Ang Kwento

13 0 0
                                    



May isang babaeng nagngangalang Zhyxie Xandy Dela Cruz Jacob, Zhyx for short.Lumaki siya sa Canada ngunit nang siya ay makatapos sa middle school ay bumalik na siya sa Pinas upang doon tapusin ang kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng pagpasok bilang grade 11 kasama ang kanyang pinsan.

Si Zhyx ay nakatira sa kanyang condo na kanyang binili isang buwan na ang nakakalipas. Kakalipat niya lang doon mula Canada kahapon kasama ang kanyang pinsan na si Jhyzelle Maine Dela Cruz Buencamino. Doon ay makikita siyang nakadapa at nakaharap sa kanyang laptop, tinitignan ang mga kaganapan sa kanyang newsfeed sa facebook nang makita ang isang post sa secret files ng kanyang papasukang eskwelahan.

Ito ay tungkol saisang lalaking varsity player na MVP player ng larong volleyball na galing ring Canada.Hindi niya alam kung bakit pero gusto niyang makilala ang taong iyon dahil na rin sigurong galing Canada ito.Nakita niya sa isang komento ang pangalan ng tinutukoy na tao na ang pangalan ay Joaquin Jhonathan Domingez Jimenez at agad niya itong in-add. Inaccept rin naman agad ng lalaking ito si Zhyx.Binaliwala nalang ni Zhyx ang notif at natulog nalang.

Dumating ang unang araw ng pasukan nila Zhyx. Alas sais na ng umaga at tunog na nang tunog ang alarm clock ni Zhyx ngunit hindi parin siya bumabanggon para sa klase niya. Makalipas ang mahigit sampung minuto na pagtutunog ng kanyang alarm clock ay bumanggon na rin siya at pumunta na sa cr. Masasabi mong di pa siya masyadong gising ang diwa niya dahil naka pikit pa siya at nakatakip sa mukha niya ang maganda at mahaba niyang kulay tsokolateng buhok. At dahil nga nakapikit siya ay di niya nakita ang nakasaradong pintuan ng cr dahilan ng pagkagising ng kanyang diwa. Nagulat siya dun at nagsalita ng kung ano ano dahil sa sakit. Pagkatapos nun ay pumasok na siya sa cr at ginawa ang mga ritwal niya. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis na siya ng kanyang uniporme kung saan ito'y kulay aquamarine na palda na checked na hanggang tuhod at may puting long sleeve na blusa at may necktie na kasing kulay ng kanyang palda at isang pares ng sapatos na kulay aquamarine at medyas na hanggang sa ankle niya. Sinuot niya lahat iyon at lumabas ng kuwarto.Nadatnan niya ang kanyang pinsanna nag-aayos ng hapagkainan para sa kanilang dalawa. Binati nila ang isa't isa at nagtulungan sa pag-aayos ng hapagkainan. Kumain sila pagkatapos nun at hinugasan nila ang mga kubyertos nila at naghanda na sa pagpasok sa kanilang eskwelahan kung saan parehas sila ng papasukan at magkabatch lng sila. Sumakay na sila sa kanilang sasakyan at pinagmaneho ng kanilang drayber. Umidlip muna si Zhyx dahil siya ay antukin habang si Jhyz naman ay nagsoundtrip muna. Nang sila ay makarating na sa kanilang eskwelahan ay sila'y bumaba na at nagpaalam sa kanilang drayber. Huminga ang dalawa ng malalim at humakbang papasok ng eskwelahan. Pumunta muna sila sa mga listahan ng kanilang section at laking tuwa nila nang makitang magkaklase sila at sa section A pa sila. Pumunta na sila sa kanilang klase at nakinig sa kanilang guro.

Natapos ang unang araw nila sa eskwelahan ng alas dos ng hapon. Wala naman silang masyadong ginawa bukod sa pagtayo at pagupo dahil sa pagpapakilala nila bawat assignatura pero pagod ang dalawa. Agad nilang ginawa ang gusto nilang gawin. Si Zhyx ang pagtulog at si Jhyz ay ang pagkain.Matutulog nasana si Zhyx nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na nagbabatid na may mensahe siya. Nagmensahe sa kanya si Joaquin. Medyo nagtaka siya kung bakit siya ichachat ni Joaquin ngunit binalewala niya nlng ang pagtatakang ito. Nireplyan niya ang chat niJoaquin hanggang sa ilang oras na silang nag-uusap at di na nakatulog si Zhyx. Nagulat si Zhyx nang Makita kung anong oras na, alas dyis na ng gabi.

Nagpaalam na si Zhyx dahil may pasok pa sila bukas at itinabi na ang cellphone niya. Tumingin siya sa kisame at nag-isip isip. Kahit ilang oras lang ang paguusap nila ni Joaquin ay marami na siyang nalaman kay Joaquin na galling rin itong Canada at nagsimulang mag-aral nung nakaraang taon bilang Gr. 11 at ngayon ay Gr.12 na siya at asa section A rin, na masayang kausap itong si Joaquin, makwela, pala-kwento, matalino, mabait, na hindi ka maboboring sa kanya dahil sobrang daldal at nang naisip niya ang mga pinag-usapan nila ay natawa siya kaagad. Pagtingin niya sa orasan ay alas onse ng ng gabi.Sa pag-iisip niyang yun ay inabot siya ng isang oras. Nagulat siya at dali daling natulog. Ilang buwan ang lumipas ganun na ang laging nangyayari. Papasok sila sa eskwelahan, magkaklase, uuwi, makikipagchat, at matutulog.

5 12643 (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon