It's Worth To Wait

578 56 87
                                    

“ Kaliwa, kanan… kaliwa,…kanan..kaliwa.” Ito ang maririnig mo sa pulutong ng mga CAT officers na nag mamartsa sa malawak na football ground na katapat ng canteen.

Kasalukuyang nasa canteen ako kasama ang aking unang naging kaibigan na si Sheena. Unang araw ko sa Academy at ito rin ang unang araw ko bilang bagong lipat na 4th year student. Hindi nagkamayaw ang aking mga kaklase sa kani-kanilang kumustahan. Mabuti nalang hindi ako na OP dito dahil maganda naman ang kanilang pagtanggap sa akin.Si Sheena ang una kong naging kaibigan sa Academy. Sinamahan niya akong e-familiarize  ang buong Academy. Lalo na ang buong canteen maayos at malawak  ang lugar marami kang mapagpipiliang kakainin iba iab ang pagkain sa bawat stall. Punong-puno ang canteen  ng mga estudyanteng kumakain, nagtsikahan, at sa mga busy sa pagkakalikot ng kani-kanilang gadgets dahil  naka wi-fi ang buong lugar.

 “Ehem, pwede dito nalang ako sa inyong table? Wala na kasing bakanteng upuan”. Sabay kami ni Sheenang tumingala.

 “ Oy Red ikaw pala sure” nasambit ni Sheena. Umupo si Red sa aking harapan. Ewan ko ba, parang naramdaman kong nalulusaw ako dahil titig na titig sya sa akin. In fairness maayos siyang manamit , matangkad at  bagay na bagay sa kanya ang camouflage na uniforme. Makinis ang kanyang kutis at higit sa lahat nakakaakit ang kanyang tsinitong mga mata. “ Red ito nga pala si Cassandra Cuevas ang bago nating kaklase.” Bukas ni Sheena.

“Hi Cassandra, ako nga pala si Redentor  Guan Red for short, welcome sa Academy School, ” Sagot niya sabay na nakipagkamay sa akin. Talagang malinis siya sa katawan kasi pati kuku ang linis…

 “ Cass alam mo bang napakasikat ni Red dito sa buong campus? Siya ang battalion commander ng CAT ngayong taon at maraming nag ka crush sa kanya kilabot to. He…he…”pagmamalaki ni Sheena.”

“ Ikaw talaga Sheena, wag kang maniwala Cass hindi lahat totoo.  “ Ngiti lang ang tugon ko kay Redentor.

Masaya ang buhay High School punung-puno ng mga school activity, class participation. Ako ang napiling Lakambini sa buwan ng wika noong nakaraang Agosto. In fairness may ibubuga naman ang beauty ko mana yata ako sa aking mommy na beauty titlist noong kabataan niya.   Masayang-masaya  ang samahan ng buong 4th Year Narra.Lagi kaming nanalo sa mga inter school competition. Si Red at iba pang CAT officers na nasa ibang section  ay naging kabarkada na rin namin.  Kapag walang hanay o kapag vacant class naman hindi talaga nawawala sa grupo namin si Red. Natutuwa naman kami dahil feeling senyorita kami kapag nasa umpukan namin siya bili dito bili doon busog kami talaga palibhasa malaki ang baon sagot na niya ang aming snack. Kapag may violation na elements sa CAT ay binibigyan niya ng utos na magbigay ng serbisyo sa mga kaklase o sa school . kaya minsan napag-utusan niyang e- segregate ng basura sa klase kaya save kami sa aming  cleaning time. He…he.. Minsan isang hapon dahil  vacant time dahil katatapos lang ng periodical exam naming.nagpaparinig sa aming grupo ang grupo din ng mga chaka dolls sa kabilang section.

 “Kung ako pa ang manok at palay na ang lumapit sa akin papatusin ko talaga” sabay tingin sa akin.. nagtaka ako bakit ganun ang kanilang reaksyon wala naman akong ginawa sa kanila. Hanggang natuklasan ko ang buong katotohanan. Ang isa palang kasama ng mga Chaka dolls ay ex noon ni Redentor kaya nagpapalabas ng intriga na ako daw itong lapit ng lapit kay Redentor. Kaya kinausap ko si Redentor upang linisin ko ang aking pangala. Pumayag naman siya at sinabi nga na magkita kami after last period sa may  botanical garden ng paaralan.

Napakaganda ng botanical garden nakahanay ang iba’t ibang uri ng halamang nag bibigay alternatibong gamot. At iba’t ibang kalse ng mga daisy, tulips, rosas at orkidyas. Maging iba pang halamang pang interior ay makikita mo dito. Napakaganda ng lugar so romantic. Magkatapat kaming nakaupo sa isang sementadong bench. Hinintay kong siya ang magbukas sa aming usapan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's Worth To WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon