HAHANAPIN KITA?
O
HAHANAPIN KO ANG SARILI KO?
Mag isa kang naglalakad
sa tabi ng mga bulaklak.
Isang babae ang iyong nakita,
nakaupo sa tabi ng mga sampaguita.
Siya'y iyong nilapitan,
dahan dahan na paghakbang,
Siya'y iyong nakasama,
matagal pa sa iyong inakala.
Iyong hinangad ang higit pa sa pag kakaibigan,
ng malaman niya ay agad siyang kinabahan
pilit na hinahanap ang kasagutan
sa kanyang puso na warak at duguan.
Kanyang napagpasiyahan na lumayo
hanggang gumaling ang puso nyang nag durugo
iyong hinanap bakas ng kanyang mga paa,
upang matuko'y kung saan siya papunta
Hinanap mo siya ng hinanap
metro metro ang iyong nilakad,
Nang sa wakas ay may nakakilala
"ang nag ngangalang Krystal ay duon nakatira"
aking pinuntahan ang lugar na iyong kinaroroonan
ngunit bukas na pinto at malinis na espasyo ang aking naabutan
muli ika'y aking hinanap
sa mga lugar na akala ko'y ika'y matatagpuan na
ilang taon pa ang lumipas, ngayon ika'y maghanda
Ilang beses akong nagtago
akala ko'y iyong matatamo
sa kagustuhang maramdaman
ang pagmamahal na ipinangako mo.
Inisip ko lang ang gusto ko
alam ko kung saan ang aking patutunguhan
ngunit pilit na nagpahanap sayo sa kawalan
natuwa ako saglit nang nakita kitang sumubok
ngunit agarang napawi ang tuwa
nang marinig ko mula sa iyong mga labi
"para saan pa? at siya'y aking hahanapin?"
liwanag at dilim ang lumilipas
pero ika'y pilit paring hinahanap
naisip kong tumigil
ngunit pakiramdam ko ako ay mababaliw
sa kaisipang ika'y tuluyan nang mawawala sa aking piling
lahat ng saya pilit na inaalala
memorya ay pilit na pinapalitan
makita ka lang o masilayan man lang
gusto kitang makita
gusto kitang makasama
gusto kong balikan ang nakaraan
nang ako'y makatakas na dito sa aking kulungan
gusto ko , Oo gusto ko
Ngunit mula sa pagpikit ng aking mga mata
hanggang sa namulat sa reyalidad
ay nakita kita.
Nakita kita na masaya
nakita kita na may kasamang iba
may kasamang maliit na anghel na kumakanta
nakahawak sa iyong mga daliri
isang bagay ang nakita
sa taglay na liwanag ng araw
Ang singsing sa iyong daliri ang nagpapatigil sa aking lumuha
binalikan ko ang lahat
mula nung una kitang makaharap.
umupo ako sa tabi ng mga bulaklak
inisip ang mga benepisyong aking natanggap
mula nung una kang nakita
isang lalakeng walang problema sa buhay
nawala sa kaniyang sarili
Nawala sa kaniyang sarili
upang ika'y hanapin
Nang makita ka ay hindi ka nag-iisa
Kumpletong pamilya ang nadatnan
Isang Nanay, isang Tatay at isang mala anghel na anak.
pagkatapos ng taguan
pagkatapos ng bilang hanggang sampu
akala ko ikaw na mag-isa lang ang matatagpuan.
Kaya napag isipan na lang na hanapin ang sarili dahil wala ka na sa aking tabi.
==========================================================================
keh wahahahaha
449 words.