mapanghi... mapakla.... nakakadire... amoy basura... amoy utut.. amoy patay
Halo-halong baho ang nagpagising kay Mizrhym mula sa mahimbing na pagkakatulog
Tinakpan niya ang kanyang ilong , nagbabakasakaling mawala ang amoy pero wa-effect!! sadyang matindi talaga ang baho.. feeling tuloy niya pati tenga niya eh nagkaroon na ng sense of smelling sa sobrang baho ng atmosphere
nilingon niya ang kanyang orasan
12:30 palang ng hatinggabi
"anak ng!!!" napamura siya nang mas lalong lumala yung amoy...
paano siya makakatulog neto ? kailangan pa man din niyang matulog ng maayos ngayon dahil may exams siya bukas!!
nang hindi na niya kinaya ang amoy.. napagpasyahan niyang bumangon
halos bumaliktad ang sikmura niya nang eksaktong pagtayo niya mula sa pagkakahiga ay sumalobong sa kanya ang mukha ng isang babae...
Putlang-putla ito at ang kalahati ng mukha ay halos naaagnas na at inuood pa...
mukhang sa kanya nagmumula ang masangsang na amoy
nakakatitig lang si Mizrhym sa kanya.. as in titig na titig...
at tuluyan na siyang nasuka nang ngitian siya ng babae at makita niya ang mga nabubulok na nitong mga ngipin ang mga uod na nasa bibig nito
Tumakbo siya papuntang banyo at isinubsub ang mukha sa sink..
isinuka niya lahat ng kinain niya
kulang nanga lang pati bituka niya ay isuka niya narin
"ahrgh!! the heck!!"
nang mahimasmasan siya tinignan niya ang kanyang etsura sa salamin..
at doon nalaman niyang nasa likod niya pala ang babae at nakangisi.. 0_0 ngiting aso
ipinikit ni Mizrhym ang kanyang mga mata at nanatili siyang ganoon ng mga ilang segundo
pinakiramdaman niya ang paligid..
nang akala niya na wala na ang babae... dahan-dahan siyang dumilat..
napasinghap siya ng makita ulit ang babae at ngayon ay nasa harap na niya...
She took a deep breath... as in deep na deep
kung ibang tao lang siguro ang nasa posisyon niya ngayon for sure nagsisisigaw na ito at humingi ng tulong...... pero iba si Mizrhym...
titigan niya ang babae... at nang ngumite ito.. "ANO BA!!!!? BAKIT BA ANG KULIT-KULIT NIYO HA!!! KANINANG UMAGA LANG MAY NAGPAKITA SAKIN TAPOS NGAYON IKAW NAMAN. DIBA SINABI KO NA SA INYO NA HUWAG NIYO AKONG GUGULUHIN NGAYON DAHIL MAY EXAMS AKO BUKAS!!!! HINDI KABA SINABIHAN NG MGA KASAMA MO SA SEMENTERYO?? HINDI KA BA NA TEXT NG MGA CLASSMATES MONG MULTO??? HAH!!???? NAKAKAINIS NA KAYO!!!!!" -_- >_<
BINABASA MO ANG
If Your Not The One
RandomLove is one of the most powerful thing that has ever existed It is one's biggest opponent and no one has ever won against it It can change fate without you knowing it It can conquer everything even the hardest part of life Even the strongest force...