Counting Stars
(based on Taeyeon's Starlight)
My life is full of darkness, storms, tears...until she came.
"Dean, nareview ko na 'yung new composition mo."
Dali-dali akong tumayo para pakinggan kung ano man ang comment sa 'Composition No.27' ng boss ko. You read it right. Pang-number 27 ko na nga 'yung composition na pinasa ko sa kanya kahapon.
"Maganda s'ya." Tumango-tango s'ya. Tatalon na sana ako sa tuwa nang bigla s'yang magsalita ulit. "Pero..."
Nawala 'yung namumuong ngiti sa labi ko. Dali-dali itong napalitan ng kunot sa aking noo. "Po? Ano pong problema?"
"Just like your other compositions, it lacks emotions. It has this coldness in the lyrics. You should try again."
Coldness? Ano bang problema sa mga compositions ko? "Sabihin n'yo na lang po kasi kung ayaw n'yo lang talaga gamitin 'yung mga kanta ko para sa albums ng artists n'yo. Hindi po ba talaga papasa 'to kahit sa OST lang ng isang drama n'yo?"
Tinapik n'ya ako sa balikat. "Dean, have you ever been in love?"
In love? Ano namang koneksyon no'n sa pagcocompose ko ng kanta? I just looked down.
Tumawa s'ya bigla. Anong nakakatawa do'n kung 24 years old na ako yet, hindi pa ako naiinlove? Dapat ba kasama sa resume ko nung nag-apply ako sa SM Entertainment na nagka-girlfriend na ako just to get the position of being one of their company's composers?
"Bumalik ka na lang ulit kapag 'oo' na ang sagot mo sa tanong ko." Lumabas na s'ya ng kwartong iyon pagkatapos n'yang sabihin ang mga salitang 'yon.
Seriously? Kailangan ko ba munang magkaroon ng girlfriend bago nila tanggapin 'yung mga kinocompose kong kanta? This is absurd. Kung may tinitinda lang sanang gano'n sa 7/11, sana matagal na 'kong bumili. And besides, hindi ko alam kung makakabalik pa ko.
Sabihin n'yo nga kasi. Ano ba kasing connect ng pagiging in-love sa pagcocompose ng kanta? Okay, I get it. Inspiration. Just like how authors write stories based on their experiences. Kaso, paano naman akong kukuha ng inspirasyon sa love na 'yan? Kung ako mismo sa sarili ko, hindi naman ako naniniwala sa lecheng pag-ibig na 'yan.
Syempre, paano akong maniniwala? Nasaksihan ko kung paanong maghiwalay ang Mama at Papa ko at a very young age. Hiniwalayan niPapa si Mama dahil may sakit s'ya sa puso. Ayaw daw n'ya ng resposibilidad.My Mama died because of that. Ang masakit pa do'n, iniwan lang ako ng Papa ko sa kamag-anak namin na wala din namang pakialam sa akin. Just recently, I was forced to attend my Papa's third wedding. Sabihin n'yo nga sa akin kung paano ako maniniwala dun sa bullsh*t na salitang 'yon.
At isa pa, paano namang ang isang taong bilang na ang araw sa mundo ay iisipin pang ma-inlove?
"You only have a month to live."
'Yan ang mga salitang nagpaguho sa mundo ko isang linggo na ang nakakaraan. Sa dami ba naman kasi ng magiging remembrance sa akin ng parents ko, isang chronic heart disease pa. Ang saya 'di ba? Life had been so cruel to me. Falling in love has always been a luxury to me. A luxury I could never afford.
Ang tanging naging karamay ko lang sa mga panahong 'yun, musika. I found peace with the notes..melodies. Buti na lang, namana ko kay Mama 'yung magandang boses n'ya. The only happy memory that I could remember with her was when she used to lull me to sleep.
"Argh..ayoko na!" Napakamot ako ng marahas sa ulo ko at dali-daling itinapon sa malapit na basurahan 'yung sinusulat ko. "Wala akong maisip." Binigyan ako ng boss ko ng one-week break. Binigyan pa n'ya ako ng plane ticket papunta sa isang beach. Hanapin ko daw muna ang sarili ko. Sus. Ang sabihin mo, pinaghahanap n'ya lang ako ng girlfriend. Ano pang sense nun? Mawawala din naman ako after a few weeks. Bakit ba kasi hindi na lang n'ya aminin na ayaw n'ya talaga sa compositions ko? Alam ko namang naawa lang s'ya sa akin kaya n'ya ako hinire.