》Wattpad Writer's Guild One-shot Writing Contest
》1st Runner-upThe door of the church slowly opened where a beautiful bride was patiently waiting outside. She wears a long white off-shoulder bridal gown, showing her fair and beautiful shoulder under her veil. She started walking in the red carpeted aisle while two of her flower girls were showering her with rose petals. She is glowing with happiness as this is the most important day of her life -- her wedding day. As she's getting nearer at the altar, she saw her groom who were impatiently waiting for her but still managed to smile and look at her with so much love.
She was only a few meters away from the altar when the scene suddenly changed which makes her came to a halt and screamed.
"Dennis!" she cried.
The next thing she saw was her groom were lying in the floor lifeless and bathed with his own blood.
Napabalikwas ng bangon si Kristen mula sa pagkakatulog. Humingal na umupo sa kanyang kama at pinunasan ang pawisan niyang mukha. Napanaginipan na naman niya si Dennis, ang kanyang kasintahan. Napabuntong-hininga na lang siya. Ilang gabi na siyang dinadalaw ng masamang panaginip na iyon. At sa tuwing nagigising siya, nahihirapan na siyang makatulog muli.
Kinuha niya ang larawan nilang dalawa ni Dennis na nasa tabi lang ng kanyang higaan at tinitigan ito. Larawan sila ng dalawang taong tunay na nagmamahalan. Magdadalawang taon na mula nang mamatay ito sa isang aksidente.
Araw ng kanilang kasal nang mangyari ang malagim na aksidenteng kumitil sa buhay ng minamahal. Papunta na ito sa simbahan ng mabangga ang sinasakyan nito ng isang humahangos na truck. Sa front seat ito nakaupo kasama ang driver nito. Parehong dead-on-arrival ang mga ito nang isugod sa ospital.
Nasa simbahan na siya ng mga oras na iyon at halos mahimatay siya ng may tumawag sa kanyang telepono at ibalita sa kanya ang nangyari. Dali-dali silang mag-anak na nagpunta sa ospital. Napahagulgol siya ng iyak nang isang walang buhay na Dennis ang kanilang nadatnan. Pakiramdam niya pinagsakluban siya ng langit at lupa ng mga oras na iyon. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Na sa isang iglap ay wala na sa kanyang piling si Dennis. Iniwan siya nito sa araw ng kanilang kasal. Ang sana'y pinakamasayang araw nila ni Dennis ay nawala sa kanila at naging pinakamasakit na alaala ng kanyang buhay.
Mag-iisang taon na mula ng mamatay ito nang una niyang maranasan ang mapanaginipan ang mga eksenang iyon. Ilang gabi rin niya itong napapanaginipan hanggang sumapit ang araw ng kamatayan nito.
Tulad din ngayon, buwan ng Setyembre at ilang araw na lang ay ang ikalawang taong anibersaryo ng pagkamatay nito. At tulad ng nakaraang taon ay dinadalaw na naman siya ng panaginip na iyon. Humiga uli siya at pinilit na makatulog muli, ilang gabi na rin siyang kulang sa tulog.
Kinabukasan, pinuntahan niya ang puntod ni Dennis. Sa nakalipas na taon regular ang pagdalaw niya sa puntod nito, lalo na pag nangungulila siya rito. Kaya laging malinis ang puntod nito at laging may alay na mga preskong bulaklak. Inilapag niya ang dala niyang bulaklak at nagsindi ng kandila saka nag-alay ng taimtim na panalangin.
"Kumusta ka na? Ilang araw nalang at ikalawang anibersaryo na ng pagkamatay mo." sabi ni Kristen habang kinakausap ang puntod ng kasintahan.
"Magdadalawang taon na mula nang ako'y maiwan mo, pero wala pa ring nagbabago. Mahal pa rin kita at miss na miss na kita. Hindi ko alam kung paano ipagpapatuloy ang buhay ko ngayong wala ka na. Ikaw kasi, sinanay mo akong nasa tabi kita lagi at ang pangako mong kahit kailan ay di mo ako iiwan. Ang sakit kayang maiwan, alam mo ba yon?"naiiyak niyang sabi.
"Namimiss mo rin ba ako?Ilang gabi mo na naman akong dinadalaw sa mga panaginip ko. Pero nanakainis ka, sana yung mga magagandang alaala ang pinapakita mo sa akin sa panaginip. Bakit sa tuwing nalalapit na ang anibersaryo mo, yun lagi ang napapanaginipan ko, ang parteng ikakasal na sana tayo pero pag malapit na ako sa altar iba na ang nakikita ko,yung duguang katawan mo tulad ng huli kitang makita sa hospital. Ang sakit-sakit pa rin Dennis, hanggang ngayon. Na para bang kahapon lang nangyari 'yon".
pagpapatuloy niya na para bang nasa harap lamang niya ito.Lumipas pa ang ilang sandali at pinagpatuloy pa rin ni Kristen ang pagbubuhos ng sama ng loob niya rito habang umiiyak. Hindi na niya namalayan kung gaano siya katagal sa ganoong kalagayan. At hindi man lang niya napansing may tao palang papalit sa kanyang kinalalagyan.
" There you are. Sabi ko na nga ba, maabutan pa kita dito." sabi ng tao sa kanyang likuran na ikinalingon niya.
"K-Kevin!" gulat niyang wika ng makilala ang taong nang-istorbo sa kanya.
"The one and only" nakangising sagot nito kay Kristen sabay lahad ng kamay nito para alalayan si Kristen na makatayo.
"Kumusta ka na? Kailan ka pa dumating?" sunod-sunod niyang tanong rito nang siya ay makatayo at ito'y yakapin.
"I just arrived yesterday. Galing ako sa inyo at ang sabi nila andito ka daw sa sementeryo at dinadalaw ang puntod ni Dennis. Kaya nagderetso na ako dito." paliwanag ni Kevin kasabay ng paglalagay ng dalang bulaklak sa puntod ng kaibigan at nag-alay ng panalangin.
Hinayaan muna ni Kristen si Kevin na makapagdasal. Si Kevin ay ang bestfriend ni Dennis na naging malapit din niyang kaibigan. Kasama niya itong nagpunta ng ospital noon nang mangyari ang aksidente. Tulad niya, labis ang naging hinagpis nito nang mamatay ang matalik na kaibigan at sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kaibigan. Dapat daw kasi sabay ang mga ito na magpupunta sa simbahan ngunit sadyang pinauna ni Dennis si Kevin sa pag-alis.
"Akala ko, di ka makakapunta sa death anniversary ni Dennis ngayon. Ang tagal mo ring hindi nagparamdam, eh." kunwa'y may hinampong turan ni Kristen.
"My apologies. Sobrang naging abala ako sa kompanya kaya di ako nakakontak sa inyo ng matagal. Gusto ko talaga kayong sorpresahin kaya di ako nagpasabing darating. Saka di pwedeng hindi ako dumating, minsan ko nga lang madalaw ang puntod ni Dennis." sagot ni Kevin pagkatapos magdasal.
"So, kumusta ka na, I heard madalas ka pa ring magpunta rito." tanong ni Kevin kay Kristen.
"Gaya pa rin nang dati. Wala namang nagbago sa nararamdaman ko. Ang sakit at pangungulila na nararamdaman ko sa kanyang pagkawala, gaya pa rin ng dati. Yun bang parang kahapon lang nangyari ang lahat ng masasakit na alaala." napaiyak na wika ni Kristen.
"Sshh. Naiintindihan kita. Ganyan rin ang nararamdaman ko. Nawalan rin ako ng isang napakahalagang kaibigan. But we have to move on, Kristen. Sa tingin mo ba, matutuwa si Dennis pag makita ka niyang ganyan?"
"Hindi ko alam, Kevin. Mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Hindi ko kayang kalimutan siya o pa'no ako magsisimula nang wala siya."
" I know. Pero alam kong yun din ang gugustuhin ni Dennis, ang magsimula kang muli ng panibagong buhay nang wala siya. Alam kong mahirap pero alam kong kakayanin mo."
"Minsan naiisip ko, ano kaya kung di nangyari ang aksidenteng iyon, kasal na sana kami ngayon at mayroon na siguro kaming anak ngayon. Bakit kasi sa araw ng kasal pa namin kailangang mawala ni Dennis."
"May mga bagay talaga dito sa mundo na mahirap ipaliwanag. Kahit yung mga bagay na akala mo ay para sa'yo ngunit hindi pa pala. May mga dahilan ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa atin. Di man natin alam sa ngayon ang dahilan, pero darating ang panahon na maiintindihan din natin ang lahat ng ito."
"Ewan ko Kevin. Ang sakit isipin na ang pinakamasayang araw sana ng buhay ko ay siyang naging pinakamasakit na alaala ko. Kung pwede lang sanang ma-fast forward ang panahon, ipa-fast forward ko nalang pag malapit na ang Setyempre para maging October na, gagawin ko. Para di ko na maalala ang lahat ng masasakit na nangyari sa akin tuwing sasapit ang buwan ng Setyembre."
Hindi na nagkomento si Kevin sa huling sinabi ni Kristen. Pinisil lamang niya ang kamay nito at inayang umalis na sa lugar na iyon.
"Halika na, Kristen, papadilim na at baka magsara na ang gate dito sa sementeryo." pagyayaya ni Kevin kay Kristen na agad namang tumalima.
Bago tuluyang umalis muling nilingon ni Kristen ang puntod ng kanyang namayapang kasintahan at nagpaalam rito.
BINABASA MO ANG
One-Shot & Short Stories
Short StoryRandom collection of my written one-shot and short stories. Some of them are my entry pieces to some writing contests, topics and challenges here in wattpad. And of some of them were just randomly created.