Chapter 1

37 1 0
                                    

"Okay na. Salamat pala sa t-shirt mo. Teka, anong pangalan mo?" pagtatanong ko sa kanya.

"Ian nga pala. Nice meeting you."

"Ako naman si May,"

"Ohh. Gusto mo mag coffee?" Pag aaya ko sa kanya. Pasasalamat ko narin sa pagpapahiram nya ng T-shirt at pauwi naman na din ako.

"Oh, sure. Tara." pag payag nito.

Nagpunta kami sa malapit na mall at nag hanap ng coffee shop.

Habang umiinom kami ng kape ay sabay din ang malakas parin na pag bugso ng ulan.

"Ian, matanong ko lang. Sino yung hindi naneryoso sayo?"

"Huh? Ano yun?"

"Yung kanina diba pinahiram mo ko ng damit tapos tinanong kita kung seryoso ka ba, Sabi mo pa nga 'Oo, sya lang naman ang hindi sumeseryoso sakin'. Akala mo hindi ko natandaan yun ahh!"

"Hahaha, wala yun. Wag mo na intindihin yun." sagot nya.

"Ano humugot ka lang? Ganun?" pabiro kong sabi.

"Ganun na nga. Hahahaha"

Kahit di nya sabihin, parang kita sa kanyang mga mukha yung lungkot, yung problema na parang sobrang bigat.

"Saan ka nga pala nakatira?" Pag tatanong ni Ian sakin.

"Hmm. Dyan sa may Villa Velasco lang. Malapit lang naman dito. Bakit mo natanong?"

"Totoo?" Sagot nya na tila gulat na gulat.

"Oo, kakalipat ko lang dyan last month kasi nga dun na ko nag trabaho sa KH Company. Para di na rin ako mahirapan pag uwi."

"Ahh, I see."

Napatingin sya sa may bintana at napabuntong hininga.

"Ang lakas parin ng ulan no? Pag uuwi ka na gamitin mo na yung payong ko ha? Antayin ko nalang tumila tong ulan."

"Ha? Ano ka ba. Payong mo yan! Ako na mag aantay ng pag tila. Okay lang. Tsaka hindi pa naman ubos tong iniinom kong kape. Mag stay nalang din muna ako dito." sagot ko.

Tumango lang sya at maya maya ay nakita ko syang biglang pumikit at pinaghawak ang kanyang dalawang kamay.

"Ang mysterious naman nitong tao na to." pabulong ko.

Habang tinititigan sya ay hindi ko maiwasan na magtaka. Ngayon lang ako naka kita ng lalaking sobrang gentleman kahit na hindi naman nya kakilala yung kausap at kasama nya.

5 minuto na ang nakalipas at nakapikit parin sya. Hindi ako nagsasalita at ang tanging naririnig ko lang ay ang pag higop ko ng kape na aking iniinom.

Tumitig ako sa labas, Mukhang humihina na ang ulan at madilim narin dahil sa gabi na.

"Ahh, Ian?" pag istorbo ko sa pag pikit nya.

"Yes?"

"Mauna na ko ha? Patila na rin naman yung ulan. Salamat nga pala sa pag tulong ko sakin tsaka sa pag papahiram ng tshirt ha? Saan ka nga pala nakatira para naman maibalik ko tong T-shirt mo."

"Wag na, wag ka na mag alala. Sayo na yan." sagot nya. "Oh, dalhin mo na rin to." inabot nya sakin yung payong nya.

"Ano ka ba wag n-"

"Sige na. Iuwi mo na yan. Pag nagkita nalang ulit tayo tsaka mo sakin ibalik. Lagi mo nalang dalhin. Para incase na makita mo ko ulit, maibabalik mo agad." at bigla syang ngumiti.

"Sure ka?"

"Oo, sige na. Mauna ka na. Ingat!"

"O-okay. Ingat ka din pag uwi." Sagot ko sa kanya.

Naglakad na ko papalabas ng coffee shop bitbit bitbit ang payong ni Ian ng may nasalubong akong babae na nakatitig sa dala dala kong payong.

Lumapit sya sakin at sinabing

"Veni, Vidi, Amavi."

From Strangers To StrangersWhere stories live. Discover now