Pagtatapos ng paninimula

13 0 0
                                    

Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang tula ko para sayo pero wala na kong magagawa dahil nandito na ko sa intabladong to! Hindi ko alam kung pano magsisimula. Pumasok ako , pumasok ako sa paaralan upang matutong sumulat at magbasa pumasok ako para maging palakaibigan na magiging dahilan ng pag ngiti nila sa kanilang mga labi at maging masaya , pumasok ako sa paaralan. Ngayon magsisimula na ko. Magsisimula ako sa kung paano mo ko unti unting kinalimutan gaya ng paglimot mo sa iyong mga aralin. Magsisimula ako.. Magsisimula ako sa kung pano mo unti unting binitawan ang mga pangako mo gaya ng pag bitaw mo sa mga katagang bahala na basta may gawa ako.. Magsisimula ako. Gusto kong ipagsigawan at sabihin sa maraming tao na akin ka pero gaya ng libro meron ng nag mamay ari sayong iba.. Magsisimula ako.. Magsisimula ako sa huli.. Sa kung paano mo sinaktan ang na nanahimik kong puso gaya ng pangungutsa mo sa na nanahimik mong kaklase .. Magsisimula ako.. Magsisimula ako sa kung paano kita tinanggap .. Kung pano ko tinanggap ang ugali mong kagaya ng isang di mo kilalang tao..Magdisimula ako Pero di nyo ba nahahalata ? O sadyang ako lang talaga ang nakakaunawa.. Masyado na akong madaming nasimulan gaya ng kung paano sinisimulan ng mga guro ang kani kanilang aralin.. Ngayon Mahal. May tanong ako sayo.. Kailan ba ako naging mahalaga sayo? Naging mahalaga ba ako gaya ng panulat mo na di mo alam kung pano sisimulan at tatapusin ang iyong aralin na di mo alam kung ano ang iyong gagawin.. Mahal ganyan ba ang naramdaman mo nung araw na mawala ako sayo ni minsan ba pumasok sa utak mo o sa isip mo ang mga katagang "KULANG KA KAPAG WALA AKO" Mahal alam kong hindi natutunan ang pagmamahal.. Pero ito.. Ito Mahal.. Mahal May gusto akong marinig mula sayo na ikakaligaya ko gaya ng mga mag-aaral na gustong marinig na suspendido ang klase at tuwang tuwa sila habang pinapaulit ulit ito.. Mahal! Mahal! Natauhan ako.. Natauhan ako na hindi! Hindi na pala kita kailangan! Gaya .. Gaya ng malakas na ulan.. Hindi ko ito kailangan para mawala ang lahat .. Ang lahat ng ginawa mo.. Hindi ko ito kailangan para mawalan ng klase at maging masaya.. Ito.. Ito ang unang tulang ginawa ko .. Ginawa ko dahil sa sakit na dulot mo.. Patawad Mahal. Kung sinisi kita sa lahat ng nangyari sa buhay ko.. Hindi ko na isip na ako. Ako pala ang siyang mali! Na para na kong aralin na pinagsisiksikan ang sarili na sana.. Na sana natutunan mo..Hindi ko talaga alam kung pano magsisimula pero ito.. Ito na .. Ito na ang huli.. Ang huling pag bigkas ko ng salitang "Mahal , Mahal kita" dahil natauhan ako.. Natauhan na ko na di mo ako kayang mahalin gaya ng pagmamahal mo sa bago mo.. Gaya sa kung paano mo siya pinapasaya.. Natauhan ako. Na tipong bago na ang aralin pero ang umpisa'y di mo napakinggan at natutunan gaya ng ginawa mo sakin nagmahal ka na ng iba napunta ka na sa iba pero Mahal. Hindi mo parin ako natutunang mahalin.. Inuulit ko ito ang unang tulang ginawa ko.. Ginawa ko para mailabas ang mga paghihinagpis at pagtatangis ko na dulot ng ginawa ko.. Hindi hindi ko alam kung pano to sisimulan pero ito ito na ang katapusan. Tapos na.. Tapos na ko!

SPOKEN WORDS COLLECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon