End

211 11 2
                                    

Huminto ako sa kinakatayuan ko. 14 years ago, Huminto din ako sa tapat ng gate na ito ng makarinig ng mga yabag ng takbuhan mula sa loob ng Academy. Ang kaibahan lang ngayon, Hindi nako kinakabahan. Ang araw na yun, Ang laki ng ginawang pagbabago sa buhay ko.

Hindi pa man ako nagsisimula sa flashbacks. May bumulagtang estudyante sa harap ko. Ganitong ganito din yung eksena noon. Tulad noon, May sumunod na isa pang estudyante at marahas itong kinuwelyohan. I was expecting for a red headed kid. Kaso hindi, Mas maangas ang red headed kid na nakilala ko noon.

Tahimik na pinanood ko ang mga sumunod na eksena.

"Ano lalaban ka pa ha?!" Singhal ni Totoy sa kapwa niyang Totoy habang hawak ito sa kwelyo.

Dumura lang yung batang kinuwelyohan niya. At nagsmirk pa. Luminga ako sa paligid, Nakatingin sakanila ang mga estudyante. Pero walang umaawat sa dalawa. Hinanap ng mga mata ko yung guard at nang masita tong mga to.

"Loko ka a!" Akmang susuntukin niya ulet ito. Aba, Kelangan ko ng awatin tong mga batang ito.

Papalapit pa lang ako ng may biglang sumigaw.

"You two!" Napahinto ang dalawa ng marinig ang boses. Napalingon na rin ako sa nagsalita. A lady in her Mid 20's, Kaedad ko ata to. And wait, She's beautiful. Wiwit! Hehe.

"In my office! Now!" She said with full of authority, Is she the Guidance Counselor? Wow, Kung ganito kaganda yung GC nung panahon namin baka araw araw akong tatambay doon. Hehe!

Napakamot sa ulo ang dalawa at sumunod lang sa mga guard na kasunod ng Guidance Counselor.

Huminto ang GC at nagangat ng mukha para tingnan ako, Napansin ata nito na hindi ako staff, guard o guro ng school dahil sa suot ko.

Magkadikit ang mga kilay na tiningnan niya ako. When I met her gaze, Tiningnan ko ang mukha niya, Mas maganda siya sa malapitan. Bat parang pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala. Mukha naman siyang namangha for a second pero naglaho din bago ko paman mapansin.

"Who are you?" She said, Oh. Fiesty.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Im Luigi Alacaraz, The Air Chief Marshal of the Airforce. I was invited for the Career Orientation." Sunod sunod na sagot ko. Oo inimbita ako ng Academy na to since dito ako naggraduate. Who would've thought na magiging modelo akong mamayan sa kapwa ko.

Halos malaglag na ang panga niya. Did I said something wrong?

Tumikhim ulet ako dahil parang natulala na siya. Hindi ito ang unang pagkakataon, Pero minsan pakiramdam ko. Sobrang gwapo ko na. Hahaha!

"A-Ahm. Sorry." Nauutal na sabi niya. Para naman siyang napahiya na yumuko.

"And you are?" Ganting tanong ko.

Lumungkot ang mukha niya at huminga ng malalim. "Si Fate to. Nakalimutan mo na ko, Grabe ka!" Pinalo niya ko sa braso.

This time, Ako naman ang muntik malaglagan ng panga.

"Ikaw na yan?!" She smiled at me as an answer. "Ang ganda mo na ah!" Sabi ko na manghang mangha. Totoo talaga na, Time changes people.

"Maganda naman ako eh dati pa kaya." Sabi niya tsaka nagpameywang pa. Namiss ko si Fate kahit na parati niya akong chinachansingan noon.

"Sabi ko nga." And hugged her. Woah! Nagulat din ako sa ginawa ko. Bigla akong humiwalay at napakamot sa ulo ko. Namula naman siya.

"S-sorry. Namiss kase kita." I said.

"O-okay lang. Namiss din kita, Sobrang gwapo mo na ha." At pareho kaming natawa.

Sinamahan ako ni Fate hanggang sa matapos yung Orientation. Napagkamalan pang kami ng mga guro dun, Yung iba pa na nakakakilala sakin, Tuwang tuwa ng makita ako. Nilibot niya rin ako sa school. Madami na ngang nagbago sa paaralan na to. Pumasok kami sa Museyo na Academy. Huminto kami sa mga nakaframe na pictures ng mga alumni sa school, Eto rin ang maganda sa paaralan nato, Pinahahalagahan nila yung mga estudyante dito at yung mga naging bahagi nito.

The Thug Story (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon