Nami's POV
"Okay class please seat down,may ipapakilala lang ako sa inyo Mister maaari ka ng pumasok"
Sino naman kaya yun?
"Kyaaaaaah~!Is here!!!"
"Class quite!"
Tilian na naman?Psh. Eto ba yung lalaking sinasabi nila?
"I'm Akiehiro Villanueva "Aki" for short,from Casper Academy 17 years old nice to meet you all"
Aki?Parang tunog ng wala akong pAki HAHAHA!Happy much ako hahaha...
"Hahaha!~"
Lahat ng kaklase ko napatingin saakin, oops sorry napalakas pala tawa ko.
"Mr.Aki pwede ka ng maupo maghanap ka nalang ng bakanteng upuan"
"AKI!DITO SA TABI KO,WALA AKONG KATABI!" Sigaw ng isang babae,grabe sya. Ang alam ko may katabi yan eh at sa pagkakatanda ko boyfriend nya yung katabi nya. Eh bakit nya gustong makatabi si Aki?Hala! Hindi kaya gusto nya rin omg. What a girlfriend!?Baka maging timer sya.
Imbes na pansinin sya nung Aki lumipat nalang ang ibang tingin nya,At huh?bakit dito sya nakatingin sa direksyon ko?
Papalapit na sya halaaa!Hindi kaya dito ang gusto nyang table oh no! Sorry pero taken na ang table na ito akin na 'to eh. Pero kung kukunin mo sya hindi ko sya ibibigay sayo. Ano ka sinuswerte tapos ako mawawalan ng upuan. Hindi noh!
"Hwag ngumanga baka pasukan ng langaw" Ayy! ANO!? Ako ba yung sinabihan nya. Parang ako eh dumaan kasi sya eh wala naman akong katabi. Nasa front seat si Ishie eh Hala!ako nga. Grr. Hayp tong lalaki na 'to ah. Anong pasukan ng langaw! Tska hello ako nakanganga hindi noh!Ume-exhale lang ako kaya ako napanganga hmpf!
"Oy bakit ka anjan sa tabi ko!?"
"Kasi walang nakaupo right?"
"Mr.Aki ang Ms.Nami quite please"
"Sorry sir." Sabay naming sabi.
Takte lahat kasi ng babae kong classmates nakatingin sa direksyon namin eh. Dahil dito sa Aki na 'to. Anu bayan nadadamay pa tuloy ako sa tusok ng mga mata nilang yun.
*Kringgg*
Bakit pa kasi naging classmate namin yun,at bakit naging katabi ko pa. Ang nice diba grabe!
"Nami~"
"Ishie"
"Swerte mo ah katabi mo sya omg!"
Swerte pinagsasabi nito,Yung Aki na yun pweh ayoko nga maging katabi yun eh. Tumingin ako sa kanya ng masama.
"Eww. Ayoko nga maging katabi yun eh mas okay pang wala akong katabi kesa sa lalaking yun"
Ayoko talaga sa lalaking pilyo ang ugali eh. Nakakainis yung ganun >_<
"He's cool kaya!palibhasa kasi wala kang tipo eh siguro balak mo maging sister noh!?"
"Ha!?Hindi 'no grabe ka naman sakin"
Gawin ba naman akong matandang dalaga,hindi ba pwedeng mas priority ko lang ay ang pag-aaral muna.
Tska yung pag-ibig na yan kasi nanakit yan eh. Kaya nga pinag isipan kong wag magmahal.
"Hmm Nami sino ba crush mo dito?"
"Ako?Wala..wala akong crush"
Tumingin sya sakin ng nakakaloko,anubayan nakakailang 'to akala mo tuloy may sikreto akong tinatago.
"Nami alam kong meron kang crush"
Huh?Ako meron... sino? Eh napopogian lang naman ako kay...Luke Vargas Isa syang senior high school na gwapo rin. Ang sabi mabait daw yun eh. Oo, hanggang crush lang ako kasi ayoko ma-fall.
"Wala akong crush..."
"Nakakatampo ka naman Nami eh, tss sige na nga dyan kana. Ayaw mong sabihin sakin kung sino gusto mo" Aaktong tatayo na sya pero pinigilan ko.
"S-si L-luke.."
"o___o wehh?Totoo!?" Tamo nagtatanong tanong tapos hindi maniniwala.
"Oo nga"
"Hahahaha ayieeeeee!Ayun sya oh!" Sabay tingin nya dun sa isang table na kung saan nandun si Luke. Napatingin sya tapos ngumiti. Hala totoo? Ngumiti sya! Pero ako ba yung nginitian nya?Ayoko magassume kasi baka hindi naman pala ako yung nginitian nya diba.
Ghad ano ba 'tong nangyayari sakin!
"Ishie sa library lang ako"
"Osige punta nalang muna ako kila Jenna ha"
"Okey kita nalang mamaya"
"Sige byiee~"
Naglakad na ako papuntang library habang naglalakad ako may nararamdaman akong nasunod saakin, lumingon ako ng bahagya at nakita si Akiehiro.
Himala at wala syang kasunod na fangirls nya ngayun ah.
"Bilis nga ang bagal tsk." Aba grabe to ahh!ang laki ng daanan oh ang kapal nya kainis!
"Ang laki ng daanan bakit mo ako pinagmamadali"
"Tss." Sa sinabi kong yun yan lang ang ini-response nya, ang siga nya ah!
Pumunta nalang ako agad ng library para naman hindi ko makita yung mukha nun nakakainis sya. Grr.
"Are you stalking me?"
"Aupalakang panget!Ano,stalking ikaw? Asa ka naman!"
"Shhh." -Librarian
Kainis na lalaki 'to bakit ba sya andito rin?At napagkamalan pa akong inistalk ko sya. Asa naman sya,hinding hindi ko gagawin yun.
"Ingay mo" Sabi ni Aki, paanong hindi ako magiingay kung bigla syang nagsasalita at ikinabigla ko pa talaga yung tanong nya. Hmpf!
Naghanap nalang ako ng librong babasahin, dun nalang ako magbabasa sa classroom ayoko na dito andito yung kumag eh.
***
A/N: (pasingit lang sandali)
Na-inspire lang ako sa kwento ng l♥dk, pero hindi ito totally na kwento ng l♥dk story na ginagawa ko.Hehe then nakita ko kasing ang ganda ng chemistry ng bida dun kaya kinuha kong Characters :)
Enjoy reading :D
YOU ARE READING
Afraid To Fall Inlove
Teen FictionMeet, Nami Ariella Santos simple,tahimik ang buhay hindi sikat may kaibigan,pero takot syang magmahal. Takot syang magmahal kasi nakikita nya sa iba na pag nagmamahal ay nasasaktan din. *** Inspired by L♥DK -Japan movie Yung fictional character di...