The Most "Wasakest" Hugot Lines from Camp Sawi

4.8K 74 26
                                    


"So ito din walang seatbelt?"

"Ay hindi uso yun, ma'am. Parang love, walang safety net."


Totoo naman eh. Sa pag-ibig walang safety measures. Walang "standard rules and regulations" kung paano umibig. Kailanga ba pogi lang mamahalin? Kailangan ba maganda lang? Kailangan ba magkasing-tangkad kayo? Kailangan ba magkasing-edad kayo? Walang ganon. Lahat pwede mangyari, lahat pwede ma-inlove pero syempre lahat prone din na masaktan. Kahit na mahalin mo yan ng todo ingat, todo effort, todo bigay-oras, todo bigay ng lahat ng gusto niya, todo surprise ka, wag mo i-expect na hindi ka masasaktan. 'Yang lahat ng "todo" na binibigay mong pagmamahal, pag nasaktan ka... todo rin. Hindi yan parang Safeguard na pag ginamit mo pangsabon, 99.9% mapo-protektahan skin mo. Sa pag-ibig, the more na pino-protektahan mo yung mahal mo, the more na pwede ka masaktan sa huli kasi nag-i-invest ka ng feelings.


"If you can handle it and it helps you somehow, why not di ba? But like anything, too much of it can kill you – like love." 


Parang pag-inom ng alak din ang pag-ibig, parang bisyo, parang pagyoyosi, parang pagtotong-its, parang paggamit ng gluta, parang pag-intindi sa math problems o parang pagkain ng lechong kawali. Masarap at may sayang dala ang lahat nang nabanggit ngunit pag nasobrahan... again, sabi nga ng mga thunders eh "Lahat ng sobra, masama."

Sarap kayang uminom ng Jack Daniel's o Hennessy na may coke o kaya Empi Lights o malamig na beer, pero try mo 'yan araw-arawin, ewan ko lang hindi maluto liver mo. Try mo magyosi ng dalawang packs everyday, ewan ko lang kung di ka kunin agad ni Lord. Magsugal ka araw-araw ewan ko lang kung hindi maubos yang inipon mo. Mag-take ka ng gluta pills minu-minuto, ewan ko lang kung mabalanse pa yang body system mo. I-solve mo yung trigonometry kahit basic math lang alam mo, ewan ko lang kung hindi duguin ilong mo. O kaya try mong umubos ng dalawang kilong lechon kawali na may Mang Tomas, ewan ko lang kung hindi ka ma-highblood. Lahat sa una kaya mong pigilan, kaya mong balansehin. Paunti-unting lagok, hits, taya, pahid o tsibog, pero kapag nalulong ka... deads ka. Parang pag-ibig, pag nag-super hart hart ka sa kanya, super hurt hurt din ang balik niyan sa puso mo. Hinay lang. LOVE MODERATELY.  


"Kailangan ko uminom para maging guwapo ka, kasi ang pangit mo!"  

Noong narinig ko 'to na sinabi ni Arci, ewan ko pero tawang tawa ako. Pati na rin yung ibang manonood eh nakitawa na rin! Hahahaha! Hanggang ngayon kung maririnig ko 'to matatawa ako eh. Pero sa kabila non, para sakin may mas malalim itong kahulugan. "Kailangan ko uminom para maging guwapo ka, kasi ang pangit mo!" Ibig sabihin, hindi siya nagmahal kasi pogi ang partner niya, kasi matangos, kasi chinito boy, kasi hottie guy, kasi macho, kasi pang-commercial model. Hindi. Mahal niya talaga yung ex-boyfriend niya inside and out. Ganon naman talaga dapat sa pag-ibig eh. Hindi tayo dapat mag-base lang sa physical appearance, bonus nalang kapag pogi o maganda siya. Mas importante and mas dapat kilalanin mo yung "kapogian" ng tao sa panloob. Hindi mo kailangan ng kahit anong alak para ma-realize na mabuti siyang tao. 


  "Porket iniwan ako, bitter ako? Dahil pinaasa ako, bitter ako? Hindi ba pwedeng gusto ko lang dibdibin yung pain?"

  Minsan di naman talaga tayo bitter. "Bitter" kasi ay emosyon na para lang sa taong insecure pa, galit pa, o kaya pinagdadasal na sana walang magmahal sa ex-partner niya. Baka hindi ka bitter, baka "broken" ka. Magkaiba yon. Broken ka kasi nasaktan ka sadya man niya o hindi, broken ka kasi namimiss mo siya, broken ka kasi malungkot ka na hindi mo na siya pwede makasama. Broken ka. Wasak yung puso mo. Wasak na wasak. Basag. Basag basag. Gutay. Gutay gutay. Ang sakit ng pakiramdam pero kailangan mo yan damdamin, kailangan mo yan maranasan. Wala naman kasing skip button sa pain, ganon din sa mga panahong umibig ka. Walang shortcut. Walang easy way out na pagpinaikot mo yung dice at natapat ka sa ladder, nasa finish line ka na agad mula sa box #1. Feel the pain... normal yan. Wag mo takasan, pero wag mo rin tambayan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Most Wasakest Hugot Lines from Camp SawiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon