Anghel

42 0 1
                                    

Nakahiga si Chanyeol sa damuhan, nakatingala nanaman sa ulap at binibilang kung ilan ang ibon na dadaan sa harapan nya. Hindi tulad ng iba pang mga araw, kakaiba ang nangyari ngayon, hindi ibon ang nakita ng mata nya.

Anghel... Bulong niya sa sarili.

Nakatitig lang sya sa muka nito, sa mata, sa labi. Anghel. Anghel ang nakikita ng mga mata nya. Hindi nya alam kung anong nag-tulak sakanya pero may isang pangalang pumasok sa isip nya.

"Baekhyun." Gumulong ang bawat letra nito sa dila nya na parang nakatakda itong dumaan sa mga yon. Pumikit sya, dinamdam ang bawat letra, ang mga mata ng anghel, ang mga labi nito.

Parang totoo...

Pero pag-dilat nya, nasa kwarto na ulit sya. Kwartong kulay puti. Ang tawag nya sa kwartong to, langit. Dahil ang turo ng guro nya nung bata pa sya, ang langit, kulay puti.

"Baekhyun." Bulong nya sa sarili. Ang sarap banggitin.

"Baekhyun." Kahit paulit-ulit.

"Baekhyun."

Nagulat sya ng biglang bumukas ang pintuan. Isang babaeng may kulay puting uniporme ang pumasok, dala dala nanaman ang lagi nitong ibinibigay sakanya. Ang sabi sakanya ng babae kailangan nya lang inumin ang bagay na iyon at pwede na ulit syang lumabas sa damuhan at mag-bilang ng ibon.

Makikita nya ulit si Baekhyun.

Makikita nya ulit ang anghel na nakita nya kahapon. Agad nyang ininom yon at lumabas para humiga sa damuhan. Buong araw syang nag-hihintay. Buong araw syang nakahiga sa ilalim ng langit pero wala si Baekhyun. Wala ang anghel.

Nang gabing yon, dumating ulit ang babaeng nakauniporme at binigyan sya ng kulay puting tabletas. Gusto nyang makita si Baekhyun. Gusto nyang makita ulit ang mga ngiti nito.

Pag-dilat ng mga mata nya, si Baekhyun agad ang gusto nyang makita. Unti-unti nang lumalabo ang muka nito sa isipan nya at natatakot syang tuluyan na tong mag-laho sa kanyang ala-ala. Ayaw nyang makalimutan si Baekhyun.

Pag-katapos inumin ang ibinagay sakanya ng babae, nag-mamadali syang lumabas para hintayin muli ang pag-dating ng anghel. Sana, sana ngayong araw, makita nya ulit si Baekhyun.

Pero tulad ng mga nakaraang araw, wala, walang Baekhyun, walang anghel.

Siguro bukas, makikita nya ulit ito. Mag-hihintay sya. Handa syang maghintay, handa syang mag-bilad sa ilalim ng mga puting ulap makita nya lang ulit ang mga mata ni Baekhyun.

Isang malakas na sigaw ang gumising sa natutulog nyang diwa ng gabing yon. Agad syang bumangon...

Isang sigaw pa... Paulit-ulit, hanggang sa natulig na sya, tinakpan nya ang tenga pero mas lalo lang lumakas ang mga sigaw na yon. Unti-unting lumilinaw... Hanggang sa pangalan nya na ang nabubuo sa bawat sigaw na iyon.

Kalabog...

Sigaw...

Paulit-ulit, paulit-ulit na sumisigaw si Baekhyun. Hinihingi ang tulong nya. Tulad ng ginawa nya noon, tumakbo sya sa ilalim ng kama, nag-talakbong, kabog ng dibdib nya at ang mga sigaw ni Baekhyun lang ang tanging umaalingaw ngaw sa loob ng kwarto.

"HINDI!!!! TAMA NA BAEKHYUN! TAMA NA!!!!"

Naalala nya na, si Baekhyun. Ang anghel nya. Hindi, kasalanan nya.

Kasalanan nya kung bakit anghel na si Baekhyun.

Wala syang nagawa para ipag-tanggol ang anghel nya.

Biglang natahimik. Sobrang tahimik. Tanging kabog lang ng dibdib nya ang maririnig at ang pag-hinga nya.

"Chanyeol." Bulong sakanya ng tinig.

"Chanyeol."

May humawak sa kamay nya...

"Chanyeol, ako to, si Baekhyun."

Inangat nya ang ulo mula sa pag-kakayuko at tinignan ang lalaking nasa tabi nya...

Ang anghel nya. Si Baekhyun.

"Patawarin mo ko Baekhyun."

"Shhh."

Dahan-dahan syang lumabas sa ilalim ng kama, habang hawak ang mga kamay ng anghel. Nag-lakas sila sa hagdanan, paakyat sa mas mataas na parte ng kulay puting gusali na yon.

"Baek?"

Tuloy-tuloy lang sila sa hanggang sa dulo. Hinangin ang suot nyang kulay puting damit pero patuloy parin si Baekhyun sa pag-lalakad.

"Malalaglag tayo." Bulong nya kay Baekhyun pero umiling lang ang anghel.

"May pakpak ang anghel Chanyeol. Magtiwala ka."

Dahandahan syang pumikit bago mag-patangay sa mga hawak ni Baekhyun. Sana sa pag-sama nya sa anghel, mapatawad na sya nito sa mga kasalanan nya. Sa kawalan nya ng lakas para iligtas silang dalawa ng tangayin sila ng mga di kilalang lalaki nung gabing pauwi sila galing sa paaralan.

Nung kunin ng mga ito sa Baekhyun sa tabi nya at pag-laruan sa harapan nya mismo. Sana mapatawad sya nito ng wala syang magawa ng hubaran nila si Baekhyun at babuyin sa harapan nya, at ng kunin nila mismo sa harapan nya ang buhay ng nag-iisa nyang anghel.

Sana... Sa pag-papaubaya nya sa sarili sa anghel... tuluyan na nitong mabura lahat ng sakit at kasalanan nya. Lahat ng pag-hihirap at masamanh pangyayari.

Sabay silang lumipad sa langit... at nag-paubaya sa hangin.

--------------

FIN

sehubo

AnghelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon