Day1

21 0 1
                                    

Nagising ako ng madaling araw. Maaga yata akong nakatulog kakaiyak pero sumasakit pa din ang ulo ko sa bawat pag galaw ng ulo. Nakipag hiwalay na siya sakin kahapon.

Yung taong sobrang sobrang mahal ko, pinutol na niya yung relasyon namin. Mapapagod lang daw siya at mapapagod lang din daw ako sa mga nangyayari at mangyayari samin. Hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Wala akong maintindihan sa bawat sinasabi nya. Masaya ako sa bawat sandaling kasama ko siya.

Oo. Bawat sandali, sandali na lang kasi kami nagkakasama dahil sa busy ako sa pag- aaral at busy siya sa iba't ibang organizations nya.

Pero sa kabila non, Ako ang pinakamasayang taong tuwing kasama ko siya. Isang yakap lang nya tanggal na lahat ng pagod at sakit ng ulo ko mula sa pag- aaral at paggawa ng thesis/ research study sa bawat subject. Pati yata sakit sa likod nawawala. Yan yung napansin ko eh, hindi man kayo maniwala. Siya yung naging safe haven ko na wala akong ibang aalahanin tuwing kasama ko siya. 

Ngayon, wala na siya. Nasa garden kami ng school, galing siya sa stage play nila. Gusto ko lang linawin lahat sa kanya. Kung mahal pa ba nya ko sa kabila ng panlalamig niya. Kung may balak pa ba siyang ibalik kami sa dati. Kung masaya pa ba siya sakin. Kung masaya pa ba siya samin. 

Ang malinaw lang sakin. Ayaw na niya. Hindi niya kasi ako sasaktan ng ganito kung hindi niya naman gusto. Hindi ko malaman kung anong mararamdam ko nung sinabi niyang mag hiwalay na lang kami para matigil na lahat ng sakit at hirap daw na nararamdaman namin. Hindi ko nga alam kung bothered pa nga ba siya sa nangyayari sakin dahil sa kanya. 

Sino ba namang papayag na hiwalayan? Hindi ako pumayag. Umabot pa sa lumuhod ako sa harapan niya para lang wag niya ko hiwalayan at bumalik na kami sa dati. Umupo lang din siya agad nun. Hindi siya masamang tao kung iniisip nyo. Umupo siya at pilit akong pinatatayo at pinapatahan. 

Wala akong nagawa. Hindi niya ko pinag desisyon. Sinabi niya yung gusto niyang mangyari. Ginawa niya yun at pinaramdam na wala nang halaga lahat ng pangarap namin. Si Christopher Simon (magiging anak namin), Munch (alagang rottweiler), yung refrigerator naming puno ng pagkaen, yung pagpunta namin sa EK at pagsakay sa ferris wheel, yung pagpunta namin sa Singapore dahil sa hindi ako nakasama sa fieldtrip ng course ko,  yung paggising na siya yung katabi ko. laaaaaaahat yata wala nang halaga sa kanya. Yun yung dumudurog sakin. 

Ang sabi niya, kahit daw mag hiwalay kami lagi pa rin siyang magiging nasa tabi ko. hindi niya daw ako iiwanan at asahan ko daw na lagi siyang nasa tabi ko. Magiging kaibigan na lamang kumbaga. Parang hindi ko kaya. Hindi ko siya magagawang tignan bilang kaibigan. Imposible. Siguro sa pagkakaibigan kami nagsimula pero kahit anong mangyari, siya yung minahal ko, mahal ko at mamahalin ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love In VainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon