Sa isang madilim na gilid,
Patagong lumalandas ang mga tubig,
Na nangagaling sa taong maraming iniisip,
Ginawa na ang lahat, basta't mapigilan lang ang pagtakas ng mga hikbi.
May narinig na kung ano,
Sa sulok na kinalalagyan niya siya'y napatayo,
Kahit na masakit na sa lalamunan ay kaniya paring nilunok,
Ang mga kadahilanan ng kaniyang pagmumukmok.
Pinunasan ang mga luhang patuloy na lumalandas sa mga pisngi
Ngunit ang lungkot sa mga mata'y hindi napapawi,
Isinuot na naman ang kaniyang maskarang may abot-tengang mga ngiti.
Sapagkat sa likod ng mga ito ay hindi na niya alam ang tama sa hindi,
Pinaglalaban ay nasa tama nga, ngunit napagkakamalang mali.
Kaniyang mga hinanakit at saloobin,
Hindi alam kung paano ilalabas at ang mga dapat na gawin,
Sapagkat sa mga positibong hangarin,
Sa mga simpleng hakbang walang magawa ay balewala rin.
Kahit kailan ay di nya nakalimutan ang nasa itaas natin,
Sapagkat sya ang tunay na nakakapagpagaan ng ating saloobin.
Ngunit kahit na ganoon ay hindi lamang sya umaasa sa ganoon,
Siya ri'y gumagawa ng mga paraan upang magawan na ng aksyon.
Kung nais man natin itong masulusyunan,
Bakit sa mga kaibigan o mga pamilya di manlang natin malapitan?
Oo nga't magandang minsan ay ipinagsasarili na lamang,
Ngunit may mga tao ring hindi na isinasaalang alang ang kanilang nararamdaman,
At sa pakiramdamn nila ay ito'y kabayanihan?
Kahibangan.