"Roberto kailangan ko ang perang 'yan!"
Yakap-yakap ko ang kapatid kong nanginginig mula sa takot kay Papa. Haplos-haplos ang dulo ng kanyang buhok, sinusubukang tahanin ang kanyang hagulgol mula sa kaba.
"Wala akong pakealam! Mag hanap kayo ng paraan! Aalis na 'ko! Pesteng buhay 'to oh!" padabog n'yang isinirado ang pinto, habang naiwan si Mama na naka upong umiiyak
Lumapit kami ng babae kong kapatid kay Mama, sabay yakap ng mariin dito. Napa ungol ng maharan ang aking ina nang napisil ko ng malakas ang pasa n'ya sa kamay, agad ko s'yang binitawan sa gulat. "P-pasensya na ma.."
Ilang minuto bago sila matahan. Dali-dali akong tumayo at inabutan sila ng maligamgam na tubig, sabay punas sa namamaga nilang mga mata mula sa kakaiyak.
"Kumain nalang ho muna tayo." alok ko
Tinulungan ako ng kapatid kong mag hain ng pagkain sa mesa. Masyadong tahimik ang loob ng bahay, ramdam kong bakas parin ang nginig at takot mula sakanila.
"Pasensya na mga anak ah.. mag hahanap nalang ulit ako ng pera.."
Halos bumaon ang katawan ng kutsara saaking palad sa higpit ng pagkakahawak ko rito. Lumunok ako, sabay subo ulit ng pagkain.
Walang araw'ng lumilipas na hindi nag kakasakitan si Mama at Papa. Walang araw na hindi n'ya kami ninanakawan ng pera. Walang araw na hindi s'ya nag bibisyo. Walang araw na tahimik at mapayapa ang pamamahay na ito.
"Ma.." tawag ko
Idinalaw n'ya ang kanyang titig patungo sa aking mga mata. Kitang kita ko kung gaano ka pula ang bawat sulok ng kanyang mga mata. Ang bawat pasang nagiging kulay Lila mula sa suntok na kanyang natanggap kanina lang kay Papa, "hmm?"
"Titigil na ho ako sa pag aaral." Halos paos-paos kong sambit
Natigilan s'ya nang marahan nang marinig ang katagang pinakawalan ko. Ibinagsak n'ya ang kutsara't tinidor habang naka kunot noo akong tinutukan, "Bakit? Nalalampahan ka na saakin?"
"Ma, hindi ho sa ganun.. ang akin lang--"
Malakas n'yang hinampas ang mesa, "Hanggat may kamay at paa pa ako, hindi ka hihinto! Ako ang bubuhay sainyo!"
"Ma.. hindi na natin kaya--"
"Nahihibang ka na ba Celéstine? Isang taon nalang ay ga-graduate ka na. Sasayangin mo pa ba 'yon? Anak 'yan lang ang hinihingi ko sa inyo, sa inyong mag kakapatid! Ang makapag tapos kayo! Gusto n'yo bang matulad saamin ng papa n'yo?"
Kita ko ang unti-unting pag bagsak ng luha mula sa mga mata ni Mama. Sa galit, agad n'ya 'yong pinunasan sabay takilod. Nakakuyom ang kamao ko, sabay lunok. Hindi ako maka-sagot. Wala akong maisagot..
"Huwag na huwag mo ulit akong iinsultuhin ng ganyan, Celéstine. Naiintindihan mo?"
Dahan-dahan akong tumango. Nang matapos ay agad akong nag ligpit ng pinagkainan, nilinisan ko ang sahig mula sa dami ng mga bubog na ibinasag kanina ni Papa.
"Ate.." nilingon ko si Dahlia nang bigla n'yang kinalabit ang braso ko
"Oh? May problema ba?"
Lumingon-lingon s'ya, sinisuguradong kami nalang ang naiwang tao dito sa sala. Nang maka sigurado ay agad s'yang yumuko sa harap ko. Pinipisil ng kanyang hintuturo sa kabila n'yang kamay. "A-ayoko na rito.."
Halos dinaanan ako ng malakas na hangin mula sa narinig ko. I swallowed and slowly lift her chin up to face me. Kita ko ang mga luhang namumuo sa mga mata n'ya, agad kong pinunasan ang mga luhang bumagsak sabay mahigpit s'yang niyakap, "shhh.."
BINABASA MO ANG
Love, Icarus.
RomanceCeléstine Soliquera, a young hardworking woman. Dugo't pawis, lahat-lahat ay ginagawa upang maka tulong sa sakitin n'yang ina. Hanggang saan nga ba aabot ang kanyang pagka deperadang makatulong? Are you willing to give everything you have for the sa...