(Short updates only. Up to chapter 15 to 20 siguro. Siguro ha? Baka pwede pang dagdagan. Na-inspire ako eh. Relate sakin to. Lalo yung title.)
Jinni's POV
.
.
.
.
."Ji! Maggro-grocery ako! May ipapabili ka ba?" rinig kong sigaw ni eomma mula sa baba. Nandito kasi ako sa kwarto ko nagpapalit ng school uniform. 6:30 am palang at 7:30 ang class namin. Ok na yung maaga para makapag-chismis pa. Hehe! Bumaba na ako at naabutan ko siyang nag-aayos ng gamit.
.
"Eomma. Bilhan mo nalang ako ng ramen. Dalawa ha?" sabi ko with matching puppy eyes pa. Baka kasi hindi pumayag..
"O sige. Aalis ka na ba? Kung hindi pa ikaw na ang maglo-lock ng bahay. Alis na ako." paalam niya at hinalikan ko naman siya sa pisngi bago umalis..
Ako naman, umakyat na ulit sa kwarto para ayusin yung bag ko. Inilagay ko na rin yung earphone sa tenga ko at ibinulsa yung phone ko..
[Now playing: Peter Pan by: EXO].
Ooh uh oh ~
Ooh uh oh oh oh
Ooh uh oh~.
Now I'm ready to go!— — —
.
Pagdating ko sa school, 7:00 na. Kaasar kasi naglakad pa ako! Tinatamad kasi akong mag-commute kaya naglakad nalang ako. Oh diba baliktad?.
"Annyeong Jinni!" bungad ng kaibigan kong si Naomi pagdating sa classroom. Class-IV A nga pala kami. O diba matalino?.
"Annyeong Naomi! Si Min Jae ba meron na?" tanong ko habang binababa yung bag ko sa upuan ko..
"Wala pa eh. As usual, male-late nanaman yun for sure." natatawang sabi niya. Nagkwentuhan pa kami ni Naomi ng biglang may pumasok na babae. Si Taki. From class-IV B..
"Guys! Be ready andiyan na ang mga Heads ." kinikilig na sabi niya. Bigla namang naging alert tong mga classmates kong babae at inilabas nila ang kanilang mga make-up. Ugh! Ayan nanaman ang sinasabi ko..
"Yiiieee! Andiyan nanaman si Kiro-kun! Waaah!!! My lavs!" nagsisimula nanamang atakihin sa puso si Naomi..
Naglabas siya ng tali at ipinusod ang kaniyang buhok. To be honest, maganda si Naomi. May lahi kasi. Pangalan pa nga halatang Japanese na..
"Am I cute na ba?" tanong niya matapos niyang nag-pusod..
"Dati ka nang cute. Tch!" nag-pout naman siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko..
"Alam mo, 4 years na tayong nandito sa Sowon Academy pero bakit hindi mo parin napapansin ang mga gwapong Heads?".
"Tch! Eh hindi naman kasi sila sikat gaya ng EXO. Hindi naman sila kasing hot ng BTS. At hindi rin sila kasing gwapo ng mga asawas natin. Kaya bakit ko sila papansinin?" bumalik na siya sa upuan niya at saktong nagbukas naman ang pinto.
BINABASA MO ANG
How To Love A Fangirl?
Teen FictionIsang kilalang pangalan ang JeeSoo Yoo sa kanilang paaralan. Tinitilian, hinahangaan, at kina-iinlove-an ng mga babae sa kanila. Ngunit iisa lang ang nakahuli ng puso niya. Si Jinni Song na isang Kpop fangirl. Walang bukambibig kundi ang kaniyang m...