Padilim na ang langit dala ng maiitim na ulap.
Mahangin,
Maraming taong nag-aabang sa stoplight upang tumawid sa kabilang dako.
Isang patak, dalawang patak, hanggang sa bumugso na ang ulan at ang lahat ng tao ay nagsitakbo upang sumilong.
"Ako lang ba ang nag iisang tao na nag dala ng payong?" Sambit ko sa sarili ko.
Inilabas ko ang payong ko at binuksan.
Maya-maya, may napansin akong babae. May dala syang isang kahon at walang dalang payong.
Nababasa ng ulan, Natabunan na ng basa nyang buhok ang kaniyang mukha.
Nilapitan ko sya at sinabing,
"Miss, tulungan na kita."
Umangat ang mukha nyang natabunan ng buhok at nakita ko ang pag-ngiti nya at sinabing,
"S-salamat."
Binuhat ko ang kahon na dala nya at pinahawak ko ang payong na dala ko.
"Saan ka nga pala patungo?" Pag tatanong ko.
"Ahh, doon sa boss ko. Pinapasa na nya kasi yung mga kailangan ipasa. Biglaan nga eh. Hindi ko inaasahan. Kaya umuwi agad ako at kinuha yan. Hindi ko naman inaasahang uulan kaya yan, nabasa na ako." Sagot nya.
"Buksan mo yung backpack ko. May t-shirt pa ko dyan. Pag dating natin sa office nyo, mag palit ka."
"Huh? Seryoso ka ba?" Pangiti nyang sinabi.
"Oo, sya lang naman ang hindi sumeseryoso sakin."
YOU ARE READING
From Strangers To Strangers
Teen FictionAre they meant to be? or just a strangers ended to be strangers?