Ang haba ng pila… dumagdag pa ang mga makakapal na mukha na mga kapwa estudyante.
“Hoy! Bawal singit!”, sigaw ng mga estudyante sa likod ko.
Tapos na ang enrolment, pero dahil irregular student ako, kelangan ko magpa-add ng subjects. Sa ganitong mga panahon, hindi nawawala ang pila. Gusto ko na talagang sumuko, pero dahil kelangan kong magbawas ng loads, no choice ako.
Ang buhay college kumpara sa high school ay mas challenging- maraming responsibilidad ang nakaatang, mas maraming gawain at mas maraming cute guys na makikilala. (Totoo 'to)
“Hi ma’am, good morning po” sabi ko sa Dean, sabay upo sa bench nila sa office.
“Good morning!”
Lima pa kaming nag-aantay at naghahanap ng available schedule… nang ako na, magla-lunch break na.
“Hi sir”, sabay abot ng notes na nakasulat ang mga available kong time na pwedeng isingit ang subject na kinukuha ko.
“PE 7-9 Mon.”
“Salamat po, sir”, sabay labas ng office.
“Bhe, meron na kong time”, sabi ko sa kaibigan kong babae.
“Anong time?”
“7-9, Mon.”
“Ahhh”
“Oshet!”
“Bakit?”
“8pm nga pala uwian natin!”, inis ko. Bakit ba kasi di ko naalalang 8pm pala uwian namin, na nangangahulugang mas matagal pa ang gugugulin ko sa paaralan kesa sa bahay namin.... Hayyyy.
“Try mong ipalipat”
“Osige, balik tayo”
Bumalik ako sa Dean’s office, buti na lang hindi pa lunch break.
“Hi ma’am, good morning po ulit. Nakakuha na po ko ng sched pero ma’m masyadong mahaba na po time ko sa Mon, kung pwede po, papalipat ko po sana ulit PE ko?”
“Osige, sabihin mo kay sir”, sabay turo sa pwesto ni sir na busying-busy sa paghahanap ng schedule sa computer nya.
“Hi sir!”
“Oh?”
“Papalit ko po ulit time ko”
“Bakit na naman?”
“Masyado na po kasing mahaba time ko tuwing Monday”. Hindi sya nagsalita, pero bakas sa mukha nya ang inis.
“Tuesday 11-3, balik ka ulit ha, ng madala ka”.
See, sabi ko sa inyo inis sya e.
“Hindi na po sir, salamat po ulit”
Pumili na ko sa Registrar office para humingi ng adding slip. Nag-fill-up, nagpapirma sa Dean, bumalik sa Registrar office. Ang daling maging college students no? XD
“Joyce Alcoriza”
“Joyce Alcoriza”
Ako yun. Tinatawag na ko para kunin ang adding slip ko.
Hindi pa pala ko nakakapagpakilala no? Ako si Joyce Alcoriza... 18 taong gulang na. 3rd year college student.
*CONFLICT SCHEDULE*
BINABASA MO ANG
Irregular Students (One Shot)
Short StoryAng pagiging irregular student sa kolehiyo ay hindi madali. Nandyan yung kailangan mong humanap ng schedule na swak sa papasukan mong subject. Nandyan din yung kailangan mong maging friendly... yung tipong ikaw mismo ang mag-a-approach sa mga bago m...