*Chapter 45

18.4K 216 11
                                    

*Chapter 45

Erin's POV

Dahil ba rin sa lumalalim na ang gabi niyaya ko na siyang umuwi muna sa bahay. Syempre gusto ko rin naman siyang ipakilala kay papa.

"Tara na. Gumagabi na." Sabi ko.

"Okay. Hatid mo na lang ako sa terminal ha?" Sabi niyang nakangiti.

"Anong terminal ka dyan. Sa bahay muna tayo." Sabi ko pagsakay sa motor.

"Eh gagabihin na ako paguwi sa amin." Sabi niya.

"Ihahatid kita." Sabi ko naman at pinaandar na yung motor.

Pagdating sa bahay sakto naman na dinner time. Nakapaghanda na si mama Beth ng pagkain. Si papa din nasa bahay na. At syempre si Anne.

"Papa may bisita tayo." Bungad ko.

"Good evening po." Sabi ni Nath na nakasmile man halata naman na nahihiya.

"Good evening din sayo iha." Sabi ni papa.

Kumain na kame ng dinner. Si Anne panay ang ngiti sa amin. Parang timang di ba? Sila papa at mama Beth naman kanina ko pa nahahalatang nagsisikuhan.

"Pa?" Tanong ko. Alam ko naman kasing may gusto siyang sabihin eh hindi pa niya simulan.

"Oh? Ahh.. oo nga pala Nath we are very pleased to finally meet the woman that changed my daughther." Sabi niya.

Nagsmile naman ako tapos tinignan si Nath. Ayun oh! Blush nanaman siya.

"The pleasure are all mine sir." Sagot niya.

"Naku. Ang formal mo naman. Tito Erik na lang or papa. Baka manaya lang official na anak na rin kita." Sabi ni papa.

"Pa naman!" Sabi ko. Geez! Si papa may nalalamang anak-anak effect pa.

"Okay po tito." Sabi naman ni Nath.

After namin kumain nagpaalam na si Nath na uuwi. Mga 9 na rin kasi yun.

"Eh gabi na 'nak. Kung dito ka na lang magpalipas ng gabi?" Sabi ni mama Beth.

"Oo nga naman. Masyado ng gabi. Ipagpapaalam ka na lang namin sa inyo." Dagdag naman ni papa.

"Ahh eh nakakahiya po." Sabi ni Nath.

"Nahiya kapa 'nak. Dito ka na matulog." Sabi ulit ni tita.

"Oo nga. Hindi naman nangangagat si Erin eh. At ako katabi mo." Singit naman ni Anne.

"Sige po thank you po tita Beth." Sabi niya.

Sarap batukan ni Anne. Asa siya ako katabi ni Nath noh. So ayun pumayag na nga si Nath. Tumawag siya sa kanila na bukas na makakauwi.

-----------------------------------------

-Sa room-

Pinahiram ko ng damit si Nath. Pati underwares. Hindi pa naman gamit nga yun at nalabhan na. So naligo na siya tapos umupo sa sofa sa labas. Nakipagkwentuhan sa parents ko at kay Anne.

Pumasok na ako sa room at inayos yung bed. Hmmm... Sa lapag na lang ako tapos sila Anne at Nath sa bed. Tinago ko rin yung giraffe na bigay niya. Pati yung mga pictures namin. Adik kasi ako. Daming pictures sa room ko. Then yung laptop at tablet ko pinalitan ko yung wallpaper. Baka kasi makita niya. Ayoko pa ng problema ngayon.

Naligo na rin ako para makapagpahinga na kami. Pag labas ko sa room si papa at mama Beth nasa room na daw nila.

"Ahem... anong pinaguusapan niyo at tawa kayo ng tawa?" Sabi ko sa dalawa.

Past Perfect Tense! (girlxgirl) (lesbian love story,)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon