Andito ako ngayon sa waiting shed sa loob ng collage na pinag-aaralan namin. May hinihintay kasi ako dahil sabay kaming uuwi. Napalingon ako dahil nagsidatingan ang mga ka-batchmates ko na nagtatawanan."Sofia Domingquez! Sabay kana sa'min!" Sigaw ni Allyssa sakin ng palapit na sila.
"Hindi na, hinihintay ko pa kasi si--"
"Si bestfriend ba kamo?" Putol ni Clara sa sasabihin ko. "Hindi ba pwedeng i-text mo na lang siya? Na sa amin ka na muna sasabay?" Dugtong ni Issa.
"Oo nga, para kahit papa'no ay makapabonding ka namin. I mean, kain tayo sa Mcdo, gala sa mall. Kulang na lang magpalit kayo ng mukha dahil hindi kayo mapaghiwalay, e." Sabat ni Paul. Natawa na lang ako dahil sa reaksyon nila.
"Alam niyo, kung hindi ko lang kilala 'tong si Sofia, e, iisipin ko na talagang may something sila ni Robbie." At umupo sa harapan ko si Lalaine pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Pasensya na talaga kayo. Marami pa kasi akong ginagawa sa bahay, tatapusin ko pa 'tong ibang assignment. Kung sakaling magkaroon ako ng freetime, promise sasama ako sa gala ninyo." Ngiti ko sa kanila.
"Gusto mo tulungan kita?" Ani Cyrus. "Tutal wala rin naman akong gagawin mamaya dahil natapos kona. Konti na lang naman kaya, kaya pa. Tulungan na lang kita sa iba mo pang assignment."
"Pumupuntos kana ba, Cy?" Asar ni Marvin. Napuno ng asaran patungkol sakin at kay Cyrus.
Aaminin ko. mabait, valedictorian, matalino, masipag si Cyrus. Boyfriend and husband material na siya kung tutuusin. Pero di ko lang talaga kaya na sagutin siya. Oo mahal ko siya, bilang kaibigan. Hanggang duon Lang ang kaya ko dahil Alam ko sa sarili ko na may nag mamay-ari na nito.
Napalingon ako sa paparating na si Robbie. Agad kong niligpit ang gamit ko para makapagpaalam na sa kanila. "Guys, una na'ko. See you tom!" Atska umalis nang hindi hinihintay ang salita nila. Sinundan ko lang si Robbie papuntang parking lot. Tumunog ang sasakyan niya kaya pumunta agad akong front seat. Nilagay kona muna ang mga gamit ko sa back seat bago pumasok. Ganuon din si Robbie.
Habang nasa byahe, napansin kong napapangiti yung katabi ko. Mukhang good mood, Di naman masama Kung magtatanong, di ba?
"Uy Robbie. Para kang baliw dyan. Ngiti ka nang ngiti. Ano bang meron?" 'Tska ko siya hinarap.
"Sofie, ano bang maganda iregalo sa babae?" Tanong niya pabalik na may ngiti. Sumulyap siya sakin pagkatapos niyang itanong. Pakiramdam ko kinurot yung puso ko dahil duon. Pero inisip ko na mommy niya ang pagbibigyan niya. "Bakit mo natanong?"
"Gusto ko na kasing ipagtapat yung nararamdaman ko sa babaeng nagugustuhan ko," tapos lalong lumaki ang ngiti niya habang ako ay parang sinasaksak. "Feeling ko kasi, walang pag-asa yung nanliligaw sa kanya. Duon ako nagkaroon ng ideya na, ligawan siya."
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Kaya natahimik na Lang ako. Hanggang sa maiuwi niya ako samin ay Di ako kumikibo. Di rin na rin naman niya ako kinausap pa pagkatapos. Diretso pasok ako sa bahay at akyat sa kwarto. Alam kong sumunod siya pero hanggang sala lang. Humiga agad ako sa kama at tumunganga.
Sino kaya yung babaeng yun? Saan siya nag-aaral? Kung sa amin lang din, sa anong building siya nag-aaral? Kakilala ko ba? Madaming konklusyon na nabubuo sa isip ko na di ko na namalayang nakaidlip na ako.
Nagising na lang ako nang magaalas-otso na. Naligo agad ako at nagbihis. Habang nagsusuklay ay nahagip ng paningin ko ang mga lalaki sa bahay nila Robbie. I guess it's his basketball team mates. Napatingin sa direksyon ko yung isa niyang team mate kaya napaupo ako. Maya-maya pa tumayo na ako para magsuklay, atska ni-blower ko na rin ang buhok ko. Nakaramdam ulit ako ng antok kaya humilata ulit ako at Natulog na lang.
BINABASA MO ANG
BESTfriend forEVER (one-shot)
Short StoryHe's my bestfriend since birth. He is the best buddy in the whole world. All the crazy things that we did is one of the best memory for me. But this feeling... Di ko Alam Kung kailan, paano, ko 'to naramdaman. Basta nang naging high school kami, nag...