Jane’s POV
“Bilisan mo nga ,Jane”
"Sandali, parang ikaw pa 'tong excited eh.”
Tumahimik naman siya. Pagkatapos kong magbihis dumeretso na kami sa kotse ko.
Hi! Ako nga pala si Jane Madrigal, 21 years old. Itong kasama ko naman ay si Jessica Jumalon. Papunta nga pala kami sa ****** resort, magkikita kasi kami ng boyfriend 'kong si Gab.
Ngayon kasi ang 2nd anniversary namin. Pagdating naming may lumapit sakin na bata.
“Ate may nagpapabigay po”
Sabi niya sabay abot sa 'kin ng isang papel.
“Kanino galing?”
Hinanap ko kung may letter bang kasama ngunit wala akong nakita.
Pagtingin ko, wala na yung bata.
Habang naglalakad, may isang bata na naman na lumapit sa akin at bingyan ako ng isang malinis at scented paper.
Binasa ko na ang nakasulat sa papel.
“Ano daw sabi?” -Jessica
“Magkita daw kami sa may pool. Tara”
Pagdating namin, nakita ko agad si Gab na nakaupo sa may pool habang nakababad ang kanyang mga paa.
Umupo agad ako sa tabi niya. Nabigla lang ako kung bakit sa kabilang tabi ni Gab umupo sa Jess.
“Happy 2nd anniversary, Jane. Remember that I loved you”-Gab
Loved? Minahal? Hindi minamahal? Nalilito ako
“Gab, deretsuhin mo nga ako. May hindi ba ako nalalaman?”
" I'm sorry, Jane. I'm breaking up with you”
WHAT? No, 'wag kang iiyak Jane.*inhale exhale* This is probably one of his plans. Then he'll suprise me with something really romantic.
"Ano ba to, Gab? 'Wag naman yung ganito. Hindi ko 'to gusto. Tell me the truth. It's okay. Part naman 'to ng suprise mo diba?"
"I am really sorry, Jane."
“Bakit may iba ka na?”-ako
“Oo.” sabi ni Gab sabay hawak sa kamay ni Jess.
“Ahh. Okay lang naman. Have a happy relationship. Pero sana naman Gab *sob* , hindi mo pinaabot sa 2nd Anniversary natin”
Di ko na pigilang umiyak. Tumayo na ako sabay takbo. Hindi ko na pinansin ang dinadaan ko. Wala na akong pakialam. Bahala na! Sobrang sakit. Ang dalawang malalapit sa 'kin ay pinagtaksilan ako.
*BOOGSH* OMG! Ang tanga ko! Nahulog pa talaga ako sa pool.
"Jane, okay ka lan—“
“Im okay.Congrats *sob* ha!”
Tumakbo na ako sa kotse ko. Sakto naming pagsakay ko, bumuhos ang ulan. Habang nag dra-drive biglang tumigil ang kotse ko.
PUNY*TA! Nasiraan pa talaga ako! Umupo ako sa pinakamalapit na bench. Binuhos ko lahat ng sama ng loob ko sa ulan. Hindi naman siguro nila mahahalata na umiiyak ako since umuulan naman.
Wala akong pakialam kung magkasakit man ako. May biglang lumapit sakin na lalake at pinayungan ako. Kinausap niya ako. He’s name is Lance Monteverde. After few months naging mas close kami ni Lance.
Sa tuwing kasama ko siya sumasaya ako. Sabi pa nila, kung sinong makakasama mo sa journey mo sa pagmo-move on, sa kanya ka mafa-fall. Tama nga sila. Nagugustuhan ko na si Lance.
Nabigla ako nang biglang tumunog ang phone ko. Nag text sakin si Lance, magkita daw kami sa Starbucks at may ipapakilala siya sakin.
Pagkatapos kong maligo at magbihis dumeresto ako sa Starbucks. Umupo ako sa table na inupuan ni Lance.
“Ayan na siya”-Lance
“Uhmm Claire si Jane nga pala kaibigan ko”-Lance
“Hi!”
“Jane si Claire, Girlfriend ko”
Nabigla ako sa narinig ko. Sa pagsasama namin, wala siyang nabanggit na may girlfriend siya.“G-girlfriend?”
“Oo”
“Sige alis na ako baka makaistorbo pa ako sainyo”
“wai—“
“Bye”
Tumakbo ng tumakbo ako at di ko napigilang umiyak. Bumuhos ang luha ko. Bakit ganito lagi? Pagdating sa pag-ibig, ako'y nasasawi. Hayyy, ang tanga ko talaga.
--THE END--