"Wag mong sabihing bumili ng mga pintura si Mam Eliz tapos walang brush." Sabi ni Lily habang tinutusok ng cutter yung gilid ng box. Tumawa lang ako tapos hinatak yung cutter palayo sakanya.
"Kung buksan nalang natin." Pinutol ko yung packaging tape na nagsiseal sa box. Nagsilapitan yung ulo nila, "Pag ako may nalaslas na leeg bahala kayo."
Meron naman palang brush. Kinuha ko yung apat na brush tsaka nilapag sa table. "Ayan na madam, yung mga brush mo oh."
Hinawakan lahat ni Lily. Binilang nya kaming lahat. "Bente tayo dito tapos apat lang binili niya? Ano 'to shifting?" Binatukan ko siya tsaka tumawa.
Inutusan ko yung iba na puntahan si Mam Eliz para magpabili ng extrang mga brush. 10:30 na dumating yung asawa ni Mam Eliz na may dalang tatlong bagong brush at dalawang mukhang gamit na.
"Tara na huy. Magtanghali na oh." Isa-isa silang kumuha ng mga brush. Yung iba naman tiga-halo ng thinner at pintura. Ang dami naming nasayang na plastic cup kasi ang inutil nung iba, sabi ng natutunaw yung plastic sa thinner pero pinush parin nila.
12 na pero ngayon palang kami maguumpisa. Patay talaga ako kay Sir Alan nito.
------
"Ms.Cruz, tigil ka na muna dyan. Hayaan mo yung mga lalaki gumawa niyan." Nakita ko si Sir Ed sa tabi ko. Ngumiti ako tapos inabot sa isang propsmen yung brush na hawak hawak ko.
"Be. Tigil na muna daw tayo sabi ni Sir Ed." Tumayo narin si Angelie. Umupo kami sa tabi nila Alaine at Adrian.
Mga 20 minutes lang ang lumipas, wala nanamang gumagalaw. Ultimo mga lalaking nakipagpalit samin wala ng ginagawa. Nakabalandra nalang lahat sa lapag.
Tumayo ako tapos padabog na kinuha yung isang pail ng pintura at brush.
"Ang tatamad. Sus. 20 minutes lang naexpose sa pintura makapaginarte." Tumawa lang si Sir Ed. Tumayo rin sila Angelie at Lily tapos sinamahan ako.
-------
"Excuse." Nagsorry ako tapos tumabi sa gilid. Patuloy lang akong nagpintura. Maya-maya may nagexcuse ulit. Tinignan ko siya tapos nakita kong si Clifford pala. Tumayo ako tsaka pumwesto sa may gilid kung saan hindi kami magkakabanggaan.
Maya-maya, nasa gitna na ako ng pwesto namin nakaupo. Kinumpol kasi nila yung mga pintura, para wala daw masayang.
May utak naman pala 'tong mga propsmen ko e. Hahaha. (^__^)v
Patay malisya akong nagpipintura ng may narinig akong bumubulong.
"Patrick. Anong pangalan nung nakasalamin?" Ngumiti ako ng konti tapos inadjust yung salamin kong pagkalaki-laki nagmumukha na akong bubuyog.
Nagshrug si Patrick sabay sabi, "Sophie ata eh. Di ko sure."
Natawa ako. Pero syempre sa isip ko lang yun. Walangya pala tog mga to eh. Di niyo kilala yung leader niyo. Tsk. Hahaha.
Ano naman kaya trip nito bakit tinatanong kung sino ako. Nagpatuloy lang ako sa pagpintura.
"Sophie." Mahinang tawag sakin ni Clifford.
Tinignan ko siya habang nagpipigil ng ngiti. Tinaasan ko siya ng kilay.
Ano naman kaya sasabihin nitong taong to at kailangan niya pang itanong yung pangalan ko.
"Pwede palagay diyan sa likod mo?" Ay.
Akala ko kung ano. Walangya to. Tinatamad lang pala tumayo.
Tumango ako. "Akin na." Inabot niya sakin yung napinturahan niya.
Tumalikod ako at binatukan ang sarili ko sa isip ko.
-----
Anong oras na pero yun parin ang nasa isip ko.
Naguwian nalang pero naririnig ko parin yung pagsabi niya sa pangalan ko.
Ano nanaman ba ang pinasukan mo Sophie Bailee Cruz?
Hay nako.
-----
Ang ikli lang. Shets. Hahaha.
Wala ng feels eh. Walangjo kasi si Mr.Dimples e. -__-" Epal.
Vomment po! :)
BINABASA MO ANG
Falling for Mr.Dimples
Teen FictionNaranasan mo na ba yung like at first sight? Yung tipong una wala kang pakialam sakanya. Yung dati, kapag namemention pangalan niya wala kang memory na inaalala. Tapos biglang, dahil lang napatingin ka sakanya at nasaktuhan na lumabas ang dimples ni...