Baboy. Yan ang palagi kong naririnig sa kanila. Yan ang parati nilang tinatawag sa 'kin, kahit na may pangalan ako. Joy, yan ang pangalan ko. Pero kabaligtaran n'yan ang nararamdaman ko.
Akala nila hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi nila, kasi lagi akong naka ngiti, lagi akong tumatawa ng malakas. Pero deep inside, sobra akong nasasaktan. Everytime they called me those names baboy, piggy bank, oinky, biik.
Hindi pa sila kuntento nyan, gagayahin pa nila ang tunog ng isang tunay na baboy. Sa loob ng tatlong taon tiniis ko lahat. Tiniis ko ang mga salitang hindi ko matanggap na yon ang tingin nila sakin.
For the past three years, I accepted the names they threw to me, the names that they described to me, even if i am not those fucking names. It hurts a lot. It hurts to be called some names that is not you.
'Hoy baboy, mukang lumalaki ka lalo ah.'
I'm used to it. Kahit hindi ko gustong masanay sa mga salitang ibinabato nila sakin, ginawa ko pa rin. Sinanay ko ang sarili ko. Sinanay ko ang sarili ko, para kahit papano hindi na masyadong masakit. Yung tipong mamanhid ka na lang sa mga sinasabi nila sayo.
I have that one friend. Si xy. Mataba din sya like me, but she is more beautiful compared to me. That's why they don't teased her like the way they teased me. They treat her more special the way they treat me. Pero kahit ganon, andyan pa rin sya sa tabi ko. Hindi nya ko iniiwan, kahit hindi nya ako maipagtanggol pinaparamdam nya pa rin sa'kin na nasa tabi ko lang sya. No matter what happen.
Pero ngayon, magpapasukan na. I can say that hindi na ako yung baboy na yun. Wala na silang karapatan tawagin ako sa mga pangalang iyon. I've changed a lot. I lost half of my weight. I prepared my self for them. Pinag handaan ko ito.
Pinaghandaan ko ang susunod na pasukan. At ngayon, eto na. Malapit na nila akong makita.***
Pagkagising ko ginawa ko na ang daily routine ko.
Pagka pasok ko nagbubulungan na sila. Tsk, they are too focused on the other people's life that's why they don't see what is happening on their own.
Akala ko okay na ang lahat dahil sa transformation ko, hindi pala. Bakit ko nga ba binago ang sarili ko? Dahil sa pambubully nila at dahil sa kaniya.
'Drake' - bulong ko
Alam kong hindi nya narinig yon. Kasi malayo ako sa kanila. Sa kanila ng bago nya. No. Sa kanila ng ex nya. Yung mahal nya talaga.
Sino sya? Sya yung ex ko. Dapat ko nga ba syang tawaging ex ko? Hindi naman nya ko minahal, at kahit kelan hinding-hindi nya ko mamahalin.
Niligawan nya ko ng almost three months. Nahulog naman agad ako sa kanya. Sobrang sweet nya, sobra yung effort nya, susunduin ako, pupuntahan sa room pag break time, ihahatid ako pauwi. Sya yung kaunahang lalaki na pinakilala ko sa magulang ko, sya yung lalaking unang minahal ko at higit sa lahat sya yung lalaking unang nangwasak sakin.
Masaya naman kami talaga nung una e. Kung hindi ko lang nalaman ang lahat. Ang lahat kung bakit ako nawasak.
Flashback
Papasok na ko sa room ko ng may marinig akong dalawang tao na nag-uusap sa may locker room.
" Ano na ba? Naiinip na ko ha! Kailan mo ba sya ibebreak? Napatunayan mo na naman sakin na mahal mo talaga ako e. Napag laruan mo na sya. Ok na ko dun. "
Si Eunice yon ah. Ex yon ni Drake. Sino naman ang kausap nya?
" Look Eunice tatapusin ko na to mamayang hapon, wag ka mag-alala ginawa ko to para patunayan ko na mahal kita. Kita na lang tayo mamaya baka may makakita sa'tin dito. I love you. " - Drake
Halos gumuho ang mundo ko ng marinig iyon. All this time, niloloko nya lang pala ako. Bakit? Wala naman akong ginawa sa kanya ---kanila.
Agad ko syang tinext na magkita kami mamayang lunch.
*Lunch*
"B-break n-na ta-y-yo"
Nauutal kong sabi. Masakit man sabihin pero kailangan. Ako na yung makikipag hiwalay para kahit papa'no maka bawi naman ako sa sakit na ibinigay nya sakin.
Nagtatakbo akong umalis. Kailangan kong lumayo sa lugar na 'to. Sa lugar kung saan nag-umpisa ang lahat ng sakit na 'to.
End of Flashback
Ugh! Traydor na luha. Bakit kasi naalala ko pa yon.
O c'mon Joy! How can you ever forget the man that you love the most. And the man that broke you. The man that give you the pain that you are feelin' right now.
My tear fell down. I'm broke. Again.
Ugh! First day of school pero nabadtrip agad ako. I can't take this anymore.
Charot. Kaya ko pa naman ---Kakayanin ko.
Naglalakad ako ng naka yuko ngayon. Ayokong may makakita sakin ng naiyak.
"Aaaaaayyyyyyy"
WAHHHHH ang sakit nun ah! Tinignan ko kung kanino yung kamay na naka lahad sa harap ko.
0_0
Ang pogi.
Para s'yang anghel na bumaba sa lupa 😻
"Sorry, ikaw kasi e. Hindi ka natingin sa dinadaanan mo."
Gawd. Ang pogi nya habang sinasabi yung salitang yon with matching kamot sa batok pa.
I think.
He's the one for me. <3
BINABASA MO ANG
Sebaceous Girl
Teen FictionKapag may nawala, may dadating. Kung hindi ka nya minahal, may dadating na magmamahal sayo. Kung sinayang nya ang love na ibinigay mo sa kanya, dadating din yung taong worth sa pagmamahal mo at susuklian ka ng higit pa sa binibigay mo.