Walang Salita

5 0 0
                                    

Ibig kong sumulat ng isang tula
Tulang makapagbibigay halaga sa iyong mga gawa
Tulang magsasabi kung gaano ka kahalaga
Tulang makakapagpaliwanag ng aking nadarama

Kaya sinimulan kong mag-isip at maglaro ng mga letra
Mababaw man o malalim aking pinagsama-sama
Isinulat at binuo na parang isang talata
Upang saloobin aking mapadama

Ngunit sa dulo'y aking napagtanto
Isipa'y nahirapan at sumakit ang ulo
Wala palang salita ang makagpagtutukoy sayo
Sa mga hirap at gawa mong sakripisyo

Sa kung paano mo harapin
Mga pagsubok na dumadating
At paano mo solusyunan
Aming pangangailangan


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Unspoken Poetry (Revealed)Where stories live. Discover now