Chapter 2: Meeting Her

53 5 1
                                    

Zedric's P.O.V.

  Nasa room ako habang nagdrawdrawing ng kung anu-ano nang biglang dumating si Ms. De la Cruz. Nagsitayuan kaming lahat para batiin siya. At pagkaupo namin, sabi niya meron daw siyang ipapakilala.

   "Class, you're going to have a new classmate. She's a scholar from Acacia National High at nagtransfer siya dito upang dito narin mag-aral." sabi ni ma'am.

  "Hi!! I'm Ellaine Barbosa and I hope we will be great friends" sabi nung new girl.

   "Okay, you may take your seat next to Mr. Garcia." sabi ni ma'am at dumeretso na rin si Ellaine sa tabi ni Topher.

  Napansin ko na pala kaibiganin siya dahil pagka-upo palang niya nakipagkilala na siya agad.

 At pagkatapos ng pagkahaba-habang mga lectures, finally it's recess time. Di ko napansin na may mga kasabay na siya agad na mga iba kong mga kaklaseng babae. Nakatitig lang ako sa kanya na para bang kung anong magnet ang humihila sa mata ko at di ko maalis kanya. Hanggang sa di ko namalayan na bumangga na pala ako sa poste ng canteen at nakita ko silang nagsitawanan. Ang ganda niya pala pag nakangiti eh, mukha siyang dyosa. "Huy bakit ganyan makatitig kay new girl?? Crush mo siya noh??" sabi ni Jarrel at di ko napansing inakbayan ako.

  "Tss, hindi noh, bakit naman ako magkakagusto dyan eh di ko pa naman kilala" sabi ko.

   "So, sinasabi mong gusto mo siyang makilala??" sabi ni Jarrel na para bang nang-aasar.

 "Hindi rin!!" sabi ko.

 "Sus, palusot.com.ph ka pa dyan ha, ahahahahaha" patawa niyang sabi.

 "Umalis ka na nga, di pako nakakakain dahil sayo eh." pagrereklamo ko.

 "Ang cold mo naman! Purke may bago nang pumupukaw ng attensyon pagpapalit mo na ako!" Pang aasar niya sakin.

"Kumain ka na nga lang!" Natatawang sabi ko.

Natapos naming kumain ni Jarrel at nauna na siya dahil may importante pa siyang gagawin.
Kinuha ko ang phone ko at naglakad pabalik sa room nang nakabanggaan ko si Ellaine at natapon ung dala niyang iced coffee sa damit ko

"Ay sorry di ko sinasadya." Pag aalalang sabi nito.

"Ah hindi ok lng, di naman ako natingin sa dinadaanan ko eh."
Sagot ko naman sa kanya. Grabe nanginginig ung tuhod ko. Di ko alam kung tatagal pako.

"Namantsahan tuloy ung uniform mo. Gusto mo ako na ang maglaba ng uniform mo para makabawi ako sayo." Pagmumungkahi nito.

"Nakuuu! Wag na, nakakahiya eh." Panginginig kong sabi dito. Pero pinilit niya parin ako kaya wala akong nagawa.

At honestly yun ang pinakamatagal kong pakikipag usap sa isang babae nang hindi nagpapahalatang nanginginig ako.

Pero di ko makalimutan ung mukha niya. Para bang sinasaulo ko ung bawat hugis at anyo ng kanyang mukha.

Parang nakakita ako ng isang dyosa. Mga matang kasinkislap ng mga tala. Ang maamo niyang mukha. At labing mala rosas ang pula.

Hinding hindi ko iyon malilimutan at para bang handa nakong lumubog sa lupa sa sobrang saya. Napakagandang pabaon sa aking pag uwi ahahah..

Ang Kwento ng TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon