DOS - Ensayo sa Pakikidigma

25 4 0
                                    

Kinabukasan ay maagang gumising ang apat na prinsesa kahit sila ay hirap na hirap dahil hindi ito ang mga nakasanayan nilang gising. Kaya ngayon? Sa lugar kung saan sila ay nakabilad sa araw para mag-ensayo ay panay ang reklamo nitong si Purita dahil sa pwesto niya halos nakatutok ang haring araw.

 

 

“Kung sana ay hinanap na lang naten si David ay malamang hindi tayo nahihirapan dito.” Wika niya at pilit hinahatak ang pana. Ito ang unang sandata na pinaeensayo sa kanila

 

 

“Mali ka talaga ng pag-iisip Purita! Kung sana ay hindi umalis si David ay hindi tayo darating sa kinahahantungan naten ngayon. Humanda yang si David pagbalik niya dito.” Inis na sabe ni Dagulina sabay bitaw sa palaso na nagmula sa pana.

 

 

“Inyo na ngang tigilan ang paninisi kay David. Kaya lang naman niya ginawang lumisan ay. .” di na natapos ang sasabihin ni Zenayda na sanay ay ipagtatanggol ang kanilang bunsong kapatid.

 

“Itigil mo na nga mahal na kapatid ang pagtatanggol kay David! Alam ng lahat na wala lang talaga siyang pakealam sa kaharian naten” inis na sabe ni Purita

 

 

“Pero maiba ang usapan! Hindi ba pwedeng mag-atas na lang tayo ng ibang taong makikipaglaban? Mas maraming lalake naman siguro ang mas may kakayahan sa pinapagawa saten ni Ama” suwestyon ni Dagulina.

 

 

Napahinto si Zenayda sa sinabe ni Dagulina “Hindi maaari yan! Tandaan, kaya tayo ang inatasan ni Ama ay dahil tayo ay nakalinya sa lahi ng mga ninuno naten. Kung ibang taga Kaharian ng Chuvaneska ang gagawa nun ay malaking kahihiyan sa lating mga ninuno iyon”

 

 

“Mga mahal kong ate, nahihirapan na ako ng lubusan dito sa ginagawa naten. Para bang babagsak na ang aking katawan. Pwede bang tayo ay magpahinga muna?” pagsusumamo naman ni Claridad na mangiyak-ngiyak ng napaupo sa pwesto nila.

 

 

“Hindi ko na talaga maatim tong ginagawa naten.” Hinagis ni Purita ang pana at tumakbo paalis sa lugar na pinag-eensayuhan nila.

 

 

“Purita!!!!!” sigaw ni Zenayda na tumatakbo upang sundan ang kapatid.

 

Sumunod din sina Dagulina at Claridad dahil inakala nilang sa amang hari ito pupunta upang magreklamo o magsumamo na ipatigil na itong pinapagawa sa kanilang paghihirap na hindi naman nila dapat nararanasan kung hindi lang talaga umalis ang kapatid nila.

 

 

Ngunit nagkamali silang tatlo dahil sa silid ng kapatid nila tumuloy itong si Purita at naghanap sa mga kagamitan ni David ng maaaring makakatulong sa kanila na mahanap ito.

 

“Ano ba Purita!!! Sinabe na ngang wala naman tayong mahahanap na bakas pa kay David. Magiisang buwan na ng siya ay lumisan at sa pag-iimbistiga ay wala namang nakitang bakas na makakatulong na mahanap siya! Kaya tigilan mo na ang pagkalat sa gamit ni David!!” inis na sabe nitong si Dagulina.

 

Ngunit hindi tumigil si Purita at tinulungan pa siya ng kapatid na si Claridad. Mga ilang sandal ng may nakapa si Claridad sa sahig ay tinuklap niya ito at may nakita siya.

 

“Mga mahal kong ate! Ako ay may natagpuan.” Ipinakita naman agad ni Claridad ang kwaderno na lumang-luma na at nababalot ng alikabok .

 

Agad lumapit ang apat at umupo sa sahig upang silipin ang nilalaman nun. Binasa nila ng sabay sabay ang nakatala sa loob ng kwaderno. Ngunit may isang hindi naniniwala.

 

Tumayo si Dagulina at pinagpag ang kasuotan niya. “Isang kahibangan ang maniwala sa nakatala sa kwadernong iyan. Kaya maaari ba mga mahal kong kapatid. Tayo na at ipagpatuloy ang pag-eensayo.”

 

“Walang masama kung ating susubukan.” Wika ni Zenayda na nagliwanag ang mukha dahil nakakita sila ng bagay na makakatulong upang mahanap ang nawawalang kapatid.

 

“Inyo na ngang ibalik yan sa kinalalagyan niyan dahil di yan nakakatulong pa!” at tuluyan ng lumabas si Dagulina ngunit nagulat siya ng hatakin siya ng tatlong kapatid hindi naman siya makapalag at patuloy silang tumatakbo na papunta sa isang liblib na lugar sa kagubatan ng kaharian ng Chuvaneska.

 

 

“Nahihibang na kayo!” matapos ay inihagis ni Dagulina ang kwaderno sa kung saan sa mga kumpol ng halaman sa paligid nila. “Hindi niyo ako katulad na susubukang sundin ang nasa kwaderno na ngayon lang naten nakita at nabasa. At sa mga inaral naten ay walang nakatala na ganung libro sa silid aklatan. Malamang ay gawa lamang iyon ng imahinasyon ni David!” matapos nun ay  tumalikod na siya at humakbang ngunit nagulat na lang ang lahat ng biglang “AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!” Isang sigaw kay Dagulina ang nakapagpabago ng lahat.

 

 

EPOCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon