Prologue
Malapit ng mag 7 pm pero puno padin ng tao ang Momoshi Land (Amusement Park). Ito ang napili ng Principal para sa lugar ng field trip at para na din may alaala ang mga high school students bago mag graduation.
'Aaminin mo na ba?' tanong ng isang lalaki na may maikling buhok na kulay black at my blue eyes. Napapatalon pa siya sa excitement habang tinatanong iyon. Katabi nya ang isang lalaking gwapo na kulay dark brown ang buhok na may light brown eyes, na nakalagay ang kamay sa magkabilang bulsa na ang mga mata ay nakatitig sa isang grupo ng mga babae (or maybe sa isa) na nauuna sa kanila.
Nang madinig nya ang tanong ng bestfriend nya lumingon sya at nag tanong 'Sabihin kanino ang alin?'
'Ano ba yan pre! wag ka ng mag kunwari!' >_> Maaring ito na ang huling pagkakataon mo, eh.. pupunta ka na ng ibang bansa para mag aral diba?'
Ngumiti lang ang lalaking may kulay dark brown na buhok at nagsabi ng 'Naiintidihan ko ang una mong sinabi, pero yung sa pangalawa.. ewan ko..'
'Hay nako! pre! anong petsa na! ewan ko sayo!' sabi na lang ng lalaking may kulay black na buhok.
'Okay..okay.. sasabihin ko na sa kanya, kalma lang Hiro?' sabi ng lalaking may dark brown na buhok. Although halatang namula siya bigla at dinaga ang dibdib.
Napahinga na lang ng malalim si Hiro habang sinabing 'Hindi ako makapaniwala pre, hindi mo din sa kanya inamin nung prom kahit solo na kayo!! ano ba yan sige ka pag naagaw yan ng iba!'
'Hindi rin kita nakitang nag propose kay Anikka nung prom! >_<'
'^__^ Kasi... basta!' sagot naman ni Hiro sabay tawa.
Yung grupo ng mga babaeng naglalakad sa harap nila ay huminto sa Deadly Roller Coaster, napuntahan na nilang mag bestfriend yun, sobrang excited nga nila inuna nila yun, yung mga babae hinuli na lang kasi natatakot, dahil alam nilang kilalang mapanganib yon.
Kilala na ata lahat ni Hiro ang mga babae sa buong klase or school, siya konti lang ang kilala nya kahit sikat siya sa school. Yung unang babaeng matangkad si Anikka, magaling sa pag guhit ng kahit ano, yung pangalawa si Aina cheerleader. Yung pangatlo si Marissa journalist. Pang apat si Charlene, president ng club.
At ang huli ang prom date nya, na may mahabang buhok na kulay black at green eyes, matalino, maganda, matamis ngumiti at may napakandang mata, na si Maya Hazuko. Ang babaeng pinapangarap ng guys sa school. Magkababata sila Maya at Abel. At bago matapos ang lahat. Si Abel isang gwapo, matalino, president ng student council.
'Tara na friends!' sigaw ng isang babae
'Ayaw namin..' sabi ni Anikka, kasama sila Aina,Marissa at Charlene.
'Bakit naman?' Tanong ni Maya, punong puno ang boses nya ng curiosity.
'Sorry pero nakapunta na kasi kami dati dito at nakasakay na din dyan, ayaw na namin nakakatakot kasi talaga.. sorry talaga Maya.' sabi ni Anikka
'Ay ganun ba? okay lang ^_^ ako na lang, hintayin nyo ako ha?' pumila na si Maya sa ride.
'Sige' sagot naman nung tatlo.
Umalis muna yung tatlo at pumunta sa Cotton candy stall.
'Maya…?' tawag ni Abel
Lumingon si Maya at ngumiti. Halos buong school alam naman na may pagtitinginan sila sa isa't isa pero walang umaamin sa kanila hanggang ngayon. Napatitig si Abel sa mga mata ni Maya, kulay green at napaka ganda at bihira talaga.
'Ano yon Abel?' tanong ni Maya habang nakangiti.
'ahm... ano.. eh.. ' nauutal na sabi ni Abel habang nag ba blush.
'Maya! andar na!' sigaw ng isa sa mga ka schoolmate sa pila.
'eto na!' sigaw ni Maya, habang lumingon ulit kay Abel.
'May sasabihin sana ako sayo Maya' Lakas loob na sabi ni Abel habang nakatitig sa mga mata ni Maya.
Nag blush si Maya. 'A.. ano yon??'
'Matagal na matagal ko na talagang gusto aminin ito sayo..' buong loob na sabi ni Abel.
'Maya!' sigaw ng mga nakapila sa likod.
Medyo nainis si Maya at sumigaw ng 'Sige kayo na lang mauna sa susunod na lang ako!'
'No Maya, sige go ahead iintayin ko na lang matapos yung ride mo…' sabi ni Abel
'Pero Abel..,'.
'Sige lang.. hindi ako aalis dito lang ako.'
'Sana matapos na agad itong ride na toh!' bulong ni Maya
'Sana nga' ngiting sabi ni Abel,
Pagkalipas ng ilang minuto.. naupo na si Maya katabi ang isang babae. Nakatitig si Maya kay Abel mula pag upo hanggang sa paglalagay ng safety belt. Dala ni Abel ang cell phone nya, zoom in, focus, shoot. Ngumiti si Maya ng pag katamis tamis. Ginawang wallpaper ni Abel ang picture ni Maya.
Nagsimula na ang ride.
'Tara mag antay tayo dun sa exit sabi ni Anikka sa kanya, sa mga kaibigan nila at kay Hiro.'
Nakatitig si Abel sa wallpaper nya, parang may bubbles sa puso nya, pero biglang pumutok ang bubbles na yon sa tunog na nadinig nya.
Isang napakaingay na tunog, parang may sumabog, puno ng sigawan at tiliian ng mga tao. Pagtingin nya sa Deadly Roller Coaster na hindi kalayuan mula sa pwesto nila, nakita niya isa isa.. ang mga schoolmate nya na nahuhulog mula sa coaster, nanlaki ang mga mata niya at may nagsimulang mamuo ang mga luha sa mga mata nya.
'MAYA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!'
Please Vote,Like and Comment para malaman ko naman kung may nagbasa nito haha.. Thanks! *_*