Prologue

18 0 0
                                    

Aliens. Alien fam. Yan ang tawag sa aming magkakaibigan. Nagsimula yan noong birthday ko.

Flashback

"Alexis!! Tara bilisan mo maglinis sabay sabay na tayong umuwi" sabi ni shan na nagwawalis. Kung makapagsabi ng bilisan maglinis di parin naman sya tapos.


"Oo eto na!" Sigaw ko tsaka ko inayos yung tabo. Bat kasi ako pa yung sa banyo. Pwede naman yung iba.


"Ohh. Nasan na yung iba?" Tanong ko kina raph at shan.


"Nasa baba na. Yung iba umuwi na may pupuntahan daw." Sagot ni shan


"Alexis alam mo na?" Na may surprise? Oo. Tatanong pa ni allen edi lalong nahalata. Bigla namang hinila ni chenet si allen.


"Tara na allen. Bye Alexis. Advance happy birthday!" Chenet at hinila na ulit si allen.


"Tara na" yaya ko.


Nakasakay na kami sa tricycle at tumigil ito sa malapit kina Ai. Bumaba si jf at tumakbo palayo. Nagkwentuhan lang kami ni shan ng bumalik na si jf na may dalang cake.


"Kanino yan?" Tanong ko kahit alam kong akin yun. Pahalata kasi masyado.


"Ahh sa pinsan ko!" Sigaw ni shan. Pinsan pinsan. Pssshh! Akin yun eh!


"Patingi--"


"Bawal! malalaman mo yung pangalan" jf sabay takip ng towel dun sa cake. At wag ka! Best actor si mayor! Serious face pa yan! Tss.


Bat ba pahalata to sila? Matagal ko ng alam na may surprise sila sakin. Paano. Magpaplano katabi ako. Tapos sasabihin nila na para sa notebook. Maniniwala ka ba na mag aambagan sila para lang sa isang notebook? Haaayss.. tapos yung iba magtatanong pa sakin.


Nakarating na kami sa amin pero hindi parin sila bumaba sa bahay nila. Diba pahalata nanaman.



Papasok na ako sa bahay ng hilahin ako nina allen.


"Tara sa may arko. Yun na lang yung ivivideo natin para sa filipino." Sabi ni allen at pumunta na kami dun. Hula ko di pa sila ready. Di pa tapos yung ginagawa nila.


Pabalik na kami ng salubungin kami ni areanne.


"Alex! Tara samahan mo ako sa bayan libre kita"


"Ayoko. Sina Ai na lang!"


"Dali na bibili ka rin naman ng bond paper eh"  oo nga ano.


"Tara na" sabi ko at sumakay na ulit kami ng tricycle.

--
Natapos na ang surprise pero epic lang. Pero okay lang yun natouch naman ako sa ginawa nila. First time ko kaya isurprise ng ganun.


Dun nagsimula ang alien fam. Kaya pagmagcecelebrate kami ng anniv. triple celebration. Birthday ko, birthday ni raph, at anniv ng aliens. 


Pero may tanong ako.magtatagal kaya kami? Hindi ba kami masisira? Pero ang alam ko hindi naman natin masasagot yan ng 'oo magtatagal tayo' o kaya naman ng 'hindi tayo magtatagal masisira tayo' kasi hindi naman natin yun masasabi eh. Bahala na. Si God na bahala sa pagkakaibigan namin.

-----
A/n: basahin nyo yung spider gang(alien family story 1) by ChiKara_nightmares
tapos ito. Hahaha maganda yun promise. Kasunod lang to nun.

P.s. Nangyari talaga yung surprise sa totoong buhay hindi lang dito. Dun talaga nagsimula ang aliens. Nagsurprise talaga sila ng epic.

P.p.s. highschool palang po sila diyan kaya hindi pa sila sa condo nakatira. Sa sarisarili pa po nilang bahay. In case na naguguluhan kayo.

-Bobbie

Pag asa ng saya (alien family story 2)Where stories live. Discover now