Little Things

541 12 3
                                    

"Hindi ka pa rin naka-move on sa kanya?"

"Syempre mahirap, lalo na, sanay na akong lagi ko siyang kasama. Miss na miss ko na nga siya eh," umiling si Pam. Napansin kong namumula siya at sa tuwing nagtatama ang mga mata namin, bigla niyang iniiwas yung pagkakatitig niya.

Noon pa lamang ay nahahalata ko na. Kahit hindi siya umamin ng kanyang nararamdaman, halatang halata ko na kahit noong kami pa lang ni Aina. Kahit noong bata pa lamang kami, may gusto na siya sa'kin at buong akala niya'y limot ko na ang lihim niyang nararamdaman. Ngunit sa kabila nito'y 'di ko alam kung anong gagawin ko para hindi ko siya mapaasa, lalo na, wala na si Aina. Baka ang isipin pa niya, handa na akong humanap ng iba at palitan si Aina. Pero wala eh, nag-iwan siya ng bakas sa puso ko.

"Eh? Siya pa rin ba talaga?" Sabi niya pero iba ang kanyang pinagmamasdan, parang malalim iniisip. Nakokonsensya na talaga ako, alam ko na ngang umaasa siya tapos gusto ko na ngang kalimutan niya na yung feelings niya para sa'kin pero sumasama-sama pa rin ako sa kanya. 'Di ko na alam gagawin ko. Nakakainis. Marami namang ibang lalaki dyan na mas gwapo sa'kin, mas matalino, at mas magaling. 


Kriiing Kriiing Kriiing


"Tara na, tapos na lunch time." Sabi ko habang nakangiti sa kanya. Ngumiti rin siya sa'kin pero iniwas niya bigla yung pagkakatitigan namin. Parang dapat siguro magsorry na ako sa kanya, pinapaasa ko siya.

Two hours ang Math namin at dahil nakapag-advance study na ako kahapon, yumuko na lang ako at saka nagtulug-tulugan sa arm-chair ko kasi kahit tawagin at tanungin ako ng prof namin, alam ko yung sagot. Ilang minuto na yung nakalipas pero hindi pa rin ako makatulog. Kung ano-ano naiisip ko. 'Di pa rin kasi ako makapaniwala, nakatiis ako ng isang taon na wala si Aina sa tabi ko. Nakakainis siya kasi iniwan niya ako nang bigla-bigla. Ayaw niya rin naman kasi makinig sa'kin, sabi ko 'wag nang umalis. 'Yan tuloy, lagi akong malungkot. 

It's been one year and five days since that car accident. Gabi na n'un at papuntang principal's office si Aina kasi may nakalimutan siyang envelope. Sobrang importante daw kasi nun sa kanya kaya kailangan niyang kunin. At saka kinabukasan na rin daw kasi yung deadline nung mga papeles na nakapaloob doon kaya kailangan niyang balikan.

"Ihahatid na kita."

"Hindi na, ako na. Magpahinga ka na lang d'yan, baka mas lalo pang tumaas yang lagnat mo."

"Okay lang ako. Sige na please? Ako na lang maghahatid sayo."

"Sige ka, baka 'di na kita makita kasi baka madeds ka 'jan. Baka dengue pala 'yan o kaya malaria. Dito ka na lang ha? Labyu." Then she left me behind, lying comfortably on the sofa.

Naalala ko na naman yung huli niyang sinabi sa'kin. Kahit na hindi ako nakapag-respond ng 'take care' o 'I love you' o mamilit na ako na lang kasi gabi na, I know, I showed her how much I love her. Hanggang ngayon, walang vacant sa puso ko, siya lang.

Grabe, inaantok na ako pero 'di pa rin dumadating si Aina. Traffic pa rin kaya hanggang ngayon? Sana walang mangyari sa kanya na masama. Pano 'yan? Inaantok na talaga ako. Makanood nga muna.

"... isang babae ang nadisgrasya sa E. Rodriguez street na sinasabi ng mga nakakita ay may nakasagasa sa may kanang bahagi ng hood na naging dahilang ng pagewang-gewang nitong pagmamaneho. Sinabi ng mga doktor na dead-on-arrival--"

H-hindi kaya si Aina yun? 'Wag naman sana.

Kahit masakit ang ulo ko at nahihilo pa ako, kahit ginaw na ginaw ako dahil may lagnat ako, tumatakbo lang ako papunta sa ospital na nakalagay sa balita. Kanina pa ako nag-dadasal na sana hindi siya yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon