PROLOGUE
Habang nagkakagulo ang mga kaklase ko - nagchichismisan, naghaharutan, yung ibang mababait, nagaaral, heto naman ako, tahimik na nakaupo sa desk, nakapangalumbaba at matyagang naghihintay para sa susunod kong klase. How pathetic. Sa loob ng dalawang taon, ganito na ang naging gawi ko. Hihintayin ang subject na s'ya mismo ang teacher, at habang nagka-klase, pa-simple ko s'yang pagmamasdan. There were also times na nakakapag-isip ako ng mga bagay na hindi dapat. Totally inappropriate for someone like me, a student, who's having hots for her teacher-- si Sir Dylan Mendoza.
I'm Josette Francisco, by the way, 17 years old. A senior high school student and still got three months until graduation. But the thing is, ayoko pang gumraduate, dahil kapag nangyari 'yon, then there would be no chance of me seeing my teacher every day.
It all started when I was in second year, third grading, at kaka-hire pa lang n'ya dito sa school namin. Fresh graduate s'ya noon, and by the moment he entered this school, marami na agad mga estudyante ang sobrang nagka-crush sa kanya, at isa na nga ako don. So I guess, me having this feelings for him was just normal. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa kanya? He's so damn attractive. He's tall, he's got masculine body and oozing sex appeal. Napaka-professional din n'ya kapag nasa loob ng classroom, hindi s'ya nakikipag-close sa aming mga estudyante n'ya kaya maraming nagsasabi na snob s'ya, gusto ko ring isipin na ganun nga s'ya, at gusto ko ring idikdik sa utak ko na wala akong pag-asa sa kanya, pero ang hindi ko maitindihan, ay kung bakit lalong tumitindi ang pagkagusto ko sa kanya gayong ni minsan, hindi naman s'ya naging friendly sa akin.
Well siguro ganun talaga, mas nakaka-excite ang mga bagay na mahirap makuha.
So last year nga, third year ako, naging teacher ko na rin s'ya sa Chemistry. Kaya sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nagkaroon lalo ako ng dahilan para maging excited na pumasok. Gabi-gabi din naga-aral ako, lalo na sa subject n'ya. Alam nyo na, syempre para magpa-impress. Pero ang nakakapanlumo, hanggang ngayon, hindi pa rin n'ya ako napapansin. Syempre bilang estudyante n'ya, kahit Paano alam n'yang nage-exist ako. Pero ano ba naman?! Syempre gusto ko naman yung kapag magre-recite ako, ngingiti s'ya. Yung tipong makalaglag panty na ngiti? Ang kaso, wala e. Sobrang manhid n'ya. Sobra!
"Francisco, Josette." May tumawag sa akin pero dahil parang naglalangoy pa rin ako sa lalim ng iniisip ko, hindi ko s'ya napansin. Napatingin sa akin yung mga kaklase ko, "Ms. Josette Francisco?" He called me again, this time louder. Biglang napaangat ang ulo ko.
"Ms. Francisco, are you with us?"
"S-sir? A-ano pong-" he sighed cutting me off.
"A-ano, uhm..." hindi ako makaisip ng tamang sasabihin kaya napatungo na lang ako, "sorry sir." I mumbled. He shook his head then nagpatuloy na lang sa pag-check ng attendance. Namumula ako sa pagkapahiya. First time kong napahiya, at sa kanya pa talaga! Sa klase n'ya pa! Nakakainis! Nakakahiya! Nakaka-... Ugh!
Nawala ako sa mood kaya talagang nanahimik ako buong klase. Hindi ako nag-recitation which is very unusual. Kahit na may mga tanong s'ya na alam ko naman ang sagot, hindi ako nagtaas ng kamay. Naiinis ako, pero more like sa sarili ko. I let myself down at mapahiya. I may be over-reacting, pero talagang big deal sa akin eh, nagpapa-impress nga ako, tapos simpleng attendance, di ko pa agad nasabi na 'sir, present'. Bakit? Dahil kakaisip ng kung ano-ano tungkol sa kanya.
When the bell rang, which meant it was time for recess, tumayo na ang mga kaklase ko at excited na lumabas para pumunta sa canteen, habang ako, matamlay na inayos ang mga gamit ko saka tumayo. Papalabas na sana ako ng pinto nang marinig ko si Mr. Mendoza na tawagin ako.
"Ms. Francisco?"
Lumingon ako sa kanya, "sir?" mahina kong sabi.
"Is there something wrong? You seem preoccupied." Sabi n'ya, and for once, parang nagbago ang tono ng boses n'ya. Not his usual formal tone na ginagamit n'ya sa loob ng klase. His voice was soft this time.
BINABASA MO ANG
Forbidden Affair (completed)
RomanceNaramdaman kong nakatitig lamang s'ya sa akin pero wala akong magawa kung hindi ang yumuko. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking mga kamay na nakapulupot pa rin sa kanyang leeg pero hindi sinasadyang naihimas ko iyon sa malapad n'yang dibdib. Dylan gr...