Beyond Universe

4 0 0
                                    

Heto ako ngayon, ayos na ayos. Gayak na gayak. Madilim na rin ngunit pinaliliwanag naman ng mga bituin ang kalangitan. Tamang-tama para sa isang romantikong araw.

Marami-rami pa naman ang mga tao rito sa parke. May mga pamilyang masayang nagsasama; magsing-irog na naglalakad at pinaiinit ang malamig na lugar; mga batang masayang naghahabulan; mga taong nagmamadali na tila ba hinahabol ang kanilang oras; at mga taong naghahalakhakan.

Masaya -- yan lang naman ang salitang makapaglalarawan sa mga nakikita ko. Kung gaano kasaya ang parke, pakiramdam ko wala nang mas sasaya pa sa akin sa oras na ito.

"Teka, anong oras na ba?" bulong ko sa sarili ko habang sinisilip ko ang aking relo.

"Am I late?" sambit ng isang taong bigla na lamang sumulpot habang ako ay nakayuko't nakatingin sa gumagalaw na kamay ng aking relo.

Napatingala ako. Natulala ako bigla. Pakiramdam ko tumigil yung orasan  sa kamay ko.

"Yes" tugon ko buhat sa aking pagkakabigla.

Nakita ko ang pagbabago ng emosyong nakaguhit sa kanyang mukha. Tila ba nais niyang humingi ng tawad.

"I mean -- no. Just in time" ang pagbabawi ko kahit na sadyang huli naman talaga siya ng dating.

Pero hindi na mahalaga yun. Ang mahalaga nasa harap ko na siya, hawak hawak ko na ang kanyang malambot na palad. Handa na akong patangay sa awit ng aking nararamdaman.

"Shall we go then?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos-haplos ko ang kanyang palad at papatayo pa lamang ako mula sa aking mala-milenyong pagkakaupo.

"What do you think?"

Hinila niya ako papatayo. Ngayo'y nakangiti siya maging ang kanyang mga mata.

Habang naglalakad kami, napadaan kami sa dakong walang ilaw.

"Ang dilim no?" sabi ko sa kanya habang mas hinihigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay.

"Yeah. It's so dark. Sabi ko naman sayo eh. Sana doon na lang tayo sa kabila dumaan." nag-iba ang kanyang boses nang sabihin niya ito.

"You'll see nothing but pitch black later" bulong ko sa sarili ko.

"Come again?" sabi niya habang inililipat niya sa kanyang balikat ang kanyang bag na kani-kanina'y nakasukbit sa kanyang kanang kamay.

"Ito oh. Pitch black." sabi ko sabay lagay ng aking mga kamay sa mga mata niya.

"Don't worry this is nothing" dagdag ko pa.

Hindi naman na siya pumalag pa. Para saan pa't nakatakip na ang aking mga palad sa kanyang mga mata. Wala na talaga siyang maaninag pa.

"Alright be careful. Step forward love, no peeking" bulong ko mula sa kanyang likod kahit alam na alam ko namang wala siyang masisilip na kahit na ano.

I chuckled at that thought.

"What is this? You're making me nervous and excited at the same time!" turan niya habang nakapang'titanic' pose siya na sa tingin ko ginagawa niya upang magbalanse.

Tinanggal ko na ang pagkakatakip ng aking mga palad sa kanyang mga mata. Ngayo'y ginugusot-gusot niya ang kanyang mga mata. At nang sa tingin ko'y bumalik na sa dating linaw ang kanyang paningin pakiramdam ko nawalan naman siya ng dila.

Bakit nga ba? Siguro dahil sobrang romantiko ng inihanda kong lugar? May mga lobo kase. Sapat lang ang ilaw, napakapribado, may mga nagkalat na bulaklak sa paligid, may mga prutas na kaseng sariwa ng bago nanaman naming taon at higit sa lahat may hotdog sa mesang nababalutan ng puting tela. May mas roromantiko pa ba doon? Sa halip na kandila, hotdog na lang, magkasinghugis naman eh.

"Happy third anniversary! Do you like it?" inumpisahan ko na sapagkat mukha na siyang estatwa sa kinatatayuan niya.

"What? Are you serious asking me that? I don't like it." sabi niya sabay halukipkip ng kanyang mga kamay.

"I love it" napalakas ang kanyang pagbawi.

Ngayo'y nakayakap siya sakin. Sobrang tagal. Ganito yung pakiramdam ko noong unang taon namin. Sa isang Tsinong templo --- doon namin idinaos ang aming unang  anibersaryo. Naramdaman ko rin ito noon. Yung pakiramdam na mapapahigpit ka rin ng yakap kase wala nang mas hihigit pa sa nangyayari.

"I love you so much Sandra. My love for you is beyond universe. " inalis ko na ang pagkakayakap ko sa kanya bago ko pa sambitin ito. Ngayon nakahawak ako sa kanyang mga pisngi.

"I love you Nathan, more than you'll ever know. I love you with all the love the universe can contain, and I promise not to leave you. " mangiyak-ngiyak niyang tugon.

Ako naman ang yumakap sa kanya ngayon kasabay ng paunang ritmo ng awit na 'A Thousand Years'. Batid kong gasgas na ang ganitong mga pakulo. Mga pakulong biglang magkakaroon ng tugtog at yayayain mong sumayaw ang taong mahal mo. Gayunpaman, iba ang sa amin. Hindi kase siya marunong sumayaw. Lubhang hindi.

"Can I have this dance my princess?" ito ang unang pagkakataon na yayayain ko siyang sumayaw sapagkat alam na alam kong hindi niya alam sumayaw kahit na simpleng romantikong sayaw lamang.

"Of course you may, my prince! But you know I cannot dance!" sambit niya sabay tawa nang mahinhin.

"Is that even a problem? Tuturuan kita kung papaano." mahina kong sabi sabay lahad ng aking palad sa kanya.

Inilagay niya ang kanyang palad sa nakalahad kong kamay.

"Paano?" isang matamis na ngiti ang kanyang iniwan matapos niyang sambitin ito.

"Step on my foot"

"Like this?"

At sumabay na kami sa saliw ng awit. Wala akong maramdamang bigat kundi ang bigat ng aking mata. Naluluha ako sa sobrang saya.

"I know you've heard me say this too often, but I love you -- more than I thought possible." hinagkan ko ang kanyang noo at siya nama'y pinawi ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Ikaw kase!" turan niya habang pabiro niya akong tinutulak.

Owing to that, I embraced her even tightly. That moment I know we had the most romantic evening ever this year. Though we did not speak with each other that long, our eyes and body already sang our love.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DevianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon