Somewhere Down The Road

2.3K 55 27
                                    

Just an ordinary day. Kakatapos lang mag submit ng mga monthly report kaya eto, tambay sa Wattpad. Ganito na ang naging routine ko. Sabi nga nung isang watty friend ko, petiks daw ang work ko, di daw nya ma-imagine kung ano ba talaga work ko. Sinabi ko naman na isa akong utility girl kaso ayaw maniwala (Sa ngayon alam nya na kung ano talaga work ko, hahaha).

So eto na naman ako sa Watty at napadpad ako sa isang story na mejo pang SPG. Yes SPG talaga dahil sa una pa lang, hataw na ang BS. Hahaha Let’s face it, mas interesting ang story kapag may BS. Anyway, habang binabasa ko ang story, napapaisip talaga ako ng author nito. Galing nyang sumulat esp sa BS. I’m wondering that time kung base on experience ba yun or it’s just an imagination. Nakwento ko sa kaisa-isang Watty friend ko that time nan a-amazed ako dun sa author nung story. Sabi ko pa nga basahin nya (pero alam ko di nya binasa dahil tamad yun eh. Hahaha Pero sinilip naman nya, ayaw daw kasi nya mag basa pag di pa tapos, di pa kasi tapos yung story that time). So nai-follow ko si Author para may notif ako pag nag update sya. Habang tumatagal lalo akong naging curious kay Author.

One time nag update sya. After ko basahin UD nya, nakita kong online pa sya so I decided na i-message sya. I just say hi. Mega English pa ko that time dahil di ko alam kung anong nationality nya. Written in English kasi story nya. Nag reply naman sya. Nagkapalitan din kami ng 2-3 messages then di na sya sumagot. After 2-3 weeks, nag update ulit sya and damn, superb sa BS ang update nya na yun. Hahahaha Nai-message ko ulit sya and at nag reply naman din sya. Kahit nosebleed na ko kaka English, sige pa din ako sa sagot. Until matanong ko kung taga san sya at potek, marunong naman palang magtagalog. Hahaha Di daw kasi ako nagtatanong.

Time flies at regular na din kaming nagkakausap sa watty. Puro asaran lang, lakas kasi mang asar nun eh. Tinatawag akong Ma’am or Madam. Until dumating na kami sa point na binigay nya sa akin cp# nya. Kinaumagahan, nasa work ako nun, dahil petiks na naman, naalala kong binigay nya pala sa akin # nya. Pinag isipan ko pa kung itetext ko sya.  Tatlo lang kasi friend ko dito sa watty kaya nag dalawang isip pa ko kung itetext ko sya. Tsaka baka di naman nya talaga # yun. Pagkalipas ng ilang minutong pag iisip, ayun, tinext ko na. Nag “hi _______(tawag ko sa kanya that time)” lang ako.  After 5 minutes, wala pa din reply. Naisip ko, baka nga niloloko lang ako ni Author. Nagkataon nagpatawag ng meeting so nawala na sa isip ko si Author. Breaktime, pag check ko sa cp ko, may message galing kay Author. At nakilala nya ko agad. Hahaha Ako lang daw kasi tumatawag sa kanya ng ganun. Dun na nag simula na maging TEXTMATE kami. Yes, TEXTMATE (Sya yung sa TEXTMATE short story ko) dahil hindi naman ako mahilig that time mag message sa MB ng may MB.

Naging close na din kami. Nagkwekwento sa personal life and lovelife. That time, nagkakalabuan na din kami ng gf ko. Habang sya, “happy lovelife” (yun ang description nya). Lumipas pa ilang linggo, nag break kami ng gf ko. Nai-kwento ko sa kanya story namin. Sya din, knwento nya yung tungkol sa gf nya. May nai-kwento din sya regarding sa isang watty reader na kung saan nagkaron sila ng feelings sa isa’t isa, hindi nga lang daw pwede that time dahil in a relationship nga sya nun. Nakwento pa nga nya na minsan na daw akong napag selosan ni watty reader. Actually, may pinag seselosan pa daw yun, isa din watty reader. Grabe nga daw mag selos.

Lumipas pa ang mga araw, constant pa din communication namin. Minsan buong maghapon kaming magkatext, natitigil lang siguro pag nasa work sya. Pero after nun, yan na, text na naman kami. One day, nag text sya, break na dw sila ng gf nya. Nai-kwento nya ang nangyari. The next day, nagpaalam sya na mag unwind daw muna sya kaya baka di nya ko matext. Nung bandang hapon, wala din, nag text naman din sya. Hanggang sa magkatext kami buong gabi. Nai-kwento nya yung tungkol kay watty reader na naging special sa kanya. Nag usap daw sila at tinanong kung baka pwede na sila pero she was turned down. Hindi pa daw kasi handa sa isang relationship ito. Nagpaalam ito sa kanya at bigla na lang nawala sa watty. Hindi na rin daw nagtext kaya medyo nagalit sya dito. Ayaw na ayaw nyang mababanggit pangalan nito.

Somewhere Down The RoadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon