1.PAGPAPAALAM
Sa buwan ng Hunyo ay nagpasya si Don Filippo Armia na pag-aralin ang kanyang anak na si Philimon sa Espanya upang mas tumaas pa ang kanyang kaalaman at ito rin ang hangad ng kanyang asawang yumao na noong bata pa si Philimon. Ng gabing iyon ay nagtipon-tipon ang pamilya ni Don Filippo upang ipagpaalam si Philimon.
"Ang gabing ito ay ang huling araw na makakasama natin si Philimon na kumain" ang tugon ni Don Filippo.
Maraming nagtakasa kanyang sinabi sapagkat wala pa silang kaalam-alam sa pag-alis ni Philimon.
"Ako'y nalulungkot na sabihing aalis na ako sa bayang aking minamahal at tutungo sa bayan ng Espanya upang mag-aral".
Bakit kailangan mo pang umalis kung mahal mo ang iyong baya? "tanung ng bunsong kapatid ni Philimon".
"Para sa ikabubuti at pag-unlad kaya siya mag-aaral sa espanya, hayaan niyo't kapag nakapagtapos siya ay isusunod ko naman kayo sa abot ng aking makakaya". Ang naisagot ng kanilang ama.
Ng gabing iyon ay handa nang umalis si Philimon.
2. MATINDING PAG-IISIP
Sa pag-alis ni Philimon ay nagmukmuk at nalaungkot sila lalo na ang bunsong kapatid ni Philimon sa kadahilanang hindi niya lubos maunawaan ang pag-alis ng kanyang mahal na kapatid.
"Hindi niya ba tayo babalikan?ayaw niya na ba tayong makapiling? at may silbi pa rin ba tayo sa kanya?" ang tanung ng bunso sa kanyang ama na kumakaway kay Philimon paalis.
"Hindi naman sa ganun aking mahal na bunsong Aris, mahal ka ng iyong kapatid at hindi ka niya kailanman makakalimutan. Kailangan niya lamang mag-aral sa espanya upang mas matutu pa siya, ng sa ganun ay may maibahagi siya sa atin na mas mataas na kaalaman kaysa sa mga naituturo dito sa Pilinas" ang naisagot na lamang ng ama.
" Ang nais niyo po bang sabihin ay mashadong mababa ang Pilipinas kumpara sa ibang bayan? Hindi niyo po ba mahal ang iyong kinalakihan ama?"
"Aris, hindi naman sa minamaliit ko ang ating bansa. Ngunit sa lugar na iyon ay mas maraming matututunan ang kapatid mo na hindi natin napapag-aralan dito. May misyon din siya na dapat iyang tapusin kaya siya napadpad sa bansang espanya"
pagpasensiyahan niyo po ako ama, sa aking nasabi " tugon ng bunsong anak na si Aris"
Hindi bale, ang mahalaga ay maipaunawa ko saiyo kung bakit siya umalis. Matulog ka na at maghahating gabi na. "sabi ni Don Filippo"
Naipaliwanag ni Don Filippo sa bunsong anak na si Aris ang mga nagaganap kaya naman nagtapos sila sa mapayapang pag-uusap at sabay na natulog at nagpahinga.
3. SI PHILIMON SA ESPANYA
Madaling araw na noong nakarating si Philimon sa espanya kya wala pang mashadong tao sa kanyang paligid sa mga oras na iyon.
"May bagong buhay, bagong pamamalakad at bagong bayan" ang sinabi ni Philimon sa kanyang isipan habang nakasakay sa kotseng papunta sa kanyang titirhan na otel.
Sinabi niya rin na " Ang araw na ito ay ang unang beses na ako'y makakatapak sa bayang espanya". Bumabalik sa kanyang isipan ang pagsakop ng mga taga Espanya sa Pilipinas.
Ang mga paghihirap at pagdudusa ng mga Pilipino sa kamay ng mga espanya. Sa gayong pag-iisip ay hindi pa siya handa sa ano mang makakaharap niya, may takot at kaba pa rin siyang naramdaman sa kanyang paglapag sa bagong bayan. Bago pa man din siya umalis sa bayang Pilipinas ay inalam na niya ang mga batas ng Espanya nang sa ganoon ay makaiwas siya sa gulo. Ngunit may mga batas sila na hindi niya lubos naunawaan at nagustuhan gaya na lamang ng pagpapakulong sa mga Pari at miyembro ng Simbahan o sinu man na nananampalataya sa Diyos. Bawal ang tumuligsa sa Pamahalaan kahit ano pa ang gawin nilang pamamalakad. Ang dalawang batas na ito ang binigyang importansya ni Philimon habang siya ay nag-aaral ng kursong abogado.