Bawat isa sa atin may kanya kanyang standards, hinahanap sa usaping pag-ibig. Yung iba ang gusto panlabas na kaanyuan, maganda,seksi, maputi, mmakinis,at lahat ng magandang katangian na sa panlabas na anyo. Minsan hindi na nila naiisip tignan ang katangian, kung ang tao ba na ito ay simple, mabait, masayahin, kontento sa kung ano meron.
Makapangyarihan ang pag-ibig. Minsan nagiging bulag tayo pagdating sa usapan na ito. Yung tipong, alam nating masaya tayo sa tao na yun, pero madami tayong negative na naririnig sa kanya. Pero hindi natin pinapansin yun dahil pinapairal natin ang puso natin.
Oo, puso ang nangingibabaw, minsan nakakalimutan na nating mag-isip, dahil masaya tayo na puro pagmamahal ginagawa natin. Kasi pag naramdaman na natin ung saya sa tao na yun,walang katumbas na hindi natin maramdaman sa iba. Yung magkita lang kayo, magkatinginan lang eh parang alam niyo na ibig sabihin ng pagtitinginan nyo at sabay pa kayo tatawa at magtatanung na "Anu yun? O Bakit?", Sabay sagot ng wala, pero nakangiti lang kayo kasi sa nararamdaman mong ibang kasayahan pag magkasama kayo.
Hindi maiiwasan sa relation ang tampuhan,away. Oo, walang perpektong relation. Minsan umaabot pa sa hiwalayan, kasi minsanpaulit-ulit na lang na nangyayari pero ginagawa pa din. Minsan dahil na din sa "pride at ego". Tao lang tayo, may limitasyon din kaya minsan ang pride at ego umiiral kapag nagkakaroon na ng tampuhan. Yung magpapakiramdaman kung sino unang susuyo, ung unang makikipagbati, o di kaya ung unang gagawa ng move para maibalik sa dati kung ano man ung dating meron kayong pagmamahalan at relation.
Ganyan ang pag-ibig, hindi niyo matiis ang galit nyo sa puso kung may away o tampuhan dahil pagmamahal pa rin ang pinapairal kahit may pride tayo na isinasantabi.
Pero may limitasyon din ang lahat. Kapag paulit ulit ka na lang nasasaktan at nagpapatawad ka, masakit din pala. Aabot na din pala sa punto na manlalamig ka na, dahil nagiging manhid din pala tayo pag lagi na lang nasasaktan at nagpapatawad.
Minsan nirerecal mo na lang ang lahat ng masasayang mga alaala niyo. Yung tipong wala kayong ginawa sa pagkikita nyo kundi nakatambay lang kayo sa mall na nakaupo na magkatabi lang habang hawak kamay ng bawat isa. Ung nararamdaman nyo ung yakap ng bawat isa dahil nakakaramdam ka na safe ka sa kanya, na ayaw nyo ng maghiwalay. Yung mga panahon na walang katapusan pagtetext at pagtatawagan.
Yung kahit paulit ulit lang mga pinag-uusapan nyo ok lang. Yung mga panahon na nagkakatampuhan kayo pero may gustong bumitaw, pero hindi papayag ung isa dahil gusto nyang ilaban relation nyo. Yung hindi nya hahayaang magkahiwalay kayo dahil isinasantabi ang pride at pinapairal ang pagmamahalan nyo. Hay, pag-ibig.
Pero may hangganan ang lahat. May pag-iibigan na hanggang sa dulo walang bumibitaw. Meron naman na yung isa pilit kumakapit pa sa relation, pero yung isa nakabitaw na. Ang hirap ng gusto mong kumapit pa pero wala ka ng kakapitan, kaya wala ka ng gagawin kundi bumitaw na din. Mahirap ng pagsisikan pa sarili mo sa bumitaw na. Binitawan ka dahil huwad pala ang pag-ibig nya sayo.
Oo huwad, hindi totoo. Yung sabihan ka na pinagtyagaan ka lang, yung sabihing bale wala lahat ung realtion nyo na yun. Masakit. Napakasakit na katotohanan. Pero mas maigi ng malaman ang katotohanan, kaysa kayo nga pero sa kasinungalingan lang pinapakita sayo.
Sabi nila, kapag mahal ka babalikan ka? Dati naniniwala ako dyan, pero ngayon hindi na. Kasi kung mahal ka talaga bakit sya bibitaw, bakit ka iiwanan, bakit nagpanggap na mahal ka pero hindi pala. Hay, sa sobrang makapangyarihanng pag-ibig, madaming nasasaktan. Sabi nga, pinaasa ka, pinadanas lang sayo paano magmahal ng iba.
Pero sabi ko nga kanina may pag-ibig na walang bumibitaw. Dahil kahit madaming hadlang, pinagtatagumpayan nila yun. Sabi nga, love conquers all, kaya ung iba may forever.
Salamat pag-ibig, dahil sayo ginising mo ako sa katotohanan na hindi dapat puso ang ginagamit. Salamat at sa pagiging manhid ko, namulat na lang ako na wala na yung helmet ko ng pag-ibig. Yung binigyan ako ng aral na hindi masamang umibig, pero magtira ka naman para sa sarili mo. Kasi kapag andyan na ung pagmamahal sa iba, lahat binibigay mo,nakakalimutan mo na sarili mo. Ganyan pala ang pag-ibig, makapangyarihan. Kaya wag kang magpapabulag sa dinidikta ng puso natin, minsan gamitin din isip natin.