Sa'n kaya sya bababa? (One shot)

1K 63 16
                                    

Sumakay ako ng bus papuntang Trinoma para makipagkita kina Leila, Maddy, Hannah, John. We have this kind of ritual na kailangan kumpleto kami tuwing nagkikita-kita dahil sa layo na rin ng mga bahay namin sa isa’t isa.



Leila

Annie, Taco Bell ha? See you. :)



Umupo ako sa tabi ng bintana malapit sa pintuan para madaling makalabas mamaya. Kagagaling ko lang sa trabaho at gustong-gusto ko na silang makita dahil hindi ko na kaya ang stress nitong mga nakaraang linggo. Kapag kasama ko kasi sila, tawa lang ako nang tawa hanggang sa ayoko nang umuwi sa bahay namin.

Pagdating sa 5th avenue, puno na ang mga upuan dito sa loob ng bus at may ilang nakatayo na rin para makarating sa paroroonan nila. Nagsimulang umambon at lumakas ang ulan kasabay nang pagpasok ng isang babaeng kulot ang buhok, naka-backpack at mahabang palda.. halatang probinsyana. Napangiti ako nang tumayo ang isang lalaki  na nakaupo sa tapat niya para paupuin ito.

May chivalry pa rin pala.

Maayos ang panananamit ng lalaki.. nakapolong kulay gray na may metal na ballpen sa chest pocket, itim na slacks at bodybag. Professional na professional ang dating pero hindi pa rin nya nakakalimutan maging maginoo.

Iniisip ko tuloy kung pa’no kapag wala nang tulad niya? Kapag lahat na ng babae ay nakatayo at nakakunyapit sa safety handrails ng bus, hirap na hirap humanap ng balance sa bilis ng takbo ng sasakyan.. Pero binawi ko ang naisip ko, hindi naman siguro mangyayari ‘yon. Hangga’t may isang lalaking magbibigay ng upuan para sa isang babae, mahihiya ang ibang lalaki na nakaupo sa kani-kanilang mga upuan habang may ibang babaeng nakatayo sa gilid nila. Saka ituturo naman nung lalaking yon sa magiging mga anak niya kaya hindi mamamatay ang ugaling pagiging maginoo, nandyan pa rin sila. Hindi para magpakilig ng mga babae, kundi para rumespeto sa kanila.




Maddy

San ka na?



To: Maddy

Dito na ‘ko Edsa.

Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko napansing siksikan na pala dito, buti talaga nakaupo ako. Dinaanan ko ng tingin ang mga taong nakatayo at nakahawak sa mga sandalan ng upuan nang mapako ang mga mata ko sa isang lalaking nakakapit ang isang kamay sa mataas na safety handrails ng bus, at isa naman sa sandalan ng isa sa mga upuan. Nakatalikod ito sa’kin at nakaharap sa babaeng katabi nito na nakakapit lang sa sandalan ng upuan. Nang tumingin siya sa gawi namin, napaderetso ang bayukos kong upo.

Shit.

Sa dalawampu’t isang taong inilagi ko sa mundong ibabaw, nakapunta na ‘ko sa iba’t ibang lugar, nakipag-usap sa iba’t ibang klase ng tao, nagkajowa ng ilang beses pero.. ngayon ko lang nakita ang ideal guy ko.

Nakajacket syang checkered na gray at itim na collared shirt sa loob, medyo magulo ang buhok na halatang haggard sa trabaho at nakasalamin. Alam kong malabo talaga ang mata niya at hindi siya nagpapanggap dahil malabo rin ang mata ko pero nagko-contact lens ako.

Sa'n kaya sya bababa? (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon