1

1.7K 31 12
                                    

Heartbreak1.TheSchool

••••

Eldorado
June 1, 8:15 am

"I made sure we brought all your necessary things. Are you ready?" May halong pagkabahala na sabi ni Tita. Mula sa backseat ay tumango ako.

"May dorm na sila sa loob ng school premises, hindi ka na mahihirapan. Pero just in case gusto mong lumabas, nagrent na ako ng apartment para sa'yo." Sabi niya at iniabot ang isang susi na kaagad ko rin namang kinuha.

"Basta kapag may kailangan ka. Emergency o kung ano man, tumawag ka lang ha?"

"Yes po tita."

"Ito na pala e!" Bulalas niya nang makita ang mataas na gate. Pagkalabas ng sasakyan ay tiningala ko iyon kaagad. Engrandeng gate iyon at may guwardya na lumapit sa amin.

"Good morning ma'am!"

"My niece is a transferee." Nakipag-usap si tita sa guard habang ako ay abala sa pagkuha ng mga gamit.

"Strictly for students lang po ma'am. Kung gusto niyo pong pumasok kailangan mag-request sa office." Paliwanag ng guard. Hindi ko na napakinggan ang usapan pero base sa itsura ni tita mukhang hindi sila pinapapasok.

"How long will it take to approve?"

"Depende po." Hindi makapaniwalang umiling si Tita Ericka. May sasabihin pa sana siya nang pumagitna na ako.

"Okay lang po tita! Kaya ko na po mag-isa." Bumakas pa lalo ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Oh siya sige, basta yung mga bilin ko ha 'wag na 'wag mong kakalimutan. Mag-iingat ka dito." Lumapit siya sa akin para yumakap.

"Thank you, tita."

Hinintay ko muna silang umalis bago tuluyang pumasok sa gate. Ibinigay ko pa ang ID ko sa guard para sa conformation bago ako tuluyang papasukin.

"Sa likod, sa may footbridge dun ang daan." Turo ni manong guard.

"Thank you po."

Namangha ako nang makita nang tuluyan ang kabuuan. Mas malaki pa rin ang dati kong eskwelahan ngunit mas kaaya-aya at mas maaliwalas ito sa paningin. Ilang hakbang pa lamang ay kapansin-pansin ang fountain sa kaliwa. Malaki iyon at napapalibutan ng mga bulaklak. Nang lapitan ko iyon ay saka ko lang napansin ang estatwa sa tuktok nito. Si Cupid. Nakaturo ang pana niya sa isang building.

"Wow," kaagad kong sabi nang makita ang limang palapag na building. Nasa hindi kalayuan iyon at kitang-kita sa kinatatayuan ko ngayon.

Sa likuran ng fountain ay isang footbridge. Nilapitan ko iyon hila hila ang maleta ko. Natagpuan ng mga mata ko ang isang pond sa ilalim kung saan lumalangoy ang iba't-ibang mga isda.

"School ba talaga 'to?" Hindi makapaniwalang sabi.  Sa pagliko sa footbridge ay napansin ko kaagad na tila lumiit ito. Sa simula ay kakasya pa nga ang dalawang tao na magkasabay na maglakad ngunit ngayon ay iisa na lamang pupuwede. Nang makarating sa dulo ay nilingon ko ang umpisa nito. Talaga ngang malaki ang pinag-iba.

Kaagad kong hinanap ang map pamphlet na ibinigay ng guard para mabilis makita ang guidance office.

"Dito ko lang sa bag inilagay 'yun a?" Habang abala sa paghahanap ay may malakas na sigaw akong narinig mula sa labas.

Isang lalaking nakasuot ng itim na polo ang tumalon mula sa bakod. Bumagsak siya sa pasilyo ngunit nakabangon nman kaagad. Mas nagulat ako nang ilan pang mga lalaki ang tumalon at nakasunod sa kanya.

Dark CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon