A Father's Love (one|shot)

203 2 1
                                    

"'Nak kumain ka muna bago pumunta sa eskwela." Hindi ko sinagot si papa at dumiretso na palabas ng bahay. Ganyan naman parati ang eksena namin kada-umaga.

Nak here Nak there.

"Anak yung I.D mo!" Narinig kong tumakbo si papa palapit sa gate dahil alam niyang nakasakay na ako sa tricycle. Hingal na hingal siyang binigay iyong I.D kong naiwan.

"San Pedro po, manong." Hinarap ko kaagad ang drayber at agad naman nitong pinaandar ang tricycle.

"Ingat! 'Nak!" Narinig kong sigaw niya.

Nilingon ko lang siya at nginitian ng pilit.

Hinding-hindi na ako sasakay sa likod niya gaya ng dati.

Galit ako sakanya simula nung umalis si mama. Hindi niya na kasi ako kayang bilhan ng kung anong gusto ko. Kaya galit na galit ako sakanya.

Pinapaaral niya pa ako sa isang cheap na paaralan. Mas gusto ko sa ADMU! Ayoko sa public. Ayoko sa cheap.

Binigay ko sa drayber ang bayad at agad naglakad ng padabog papasok sa paaralan.

"Oh Lindsay! 'Bat ganyan nanaman ang mukha mo? Dahil ba yan sa tatay mo?" Narinig kong sabi ng isa kong kaklase.

"Wala!" Sigaw ko at agad tumakbo sa classroom at padabog na umupo.

"Bwiset na tatay." Bulong ko.

Kinati ko ang ulo ko at paulit ulit na tinatapakan ang sahig ng malakas.

"Ms. Talonan! Stop stomping your feet or else I'll kick you out!" Hindi na ako nakinig at patuloy na tinatapakan ang sahig. Iniisip ko na yung tatay ko yung sahig.

Maya-maya'y may mga brasong pumulupot sa mga braso ko.

Hinayaan ko nalang sila na hilahin ako palabas.

Ilang oras akong nasa labas ng classroom at nagmumura.

"Sana mamatay na siya! Bwiset! Di man lang ako binilhan ng cake! Bwiset talaga!"

Ilang oras akong ganon at maya-maya'y napag-isipan kong hanapin yung ginuhit kong dress para sa debut ko.

Naglakad ako papunta sa isang dress shop kung saan napakaganda ng mga dress doon.

Nagtaxi ako kasi kinuha ko kanina yung isang libo galing sa bulsa ni tatay. Binayaran ko ang taxi drayber at agad na lumabas ng taxi para makapasok sa loob ng isang boutique.

"Hala ang ganda!" Sabi ko nang may nakita akong napakagandang dress sa boutique. Pumasok ako sa loob at tumingin pa ng iba.

Napa-isip ako bigla.

Bibilhan kaya ako ni tatay?

Siyempre hindi. Ni hindi nga yun nakakabili ng laptop eh! Dress pa kaya? Hmp!

Bumalik ako sa school at nagulat ako bigla dahil may biglang lumapit saakin. Yung kapitbahay namin.

"Lindsay, yung bahay niyo nasusunog! Nasa loob si Mang Albert!" Tila ay tumigil ang mundo dahil sa narinig ko.

Bahay. Nasusunog. Tatay.

Nakita ko na lamang ang sarili kong nasa harap na ng bahay at hingal na hingal habang pinipilit ang mga pulis na papasukin ako.

"Yung Tatay ko! Nasa loob si Tatay!" Sigaw ko paulit-ulit.

"'Tay! Lumabas ka! Itay!" Sigaw ko.

Maya-maya ay tinulak ko ang mga pulis at tuluyan nang nakapasok sa loob.

Maraming apoy ang nagkalat sa loob dahilan kung bakit maraming usok ang nasisinghap ko.

Pagkarating ko sa kusina. Nakita ko si Tatay na nakahiga sa sahig. May hawak na bolpen at papel. May nakita rin akong upuan na nasa likod niya lang.

Tinggal ko ang upuan at niyugyog si Tatay.

"'Tay! Gumising ka! Tay lalabas po tayo rito! Tay gumising ka na please! Lalabas na tayo dito!" Sigaw ko.
Napansin ko ang nakasulat sa papel.

"Mahal kong Lindsay, anak. Pasensya na kung hindi ko mabibili ang mga gusto mo ha? Di bale na. Nag-bake naman ako ng keyk para saatin. Para sa kaarawan mo. Hindi kita mabilhan ng gown na gusto mo. Nawalan kasi ako ng isang lib-"

Tiningnan ko ang oven namin at may nakita akong sunog na cake.

Unti-unting tumulo ang mga luha saaking pisngi. Hindi. Hindi pwede.

"Tay! Gumising ka na please! Sige na para makalabas na tayo! Itay!"

A Father's LoveWhere stories live. Discover now