Elementary Days

2.1K 62 13
                                    

A/N: Hi🙋 short story lang po ito siguro mga 5 chapters lang... Don't forget to vote at comments din po! Lovelots from author❤❤

--

Sobrang saya ko ngayon hindi lang dahil birthday ko, kundi dahil may bagong cellphone din na binili si mama saakin.. Ito ang pinaka-una kong cellphone na nahawakan. Maganda siya, malaki at higit sa lahat ang pinaka bagong style ngayon, touchscreen!

Grade 2 palang ako, masyado pa daw akong bata para sa mamahaling cellphone kaya cherry mobile lang itong akin.. Tsaka di pa nga dapat ako bibilhan ng phone eh.. Kaso sabi ni Dad, kahit ano daw bibilhin niya ngayon kasi nga,birthday ko. Kaya cellphone hiniling ko.

Naiingit kasi ako sa mga classmates ko na may mga cellphone, karamihan sakanila may cellphone ako nga lang ata wala eh.. Kaya kapag tuwing recess, ayun bored ako lagi.. But not anymore!

Pwede na rin akong may maka-text kasi may sim card na rin itong phone ko.. Pero sabi ni mama, wag ko daw ipamimigay ang number ko... Para daw di ako o kami maloko.. Kasi sa panahon ngayon, marami ng prank.. Katulad ng, kunyari tita mo siya tapos nasa malayo siya tapos pa-load blah blah blah!

Kaya sinunud ko naman.. Nag download na din ako ng maraming games para di ako ma bored at nakakasawa kapag iisang game lang ang nilalaro mo..

Tuwing walang pasok, tinuturuan ako ni Dad at Mom kung paano gumamit ng bago kong phone..

Mabilis lang akong matuto kaya marunong na akong gumamit ng cellphone.. Cellphone lang ako ng cellphone buong maghapon...

Minsan nga nakakalimutan ko nang gumawa ng mga takdang aralin ko.. Eh mula kinder may karangalan ako...
Bumabagsak na rin ako sa tests namin..

Kaya pagdating ng recognition day, hindi ako nakaakyat sa entablado para sabitan nang medalya na inaasam asam ng mga magulang ko.

Ayun, nagalit sila saakin kaya kinuha ni mama ang cellphone ko at pinalitan ng maliit, luma, pasira na at ang pinaka baduy na style.. Ang de-pindot.

"Hindi namin yun ibabalik sayo hanggat di ka parin nagbabago!"

Sigaw ni dad nung bagsak ako sa periodic test ko ngayong grade 3.. First periodic test palang naman yun eh! Masyado silang excited?!

Kaya no choice ako, para di ako ma-boring, hiningi ko ang mga number ng mga kaklase ko at naging ka text mate ko sila...

Kahit papaano, di na ko masyadong boring at nakakapag-focus na din ako sa studies ko.. Pero wala padin ako sa top. Ok lang atleast di na galit si mama at dad saakin.

Hanggang sa naging grade four ako. Nabawi ko na ang cellphone ko dahil nakaakyat ako sa entablado noong grade 3 para bigyan ng karangalan.

At isang araw, habang gumagawa ako ng takda sa garden namin, biglang umilaw yung cellphone ko. Tiningnan ko yun at may nagtext saakin. Nagtaka ako kung sino yun kasi, nagbago na ako ng number hindi na yung dati na pinamigay ko..

From:09123456789.

Hi! Kita tayo mamaya sa 7twelve!
Btw, si Mike to! Ito new number ko!
Mamaya ah? Hintayin kita mamaya pag dika dumating lagot ka saakin Marc. Joke.

A wrong sent messageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon