Love that is Dead

65 3 1
                                    

"Can you please be mine?"

Yung oo niya ang napaka gandang sagot na sinagot niya.

Yung oo niya yung napaka sarap ulitin.

Yung oo niya ang napaka laki kong sagot sa lahat ng dasal ko.

Yung oo niya, wala na kong mahihiling pa.

Today is the happiest day for me, for us. It is the day where my life found another reason to be worth living. Ito yung araw na sawakas napatunayan kong masarap mabuhay.

I hugged her tigh. Sobrang saya ko. Wala na kong mahihiling pa. Nakakabakla man pero oo, umiiyak ako.

Umiiyak ako kasi finally! Mahal pala ako ng babaeng nililigawan ko na ngayoy girlfriend ko.

Tinawanan niya ko at pinunasan ang luha ko. I am damn speechless, walang ibang lumalabas sa bibig ko kundi "thank you" and "I love you"

Dinala ko siya sa napaka gandang resto. Nilibre ko siya ng kahit na anong gusto niya. Kinanta ko sakanya ang mga gusto niya. Pinuno ko lang ng  maraming alaala ang araw na yon.

Mula ng sinagot niya ko, pinangako ko sa sarili kong bawat araw na imumulat niya ang mata niya, sisiguraduhin kong susulitin ko yun hanggang sa pagpikit ng mga mata niya.

Bawat araw, pinaparamdam ko sakaya kung gano ko siya kamahal. Hindi ko nakakaligtaang batiin siya kada umaga o paalalahanin siyang kumain na.

Hindi ko nakaligtaang sabihin sakanya ang "I love you" o "Mahal kita" at kada moment na sinasabi ko yun sakanya, alam ko at nararamdaman kong ganun din ng sagot niya.

"Mahal din kita" ang napaka sarap na mga salitang naririnig ko mula sa kanya kapag nagkakaroon ako ng problema. Sa balikat niya ako umiiyak at bisig niya ko kumakalma.

Ang ngiti niya lang ang gusto kong makita kada umaga. Kada umagang pag gising ko, haharap ako sa bintana at tatawagan siya. Lalabas naman siya sa bintana nila, kakaway, ngingiti at sasabihing "Good morning babe ko, I love you, Kain ka na"

Tuwing Sabado, lalabas kami. Lalabas ng naka couple shirt, magka holding hands. Ang sarap sa tenga kapag sinasabi ko sa driver ng jeep "Bayad po, dalawa" dahil alam kong siya ang kasama.

Manonood ng sine, kakain kung saan saan. O kung minsan nandon lang kami sa bahay at magkukulitan hanggang sa makatulog at sa oras na yun, siya lagi ang pinapauna kong matulog at bubuhatin paakyat ng kwarto ko, tititigan at ngingiti na sa isip "ikaw lang, sapat na" 

Magkasamang magsimba, sabay sa pila kapag kukuha ng ostya. Parehong luluhod at magdadasal pero parehong nakangiti dahil alam ko sa sarili kong "konti nalang, sa altar naman kami luluhod"

Tuwing umuulan o bumabagyo, magkasama kami pareho. Yayakapin ko siya ng mahigpit para maibsan ang lamig na dulot ng masama na panahon. Minsan pa, nagiging doctor siya sa tuwing nagkakasakit ako nanjan siya.

Nung umalis ako dahil kailangan ako ng mga magulang ko sa ibang bansa, hanggag sa airport ayaw kong bumitaw sa kamay niya dahil kahit na anong pag papanggap ay hindi ko ata talaga kaya. Nun ko lang siya nakitang umiyak habang nakayakap sakin pero hinalikan ko lang siya sa noo at sinabing "babalik ako"

Nung araw na bumalik ako, agad akong napatakbo na kahit ang bigat ng bag ko wala akong pakielam, niyakap ko siya ng sobrang higpit at hinalikan. Paulit ulit na naman na "I love you"  at "I miss you" ang nasabi namin.

Napaka sarap sa pakiramdam na sa bawat paggising mo sa umaga, nanjan siya para buuin ang araw mo.

Lalo na nung monthsary namin, hindi ako nagsising gumastos ng malaki dahil para sakin, yung napa iyak ko  siya sa sobrang tuwa, nayakap niya ko na para bang ayaw niya na kong mawala at isang halik niya ay sobra sobra na para sakin.

Love That Is Dead Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon