Highschool Memories

1.1K 45 10
                                    


Gaya ng sabi ko, highschool na ako. Nagbago na ako, gumanda ako lalo. I became stronger than before.

Dito parin ako nag highschool sa Qwerty University. Kaya kaklase ko padin si Jessa. Section A ako. Ang pinaka magalang, mabait, masunurin at mayayaman na studyante lamang ang nandito.

Bakit? Hindi ko din alam eh, try nyo ngang tanungin si Author kung bakit?

At dahil nga sa nagbago ako, nagbago na din saakin si Jessa, minsan nalang niya akong pinapansin dahil bukod sa di kami magkatabi, may bago na rin kaming kaibigan.

Di kalaunan ay naging sikat ako sa Campus namin. Kilala bilang matalino, maganda, at mayaman. Nagbago na rin ako ng cellphone ah?!

Hindi na yung cellphone kung saan ko siya nakilala. Yung cellphone na naging dahilan sa pagkawala ko sa top noong grade 3.

Duh?! I don't care anymorePilit ko yang pinaulit-ulit na sabihin sa utak ko pero, I still care! Umaasa parin akong makikilala ko siya. Na magiging kaibigan ko siya..

Ang gaga ko kasi! Bakit ba ako pumayag sa dare na yun?! Edi sana magkakilala na kami ngayon?! Sana alam ko na ang tunay na pangalan niya?!

"Hey! Sabay muna tayo sa recess?"

Tanong ni Jessa saakin, ngunit ngiti lamang ang sinukli ko at kumain na kami noon pagkatapos ay bumalik na ako sa classroom.

At pagpasok na pagpasok palang ng prof. Namin ay bigla niya nalang in-announce na magkakaroon kami ng sitting arrangement. Ang pinaka ayaw ko sa lahat!

"Ms. Lacson, tabi ka kay Ms. Flores."

Swerte ako nang malaman kong babae pala ang makakatabi ko. Sana naman magkakasundo kami nito. Mukha naman siyang mabait. Maganda, mukha ring mayaman.

"Hi! I'm Kristina Isabel Lacson. And you are?"

Friendly niyang tanong sabay bigay ng kamay niya saakin tanda na gusto niyang makipag-shake hands.

"Jennilyn Flores."

Sagot ko nang nakangiti at inabot ko ang kamay niya. Nang maupo na siya sa tabi ko ay nagsimula na siyang kausapin ako.

"Matagal ka na ba dito?"
Tango............
"Maganda ka rin pala ano?"
Tango............
"We should be friends?"

Napatingin ako sakanya at um-oo.. Gusto ko na rin kasing magkaroon ng bagong friend at alam ko namang mabait siya.

Simula noon ay magkasabay na lagi kami kumain ng lunch. Napag-alaman ko din na magkaibigan din pala sila ni Jessa.

Kahit papaano, nawawala na din sa Isip ko si Mike. Tsaka sigurado akong burado na din ako sa isip at ala-ala niya.

Hindi ko na din iniisip ang bago niyang number at dinilete ko na siya sa contacts ko para tuluyan ko na din siyang makalimutan.

Si Jessa? Ayun, di parin nakaka-move on kay Mike. Mike parin ng mike kaya napag-desisiyonan ko na bawat banggit ng pangalan ni Mike, bawat bagay na pinagsasabi niya tungkol kay mike, may bayad na isang libo.

A wrong sent messageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon