa kanya.

But if you ask me, I see her as my sister lang. Close talaga kami simula pa noon. Sya ang nagtatanggol sakin noon. Kasi naman simula pagkabata kami na lagi ang sangga kaya naman nung nag college kami e pinush naming magrun for College student government at dahil sa kasikatan nya, nanalo kami. Yes, dahil dun hindi dahil magaling ako na leader o ano pero halos lahat napapasunod nya dahil sa ganda nya. Deadly but it works.

"E bat kasi kailangan mo pang sumigaw? Pede ka namang marahang pumasok?" Sabi ko. Sabay balik sa pagkakahiga sa sofa. Nakatingin lang ako sa kisame.

"Okay ka lang bast? Parang malalim yang iniisip mo ah." Tanong nya sakin kaya naman napatingin ako sa kanya. " Hala! Bat namumula mata mo?" Bigla nyang tayo at lapit sakin.

Ako namay tumagilid nalang para di nya makita pero mas mabilis at malakas sya sakin kaya nahaltak nya ako pabalik sa pagkakahiga. Hawak hawak nya yung muka ko at tinitignan kung ano ang nangyari.

"May nanakit ba sayo? Nanapak? Nangasar? Nang abuso? Dali. Sabihin mo. Pabubugbog ko." Dali dali nyang sabi habang nakatingin at hawak parin sa mukha ko.

Tinanggal ko yung kamay nya sa muka ko. Nadismaya ata sya kaya naman tumaas yung kilay nya sa ginawa ko. Huminga ako nang malalim at nagsimulang magsalita.

"Napaginip ko sya." Sabi ko. At biglang nalungkot sya. At niyakap nalang ako.

"Okay lang yan. I'm here. You can cry all you want. Hindi kita iiwan. " Sabay bitiw sa pagkakayakap sakin at humarap sakin uli. " Kung gusto mo, uminom. Tara uminom tayo. Kung gusto mo mag bar magpakasaya. Name it we will do it, okay?" Sabay halik sa pisngi ko.

Pero parang wala lang sakin. Parang namanhid ang buong katawang ko. Di ko alam kung bakit ganun parin ang impact nya. Yari na yun e. Nakalimutan ko na. Its been so many years. Pero bakit ngayon lang bumalik? I've waited many nights para doon dati pero ngayon lang natupad. Hay..

*Tok *Tok *Tok. Sabay bukas nang pinto

Napansin ata ni Trisha na malungkot ako, magsasalita pa sana sya nung may pumasok sa pinto. At pareho naming di inaasahan ang nakita namin. Kaya naman para kaming tangang dalawa na nakatulala sa taong nakatayo sa pinto.

"Ay! Sorry. Naguusap pala kayo. Babalik nalang ako mamaya. Sorry po" Akamang isasarado na nya yung pinto nang hinawakan ni Trisha yung pinto. Nagulat ata sya kaya naman napatingin nalang sya kay Trisha.

"Hindi. Naguusap lang kami nang KAIBIGAN ko." Sabi nya habang binbukasan nang mabuti ang pinto.

Shet. Totoo ba tong nakikita ko? Lord, wala namang ganyanan. Kanina nasa panaginip ngayon naman eto nasa harap ko sya uli.

"Tris, pakikurot o patampal nga ako." Sabi ko sabay kalabit kay Trisha. Natawa nalang sya sa sinabi ko at yung lalaki naman ay nakataas yung kilay at naweweirduhan na ata samin.

"Di ka nanaginip bast. Nakikita ko rin sya kaya hindi ito panaginip" Sabi nya sakin. " Ahm, sorry medyo naglag lang yung utak namin kaya ganun reaction namin. Ano po ba ang kailangan nila?" Tanong ni Trisha dun sa lalake.

"Ah. E hinahanap ko yung Governor nung college." At bigla ako kinabahan sa sinabi nya. " Kailangan ko kasing magpapirma para sa transfer papers ko" Sabay pakita nang sangdamukal na papel na hawak nya. "I'm Jonathan Albert Yerro, by the way." Sabay abot nang kamay para makipagshake hands.

Napansin ata ni Trisha na di ko inaabot kaya sya nalang ang humawak. "I'm Trisha, vice governot nang college and this is Sean, the governor" Sabi nya sabay tingin sakin.

Nataranta ako kaya nakipagkamay nalang din ako sabay sabi nang Hi. Ngumiti lang sya at pinapunta ko na sya sa table at pinirmahan ang mga kailangan nya.

"Ahm, Okay ka lang ba?" Tanong nya sakin. Nangingig kasi ako at di mapalagay at pautal utal ako magsalita habang naguusap kami habang pinipirmahan ko yung papers nya.

"Ah oo naman. Okay lang. Nabigla kasi ako nang gising kanina. Hehe" Palusot ko.

"Okay po." tas ngumiti sya. Mygod. Parehong pareho sila.

"Thank you po and pasensya sa abala. And I think I'll see you around at tutal magkacollege na tayo ngayon. Thank you ulit." Sabi nya sabay dampot nang papers nya at naglakad paalis. "Bye Miss Trish" Tas nagwave sya at umalis.

"Bye!" Sabi ni Trisha. Tas lumakad sya papalapit sakin.

"Okay ka lang?" Tanong nya.

"Oo okay lang" Sabi ko pero sa totoo lang hindi. Hindi naman kaya nang science na bumuhay nang patay diba? Di kung nagawa man nila di zombie na yun. Lord, una sa panaginip ngayon naman sa personal, in living flesh. Lord, wag naman po kayo makipagbiruan. Okay na yung isang taon na pagmomove on. Please.

"Okay, I'm gonna go na. May klase pa ako. Loveyou!" Sabay halik sa pisngi ko at umalis.

At ako naman tangenge. Di ko alam. Ang weird. Sign ba to? Pero bakit? Hay... Jay wag naman ganito o. Wag ka naman makipagbiruan nang ganito..

---------

Hi guys! Ayun, so sorry kung medyo mabagal yung flow nang story. But I guarantee you na medyo pabibilisin na natin. Gusto ko lang maging detailed sya as much as possible.

Pero ang tanong, sino nga ba si Jonathan Albert Yerro? Hehe.

Hope you like it guys!! Please, do COMMENT, VOTE and SHARE. :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HE GOT EVERYTHING (BoyxBoy)Where stories live. Discover now