Chapter 5: Friends/Banta

0 0 0
                                    

Chapter 5: Friends/Banta

~♡~
Sorry guys dito sa chapter na to medyo maikli lang siya kasi busy lang talaga sa school lalo na sa research paper kasi lalaban kami sa Division

Sana magustuhan niyo tong UD ko love you all

~♡~
Chapter 5: Friends/Banta

Kc's Point of View

Hindi ko ineexpect na nandito ngayon si kuya pogi pero jerk ano naman ang ginagawa niya dito?

"Hoy kuya Jerk anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya na medyo pinagtaasan siya ng boses nakakagulat kasi yung ginawa niya kanina eh

"Bakit sayo ba tong paaralan na to?" Aba hindi niya ata ako kilala

"Well kung hindi mo naman naitatanong lolo ko ang may-ari ng school na pinapasukan mo ngayon!" Pagtataray ko sa kanya kala niya ha hindi niya ako kilala kaya nga Royal Kingdom Academy ang school na to kasi ang apelyido ng lola ko ng dalaga pa ay Principe tas ang lolo ko naman ay King kaya yun ang pinangalan niya sa school na to

"Edi shing!" Sabi niya. Aba matinde! napakabastos naman nitong lalaking to may paedi shing edi shing pa siyang nalalaman ha bahala siya

Lalabas na sana ako ng pinto kasi nakakabanas lang kapag kasama ko siya pero may sinabi siya

"About what happened last time I'm so sorry I didn't mean it okay" Totoo ba itong naririnig ko? Mabait naman pala siya kahit papaano "Ano nga palang pangalan mo?" Dagdag niya pang tanong

"A-ah a-ako nga p-ala..." hay ba't ba ako nabubulol nakakahiya kasi nakatigtig kasi siya sakin ngayon "Ako si Kendall Ciara King you can call me Kc" Hay buti natuwid ko dila ko medyo kinabahan ako dun ah

"Nice to meet you Kc I'm Jiel Marou Santos" :) ngiti niyang sabi nakakatunaw naman tong isang to nekekekeleg nemen hihihi

"A-ah N-nice to meet you also Jm"

"Wow kakakilala palang natin may endearments na agad ako sayo?" Nakasmirk niyang sabi naku kapal ng mukha pero... what? Jm erase erase I'll call him Marou kainis maaalala ko lang si Daniel kung Jm itatawag ko sa kanya

"So were friends now?" Tanong niya sakin. Agad agad? Walang bukas? Kaibigan agad ni hindi pa nga namin alam ang ugali sa isa't isa eh

"Wait agad agad kaibigan agad?" Napakamot naman siya sa batok niya "Ay ayaw mo ba?" Hahaha pero hindi naman sa ayaw ko siyang maging kaibigan sadyang hindi ko pala lang talaga siya kilala ng lubusan ni hindi pa nga siya kilala nila Sharmaine eh. Pero wala namang masama kung maging friends kami diba wala namang mawawala eh so 'umoo' nalang ako sa alok niya at inabot niya naman ang kamay niya at nakipag shake hands sakin

'Kc! Kanina ka namin hinahanap nandito kalang pal......a' sigaw ni Sharmaine pero halatang nagulat ng makita ang kamay naming nakahawak sa isa't isa bigla namang may pumasok si Mary at gulat na gulat din sa nakita niya

"So whats the meaning of this?" Medyo natatawa niyang sabi sabay bitaw naman namin ng kamay ni Marou 'tsk'

Umupo na kami sa upuan na namin bale ako ay nasa may dulo katabi ko si Sharmaine sa kanan si Marou naman tumabi sa aking kaliwa at si Mary gusto at mas pefered niya daw sa unahan kaya dun siya haha

Pumasok na ang first teacher namin si Sir Deveza Physics teacher namin mabait naman yan si close kami niyan haha share lang

"Good morning guys!" Bati samin ni sir with matching ngiti

"Good morning Mr. Deveza"
Bati ng lahat sa kanya syempre pati ako kasama dun haha

"Listen Grade 10-Newton unfortunately I'm gonna be your Adviser this school year because Mrs. Lopez was assigned to other section" Nagsitanguan naman ang lahat "Okay bago ang lahat sino dito ang transferee?" Tanong ni sir nagtaas naman ng kamay itong nasa kaliwa ko ay oo nga pala si Marou nga pala katabi ko haha may nagtaas din naman na iba paki ko naman sa kanila haha

"So can you introduce your self in front of the class?" Saad ni sir kaya nagsipuntahan sila sa harapan at nagpakilala isa isa

'Hi my name is John Paul Nathaniel Tolentino you can call me JP' ngiti niyang sabi samin so nagpalakpakan naman kami haha

'Hello I'm Zigmund Joaquin Oblea'

'Hello also my name is Ashley Sheddan'

'Hi I'm Jiel Marou Santos'
Plain na sabi niya sa unahan

'Do you have a friend now here in our school?' Tanong ni Jade s kay Marou

"Yeah!" Sagot niya ulit na plain nako masyado naman tong painosente

'Sino?' Tanong ulit ni Jade na parang nagagalit 'sus' gusto lang niyang iflirt si Marou kaya yan ganyan oo Flirt yang si Jade haha joke sabi kasi din nila yun haha but Hindi ako mean girl ha nakakatamad namang makinig kaya tumingin nalang ako sa bintana kasi nakipagpalit muna ako Sharmaine ng upo para makalanghap ng sariling hangin

~¤~

Marou's Point of View

Pagkatapos kong magpakilala babalik na sana ako sa aking upuan kaso biglang may nagtanong saakin

'Do you have a friend now here in our school' tanong nung babaeng hindi ko naman kilala kaya sumagot nalang ako ng 'Yeah'

Nang mapatingin ako kay Kc bigla siyang tumayo at lumipat sa upuan nung Sharmaine ata hindi ko pa kasi sila kilala haha nakatingin na siya sa labas at nagpofocus at medyo nagsmirk ng magtanongbulit yung babaeng nagtanong sakin kanina

'Sino?' Bakit ba ang kulit ng babaeng to pakielam pati niya kung sino binabanas ako dito kainis

"A-ah si Kc siya ang bago kong kaibigan dito sa RK Academy" sabay ngiti ko sa kanila at umupo na kakabanas kala mo mga reporter kung makapagtanong

-----

Kc's POV

Nakatingin lang ako sa labas at nagmumuni muni lang wala naman kasi akong pakielam sa pag-uusapan nila

Napatingin ako harapan ng tabigin ako ni Sharmaine

"Hindi mo naman sinabi na ikaw pala ang bahong kaibigan ni Jm?"

"Can stop calling him Jm!" Inis na bulong kong sabi sa kaniya "Okay chill Kc, hindi mo naman kasi agad sinabi na kaibigan mo na pala ang isang bagong hearthrob dito sa school" bulong niya din sakin pero What? Sino? Si Marou ba ang sinasabi niyang hearthrob? Di ako makapaniwala

Hindi ko nalang pinansin si Sharmaine nagpatuloy nalang ako sa pakikinig kay sir nang mahagip ng mata ko ang matang nanlilisik na si Jade hindi ko nalang siya pinansin ng bumulong siya sakin

"Humanda ka sakin Kc!" Are she rediculios? Ang oa niya wala naman akong ginagawang masama sa kanya duh!

~¤~
A/N: Sorry talaga guys kung short UD lang to sana nagustuhan niyo love you all

Godbless! Mwauh ^3^



Ms. King Meets Her KingWhere stories live. Discover now