Ikaw At Ako, Walang Bang Tayo?

4 0 0
                                    

Iniisip mo rin ba ako sa pagtulog mo?

Gaya ko, Nawiwindang sa pag-isip na sana ikaw nga sa akin at ako nga ay sayo?

Hindi mo ba talaga napapansin?
Ang tila pag-iba ng ihip nitong hangin.

Ang dating musmos ko pang damdamin...

Ngayon nga'y nagnanais na sumibol at malayang sambitin...

Maramot nga ba ang tadhana
at tayo'y nanatili sa isang bahala...

Bakit tila ang tibok mo'y di tumutugma?

Puro siya at ako ay isang tuldok sa gitna?

Kaibigan kung ako'y iyong ituring,
Nilagyan mo na yata ng harang at damdamin ko'y ayaw ng papasukin...

Kung ang nagawa ko ay pagkakasala ng mahalin kang bigla,

Wala na akong magagawa dahil puso ko na ang nagdikta na sayo lang siya sisigla.

Ngunit ngayon, Siya na nga ba talaga ang sayo?

At hindi ba talaga pwedeng ako?

Ako na matagal ng nandito...

Ako na dati pang iyong-iyo...

Ako na matagal ng tumatakbo
makalapit lang sa isang tawag mo...

Kalimutan ang damdamin ay para paglimot na rin na maging masaya...

Bakit hindi mo man lang ako hayaan pang umasa?

Na ang araw muling sisikat, Mugto kong mata'y magmumulat at sa parang ay mangangarap...

Bakit ikinubli mo ako sa pait, Dinurog mo ang puso ko ng paulit-ulit at pinili mong wag na muling lumapit, Binalewala ang ang pinagsamahan at sa kanya ay kumapit....

Ngayon sa aking paglayo,
'Di ko pa alam kung paano tumayo...

Kung sakaling gumapang unti-unti,
Nasasaktan man at humihikbi...

Nakikiusap akong 'wag ka ng tumigil pa't ako'y muling akayin...

Hayaan na natin itong agos ang siyang tumulong sa akin...

Pagkat ang pisi ay sadyang marupok talaga...

Baka muli sayo ay mahulog pa...

c:edhang 🤗

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Hindi Madinig Na AwitWhere stories live. Discover now