My Love Wasn't Wrong For ME

176 2 3
                                    

Pano nga ba masasabing mali ang isang pagmamahal? Kung lahat naman ay naipapakita mo, napaparamdam at masasabing di ka talaga nagkukulang? Mali nga bang magbigay ka ng sobrang pagmamahal sa isang taong walang kasiguraduhan sa mga sinasabi nya?

bakit mo pa kailangan maghintay kung andito naman na ako?...”

“ramdam na ramdam ko pagmamahal mo…”

 

 

Ako nga pala si Angelica Carpio isang Preparatory Dentistry sa Will Arths University. Ako ay 16 years old maliit lang ako siguro flat 5” lang, lagpas balikat ang buhok, maputi, naka-braces, matangos ang ilong, chubby at sabi nila maganda naman daw ako. Fragile in special way! Hahaha LOL yung fragile, FEELINGERA talaga un hahaha >.<  Meron akong nakatatandang kapatid na lalaki siya si Arshton Carpio, 19 years old isang HRM student sa parehong unibersidad na pinapasukan ko.

Maraming bagay ang nangyari sa buhay ko lalo na ng makilala ko ang isang taong di ko aakalaing ganto magiging kahalaga sakin..

CHAPTER1

Ano ba yan! Ang aga naman mambulabog nitong tumatawag sa cellphone ni mommy! Nagmadali akong tumayo sa higaan ko para tignan kung sino yung tumatawag kay mommy. Nakakainis sa taas pa ng tukador nakalagay yung cellphone nya ang liit liit ko para maabot yun, kailangan ko pa tuloy kumuha ng upuan para makuha yung cellphone na ang ringtone sexy back ni Justin timberlake. Nung nakuha ko na bumaba na ako. Dahil nasa second floor ang kwarto ko at ni mama.

“Ma ito na yung cellphone mo oh, goodmorning”

Kumiss na ako kay mama at dumeretso na ako sa dining table para kumain, dahil tanghali na ako nagising nagawa na ni mama lahat. nakapaglinis na sya ng bahay, nakapamalengke na at nakapag luto. (mama ang tawag ko sakanya, minsan mommy). At dahil Friday ngayon ang ulam namin ay munggo! YEY! Sa bahay namin ang unang nagigising ay si mama sumunod ako at ang huli ang pinakamabait kong kuya.

“bunso tirhan mo ng ulam yung kuya mo, nakakahiya sa border naten baka sabihin hindi natin sya pinapakain ng ayos.”

“woooh! Paburitong anak.”

Ganito talaga kami magusap ng mama ko. Parang magkabarkada lang. border ang tawag namin sa kuya ko dahil uuwi lang sya sa bahay para kumain, matulog, maligo at magbihis. Border na border ang dating dba?

“malapit na pasok mo dba?”

“oo nga ma eh. Kinakabahan ako .”

“gaga bakit ka naman kakabahan?”

“eh kasi naman ma ibang school na to, tsaka bagong classmates nanaman, bagong teachers, bagong subjects at higit sa lahat ma COLLEGE na to hindi na ko highschool”

Kahit na kinakabahan ako, ako lang ang magisang nagenroll. June 12 ang pasok namin isang linggo nalang at pasukan na! handa na lahat ng gamit ko. Meron na akong binder mejo nakakapanibago dahil nasanay ako sa tigi tig isang notebook kada subject pero ngayon all in one na. nakapag pa-tahi narin ako ng uniform ko. Sobrang bilis lang naman ng panahon kaya dumating na nga ang pasukan…

 

CHAPTER2

“HOOOOOOOOOOOOOY!!! Gising na mahuhuli ka nyan sa unang araw mo sa klase!!!”

Napaka OA naman mang gising ni mama! Makapalo naman at sigaw sakin parang wala ng bukas. >.< Pero pag katingin ko sa orasan.

“nako naman mama! Bakit ngayon mo lang ako ginising 6:12am na 7 ang pasok ko…”

My Love Wasn't Wrong For METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon